CHAPTER 16

9 2 0
                                    

CHAPTER 16



Sahara's POV

Nagising ako ng maaga dahil ngayon ay mag uusap daw kami ni Grey. 8:00 am pa lang naman at hinanda ko muna ang mga gagamitin ko pang ligo at dumiretso sa banyo. Pagkatapos ko maligo ay lumabas na ako sa kwarto. Nakita ko si mama na nagluluto ng almusal namin.

"Good morning mama!" Nakangiting bati ko at hinalikan siya sa noo "Mas maganda ka pa sa umaga anak haha" nagtawanan na lang kami at sinimulang kumain.

"Anak? Bukas ihahatid kita roon ah?" Nakangiting sabi ni mama at tumango naman ako. Pagkatapos namin kumain ay tinawagan ko si Grey.

Calling...

"Good morning lab! Mwa!" Bati ko at natawa naman siya. "Good morning din lab" humikab pa siya "Susunduin kita diyan ah?" Sabi niya at natawa naman ako. "Sige lab. Gusto mo dito ka na kumain?" nakangiti kong sabi "ah kumain na ako dito lab. Gusto na kitang makita... Miss na miss na kita" seryoso niyang sabi "Magkikita naman tayo Grey HAHAHA" Nakangiti kong sabi. "Pero gusto ko araw-araw hehe.. Oh sige na lab mag aayos na ako tas pupuntahan na kita diyan." natawa naman ako Hahaha "Ah sige bilisan mo ha. Bye na i heart you!" Ngumiti naman ako "I heart you too lab." Seryoso niyang sabi at binaba ko na ang linya.

Iniunat ko ang mga kamay ko at sumandal sa sofa. Mahal na mahal ko talaga ang lalakeng yun, siya yung taong bumuo ng pagkatao ko >.< umidlip muna ako sa saglit.

*Tok! Tok!*

Nagising ako sa katok na yun. Baka si Grey yun. Dali-dali akong tumayo at binuksang ang pintuan. Bigla ko siyang yinakap at kinagulat naman niya.

"I miss you Grey!" nakangiti kong sabi at ngumiti din siya. "Tara na?" Seryoso niyang sabi at nagtaka naman ako.

Nagpaalam muna ako kay mama at lumabas na ng bahay.. Nakita ko si Grey na seryoso pa din ang mukha. Naalala ko yung sabi niya kagabi na may importante daw siyang sasabihin sa akin.

"Saan ba tayo lab?" Tanong ko "doon lang tayo sa garden ng subdivision natin" seryoso niyang sabi "kung saan nakita kitang umiiyak lab HAHAHAHA" pang aasar ko sa kaniya at kumunot ang noo niya >.< may mali ba sa biro ko? Tss "diba nakita mo na ang papa ko?" Tanong niya habang naglalakad kami at tumango naman ako.

"Kilala mo na ba ang mama at papa ko dati?" Tanong niya at umiling naman ako "Nung nakita ko papa mo parang nakita ko na siya eh pero hindi ko siya kilala" seryoso kong sabi "Mayroon pa pala akong hindi natatanong sayo..." Tanong niya at nandito na kami malaking garden. Napakaganda talaga dito at saka umupo kami.

"Ano yun lab?" Tanong ko "Bakit mama mo lang ang kasama mo sa bahay mo?" Tanong niya at napatigil naman ako. Sabi ko na nga ba eh tatanungin niya rin ito. Sasabihin ko ba? Syempre 'boyfriend ko si Grey eh'..

"Broken family kami Grey" sabi ko at lumaki ang mata niya.  "Nasa tiyan pa lang ako ni mama ay nakabuntis si papa ng ibang babae." Mapait kong kwento "Alam mo yung masakit doon lab? Kami yung unang pamilya.. pero mas pinili niya yung pangalawa niyang pamilya." nararamdaman ko nang papatak na ang mga luha sa mata ko.

"Sorry lab" malungkot na sabi ni Grey "ayos lang" ngumiti ako at pinisil siya sa ilong "kwento mo na makikinig ako lab" sabi niya at nagpatuloy ako sa pagkukwento "Yung surname ko kay mama na surname yun nakipag divorce si mama kay papa at pinalitan ni mama ang apelyido ko na apelyido niya." Seryoso kong sabi "Nakikita mo ba ang papa mo?" Tanong niya at tumango naman ako "Nung nakaraan isang beses nakita ko siya sa ospital" sabi ko at tumango siya "Sa totoo lang kakalipat lang namin sa subdivision na ito bago mag pasukan, kasi nalaman ni papa kung saan kami nakatira noon at gabi-gabi siyang pumupunta sa bahay at nagmamakaawa na makita ako. Ayaw akong ipakita ni mama kay papa dahil wala na daw siyang karapatan sa akin simula nung iwan niya kami." pinipigilan ko ang iyak ko. At bigla akong yinakap ni Grey..

"Lab? Huwag ka nang umiyak. Please? Nanghihina ako sa tuwing iiyak ka" pinunasan niya ang luha ko at saka ako ngumiti. "Ayos lang lab. Sa ngayon tanggap ko na.. na ganito ang buhay ko at hindi na iyon magbabago." sabi ko habang nakatingin sa malayo.

"Lab.. May sasabihin sana ako..." Napatingin ako sa gawi niya at tumango ako "Hindi boto si papa sa relasyon natin simula pa lang nung una" sabi niya at may kumirot sa puso. Bakit? Hindi ko maintindihan "Hindi ko raw alam kung anong klaseng pamilya ang meron kayo... Pinoprotektahan lang daw niya ang pamilya niya.. Kami" mahinahon niyang sabi at ikinagulat ko naman. Hindi kaya??? Kilala ng papa niya ang papa ko? Alam niya kaya kung anong trabaho ang meron si papa noon? >.<

"Paano naman niya nasabi yun? Kilala niya ba kami?" Seryoso kong tanong at umiling naman siya "Hindi ko alam lab. Sorry.. ayan lang ang sinabi ni papa sa akin pero hindi ako naniniwala lab. Diba hindi naman totoo yun? diba lab?" Pangungumbinsi niya sa sarili niya.

Yinakap ko siya ng mahigpit "Lab kahit ganun pa ang pamilya na meron ako, Iingatan kita... Mamahalin kita..." nakangiti kong sabi at hinalikan siya sa noo. "Sa ngayon hayaan na lang muna natin ang galit ng papa mo sa amin" malungkot kong sabi. "Sorry lab ha?" Nakanguso niyang sabi "ayos lang para din sa inyo yun." at nginitian siya.

Inalalayan na niya ako sa pagtayo at nagsimulang maglakad pauwi ng bahay.

"Lab" hinawakan niya ang dalawang kamay ko at saka siya nagsalita "Thank you" sabi niya at ngumiti naman ako "Mas thankful ako Grey. You know why? Nag stay ka pa rin sa akin kahit.. kahit ayaw sa akin ng papa mo para sayo." Malungkot kong sabi "I'll stay until the end. That's my promise. Remember that. Always" sabi niya at yinakap ko naman siya.

Umalis na siya at pumasok naman ako ng bahay.  Nakita ko si mama na seryoso na nanonood ng T.V.

"Mama nandito na po ako" masaya kong sabi at nginitian niya ako "Saan naman kayo namasyal ni Grey?" Tanong niya "Sa garden lang po ng subdivision natin" pagkatapos naming mag usap ay hindi ko na kinuwento pa ang pinag-usapan namin ni Grey. Dahil hindi rin boto sa amin si mama nung una at tinanggap na lang niya dahil 'mahal ko si Grey.. Mahal na mahal'

Pumunta muna ako sa kwarto at doon nagpahinga, pakiramdam ko may koneksyon kami sa pamilya ni Grey. Ang liit naman ng mundo namin? Hindi ako mapakali sa mga salitang sinabi ni Grey kanina. Akala ko lalayo na kami ni mama sa gulo pero mas lumala pa ata.

Boundless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon