EPILOGUE
Grey's POV
After 3 years..
Mag kokolehiyo na ako at kukunin ko ay Architecture, nandito ako ngayon sa coffee shop at hinihintay si Penelope. Ang bagal bagal talaga ng babae na iyon kahit kailan! -.-
"Sorry I'm late!" Maarte niyang sabi at tumawa naman ako "Umorder ka na agad? Hindi mo man lang ako inantay" nakanguso niyang sabi at mas lalo akong natawa. "Kakasabi mo lang late ka na diba? Praning ka." pang aasar ko at nagtawanan kami.
"So anong kukunin mong course sa college?" Pag iiba ko ng usapan uminom muna siya saglit ng kape at nagsimulang magsalita "Law.. Law ang kukunin ko" sabi niya at napangiti naman ako "bakit law ang kukunin mo?" Tumingin siya sa kawalan "Ayun ang gusto ni Sahara. Kaya ayun ang kukunin kong course." Seryoso niyang sabi at parang binibiyak ang puso ko kapag binabanggit ang pangalan niya. It's been three years nung huli ko siyang nakitang nakangiti. 'Miss na miss na kita lab.'
"Huwag ka nang malungkot pupuntahan naman natin siya ngayon diba? Bilisan mo na uminom ng kape at nandoon na sila mama." Sabi niya at tumango lang ako. Tinext ko na rin kanina sila ate at susunod daw sila.
Pagkatapos namin uminom ng kape ay sumakay na kami sa kotse ko. Regalo sa akin ni ate Iyah nung birthday ko. Mayroon na siyang sariling restaurant at talagang sikat na sikat kaya naman super proud ako sa kaniya.
Magkaibigan na kami ni Penelope at hanggang doon na lang. Masaya ako at naging bestfriend ko pa siya.
"Grey bilisan mo nandoon na rin daw sila ate Iyah." Kaya binilisan ko ang pag drive at nung makapasok na kami hinanap ko sila.
Bumaba na kami sa kotse at nakita ko sila na naglalatag ng sapin sa sahig at linabas nila ang mga pagkain.
"Grey! Penelope! Ang tagal niyo naman" naiinip na sabi ni ate at tumulong na rin kami sa pag aayos ng pagkain.
Linabas ng papa ni Sahara ang isang cake at kinuha ko yun. Gusto ko ang magsisindi ng kanila..
Sinindihan ko ang kandila at tinignan ko sila mama, papa, Penelope, si ate Iyah, yung magulang ni Sahara at mama ni Penelope. Pumikit muna ako at humarap sa kaniya sa babaeng una't huling mamahalin ko.
"Hi lab! Happiest birthday to you! Tignan mo oh kumpleto kami! Alam kong natutuwa ka dahil masaya ka na at wala ka ng problema diyan." sabi ko at nagsimulang pumatak ang luha sa mga mata ko "College na kami ni Penelope at alam mo ba lab? Architecture ang kukunin ko! At si Penelope naman ay Law. Diba gusto mo yun abogado? Hehe." Sabi ko habang pinupunasan ang luha sa mga mata ko.
"Miss na miss na kita lab! Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan. Gusto pa kitang makasama. Marami pa tayong mga bagay na hindi pa nagagawa. Sayang lang dahil hanggang doon na lang yun pero masaya ako dahil wala ka na iisipin pa na problema at hindi ka na maiistress sa kakulitan ko." at doon na ako umiyak ng sobra. 'Hindi ko pa rin tanggap lab'.
"Grey." Tawag sa akin ng mama ni Sahara at bumaling ako ulet sa puntod ni Sahara. "Happy birthday ulet lab! Mag wish ka na." Pumikit din ako at naramdaman ko ang malamig na hangin na dumampi sa balat ko.
"Iihipan ko na ang kandila ah?" Inihipan ko na ang kandila at tumingin sa kanila. Nakita kong naiiyak din sila. "Tara po kumain na po tayo! Baka magalit si Sahara niyan kapag umiiyak tayo!" mapait kong ngiti at nagsimula na kaming kumain.
Pagkatapos naming kumain ay nagsiuwian sila at nagpaiwan naman ako at nakatingin sa pangalan ni Sahara.
"I wish you were here." Malungkot kong sabi pero pinipigilan ko ang pag iyak ko "Thank you for being part of my life Sahara, you are always in my heart. I still missing you everyday and every night." seryoso kong sabi "But I promise you that I will make myself happy and I know that you are always by my side wherever I am. I love you until my last breath. I Heart you lab." Pagkatapos nun ay sumakay na ako sa kotse at nagdrive lang hindi ko pa gustong umuwi at gusto ko munang mag isip-isip.
Nagulat ako sa biglang pagdaan ng isang babae at muntik ko na siyang masagasaan! Bumaba ako sa kotse ko at inis na humarap sa kaniya.
"Omg! Sorry!" Sabi niya at humarap sa akin.
"Sahara????" Tawag ko at nagtaka siya at tinignan ako ng diretso sa mata.
"Sorry ha? Naliligaw kase ako! Alam mo ba kung saan yung lugar na ito?" tanong niya habang hawak hawak ang papel na parang mapa.
"Tinignan kong mabuti ang papel na hawak niya at nagulat ako na hinahanap niyang lugar ay ang subdivision nila Sahara." seryoso ko siyang tinignan at nagsalita "Oo alam ko nga ito, pwede kita samahan sa lugar na yan kaso hindi kita masasabay sa sasakyan ko dahil ngayon pa lang kita nakilala."
Tumawa naman siya ng napakalakas. Kinalabit niya ako at tinuro niya ang sasakyan sa hindi kalayuan. "May kotse ako hahaha. Salamat! pwede naman kita sundan na lang gamit ang kotse ko. Salamat! by the way anong pangalan mo?" nakangiti niyang tanong
"Grey, Grey ang pangalan ko. Ikaw?" nginitian niya ako ulit at linagay ang papel sa bulsa niya.
"My name is Celestine." akmang makikipag shakehands siya at tinanggap ko naman yun. Pilit kong inaalis sa isip ko na baka siya si Sahara pero imposible dahil nasaksihan ko at kitang kita ko sa mga mata ko na wala na talaga siya. Hawig ng babae sa harap ko ang pinakamamahal kong babae.
"So let's go?" tanong niya at tumango na lang ako. Sumakay ako sa kotse ko at sinundan niya ako.
How can I forget about you? If she have a glimpse of you?
&&.
AUTHOR'S NOTE:
MARAMING SALAMAT PO SA MGA TAONG SUMUBAYBAY SA STORY KO SIMULA SA UNA HANGGANG SA MATAPOS ITO IF MERON MAN! ANONG GUSTO NIYO? MILKTEA? FRIES? HAHAHAHA JUST KIDDING! MARAMING MARAMING SALAMAT! MWA! SEE YOU IN MY NEXT STORIES!
PS. TAPOS KO NA IEDIT ANG STORY NA ITO AND I WAS 15 YEARS OLD NUNG UNA KONG SINULAT ITO KAYA MEDYO MARAMING FLAWS ANG STORY NA ITO BUT STILL THANKFUL AKO FOR THIS ACHIEVEMENT NA NAKATAPOS AKO NG ISANG KWENTO.
BOUNDLESS LOVE ©2019
BINABASA MO ANG
Boundless Love
Teen Fiction❝ Your smile takes my breath away. It took my breath away on the day we met, today, and every day in between. ❞ - Grey &&. 🖇️ Started: 05/05/2019 🖇️ Completed: 05/16/2019