CHAPTER 9

13 2 0
                                    

CHAPTER 9



Sahara's POV

Hinintay ko sa labas ng school si Grey pero hindi ko siya makita. Ang tagal naman niya? Halos maglabasan na ang lahat ng students sa school pero wala siya. Saan naman kaya nagsuot ang lalakeng yun? Kaya nagpasya na akong tawagan siya.

Calling...

"Hello?? Nasaan ka Grey?" Medyo inis kong sabi sa kaniya. "Ah hehe sorry lab nakalimutan kong sabay pala tayo uuwi. Nasa bahay na ako." Pagkasabi niya nun binaba ko kaagad ang linya at inis na umalis sa school.

Pinaghintay niya ako ng matagal tapos ang reason niya nakalimutan niya? Seriously?? Upakan ko siya eh! Dali dali akong sumakay ng tricycle pauwi at pinuntahan siya sa bahay niya.

Kakatok na sana na ako ng may narinig akong umiiyak. O.O

"Huwag kayong lalapit sa amin!" Rinig ko ang boses ng ate ni Grey. Kaya naman dahan-dahan akong pumunta sa bintana at sinilip ang loob. Nakita ko ang apat na lalakeng naka mask at ang isa ay may hawak na baril at nakatutok kay Grey! "Ano ba ang kailangan niyo sa amin?" Tanong ni Grey na ikinatawa naman nung lalakeng may hawak na baril. Tatawag na sana ako ng pulis ng biglang magsalita yung lalake "Sabihin na nating babala ko lang sa inyo ito. Ngayon pa lang ay mag isip na kayo dahil uubusin namin kayo!" Sigaw niya at
Isa-isa na silang lumabas kaya nagtago ako sa likod ng poste.

'Sino kayo?' Tanong ko sa sarili ko. Sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Sumakay sila ng motor at umalis na. Kaya dali-dali akong pumasok sa bahay nila Grey.

"Grey!" Sigaw ko sa kaniya at nagulat ako sa biglang pagyakap niya sa akin. "Sorry lab, sorry.." Sabi niya at tinignan ko ang gawi ni Ate Iyah na umiiyak habang nakahawak siya sa tiyan niya. "Ate Iyah? Ayos ka lang ba? hindi ka ba nila ginalaw? Ano ba ang nangyari? Anong kailangan nila sa inyo?" Tanong ko at nagsimula ng magkwento si Grey.

"Lab kasi ganito yan, umuwi talaga ako mag isa. Pasensya na nakalimutan ko kasing sabay tayo eh." sabi niya at tumango na lang ako. "Pakiramdam ko may sumusunod sa akin pero akala ko guni-guni ko lang kaya hindi ko na lang pinansin pagkauwi ko sa bahay nakita ko si ate nagluluto at tumawag ka pa nga nun sa akin eh" sabay tingin niya sa akin "Pero nagulat na lang kami ng biglang may pumasok sa bahay namin tas ayun na nga tinutukan kami ng baril. Uubusin daw niya kami. Hindi ko na alam naguguluhan na ako!" Sabi niya sabay hawak sa ulo niya. Napagdesisyunan nila na hindi na muna magsalita sa pulis dahil sa takot. Tss.

"Hindi kami pwedeng magsumbong sa pulis Sahara, sabi nila na huwag daw kami magtatawag ng pulis." Naiiyak niyang sabi "Mas maganda kung ipapaalam natin sa kanila" mahinahon kong sabi. "Sahara parang awa mo na kapag nagsumbong kami sa pulis babalikan kami nun! Buntis ako at kaligtasan lang namin ang iniisip ko" pagmamakaawa ni ate Iyah. Yinakap ko na lang siya at saka dinala ko siya sa kwarto para makapagpahinga. Lumabas muna ako saglit at dumiretso sa sala. Nakita ko si Grey na nakahiga sa sofa at nakapikit.

"Grey?" Tawag ko at umayos siya ng upo "Tara dito ka sa tabi ko" sabi niya. Umupo naman ako sa tabi niya at nginitian siya. "Uuwi na ako lab. Gabi na." Kumunot naman ang noo niya. "Delikado na sa labas Sahara. Dito ka na matulog please." Pagmamakaawa niya "Hindi pwede may pasok pa bukas." Mahinahon kong sabi. "Ihahatid na kita" nainis naman ako sa kaniya. "Mas delikado ka kesa sa akin. Wag ka ng lalabas" seryoso kong sabi. "Sahara.. Mahal na mahal kita" malungkot niyang sabi. Hinawakan ko siya sa magkabilang pisngi "Mas mahal kita Grey Oliveros!" Sabi ko at hinalikan siya sa noo.

Hanggang sa makalabas ako ng bahay nila nakatanaw lang siya sa akin. Kinawayan ko pa siya hanggang sa tuluyang maglakad. Tinignan ko ang relo ko. 8:45 pm. Buti na lang may street lights dito hays.

Nakauwi naman akong ligtas sa bahay. Dumiretso ako sa sofa at nagpahinga.

"Mama?" Tawag ko "Mama?" Pag uulit ko. Nagtaka ako. Nasaan si mama?? Kaya nagpasya na akong libutin nag bahay pero bigo ako hindi ko nakita si mama. Kaya tinawagan ko siya.

Calling...

"Anak!" Bungad ni mama "Mama nasaan ka?" Seryoso kong tanong "Anak pasensya na hindi ako nakapagpaalam. Pumunta ako sa Bacolod ngayon. Birthday ng tita mo si Ate Coreen!" Nawala ang kaba sa dibdib ko. "Ilang araw ka diyan ma?" Tanong ko "Uuwi din ako bukas anak! Nag iwan na ako ng stocks diyan sa ref" sinilip ko naman ang ref "oh sige mama ingat ka diyan ah? Tawagan mo ako o itext kapag uuwi ka na? Okay?" Sabi ko at umo-o naman siya.

Linock ko muna ng maayos ang pintuan namin saka dumiretso sa kwarto ko. Pabagsak akong humiga sa kama ko. Naalala ko yung kanina. Yung takot sa mukha ng mahal ko! Gusto kong malaman kung sino ang mga yun . Naalala ko may kilala akong tao na sigurado akong kilala sila pero ayoko na siyang lapitan! Never -.-

Humiga ako ng maayos at tinext si Grey.

To:Grey<3

Mag iingat kayo diyan ni ate Iyah! I love you mwa!

Pinatay ko ang cellphone ko at nagpatuloy na sa pag tulog..



Third person's POV

"Oh ano? Natakot ba??" Pag uusisa ko sa mga tauhan ko. "Opo boss takot na takot HAHAHAHAHAHAHA" At nagtawanan sila. Magaling magaling! Wala silang ideya kung ano ang susunod ng mangyayari "Maghanda kayo para bukas!" Sabi ko at nagsimula na silang mag ayos ng mga gamit. Naalala ko tuloy kung paano nila pinatay ang mga magulang ko!

Flashback

"Anak gusto mo ng lobo?" Tanong sa akin ni tatay at tumango naman ako. Gustong gusto ko ng lobo kaya sobrang saya ko. "Anak natuwa ka ba na ipinasyal ka namin ng tatay mo?" Tanong ni nanay. "Opo nay! Salamat po dahil nakasama ko po kayo ngayon!" Masaya kong bati.

Umupo kami sa gilid ng puno at doon naglatag si mama ng sapin at kumain kami. Nandito kami sa Parke, sa totoo lang isa ito sa pinakamasayang araw ko!

Habang kumakain may narinig kaming putukan!

*Boogsh*

*Boogsh*

*Boogsh*

"Tay yung anak natin!" Dali dali akong tinago ni tatay sa likod ng puno at tinakpan ko ang tenga ko nakarinig ako uli ng dalawang putok!

*Boogsh*

*Boogsh*

Iyak ako ng iyak nung oras na yun. Maya-maya pa ay umalis ako sa likod ng puno at nakita ko si nanay at tatay na nakahandusay sa lupa at duguan.

"Nanay!! Tatay!!" Sigaw ko at yinakap sila. Mga wala silang puso! Pinatay nila ang mga magulang ko!

End of Flashback

Pagkatapos kong maalala yun naramdaman ko na lang ang pagpatak ng luha sa mata ko. Makakaganti din ako sa inyo! Sa inyong lahat! Pati pamilya niyo idadamay ko!!

Boundless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon