CHAPTER 14

13 2 0
                                    

CHAPTER 14



Sahara's POV

Nagising ako ng maaga dahil mamamasyal daw kami ni mama. Excited na ako ngayon lang kami makakapag bonding ni mama ulit ng ganito.

Dumiretso muna ako sa banyo at naligo. Binuksan ko ang aparador ko at namili ng damit. Nahagip ng mata ko ang binili ni mama na gown. Ang galing mamili ni mama ng damit. Nakita ko ang dress ko na color maroon ayun ang sinuot ko at lumabas sa kwarto.

"Ang ganda naman ng Sahara ko." Nakagiting sabi ni mama at natawa naman ako. "Kanino pa ba magmamana? Edi sa mama niya!" At nagtawanan kami. Bago ako kumain tinext ko muna si Grey.

To: Grey<3

Good morning lab! Aalis kami ni mama ngayon. Bonding lang hehe. Don't skip your breakfast! I love you!

Nakangiti kong binalik sa sling bag ko ang cellphone ko.

"Hinatid ka ba ni Grey kagabi rito sa bahay anak?" Tanong ni mama "Opo mama." Mahinahon kong sabi

Bumuntong hininga siya at nagsimulang magsalita "Do you really love him?" Seryosong tanong ni mama "Syempre naman mama. Siya na ang una't huling mamahalin ko" kumunot ang noo ni mama sa sinabi ko. May mali ba? >.< "Wala na akong magagawa. Mukhang mahal na mahal mo siya." Seryosong sabi ni mama at nagpatuloy lang kami sa pagkain.

Pagkatapos namin kumain lumabas na kami ng bahay at linock ang pintuan. Sumakay kami sa jeep papunta sa parke naramdaman ko na lang na biglang nag vibrate ang cellphone ko.

From: Grey<3

Ingat kayo lab! Namimiss na kita! See you sa lunes. Sigurado akong kakabugin mo silang lahat hehe joke lang. I heart you!

Napangiti naman ako sa text ni Grey at tumingin na lang sa dinaraanan namin.



Third person's POV

"Sa lunes boss?" Napaisip naman ako sa sinabi niya. Tama at prom yun magandang pagkakataon para matakot sila sa akin "Sige" sagot ko habang nakangisi. "Tatapusin na natin ito" seryoso kong sabi at tinalikuran silang lahat.

Umalis ako at dumiretso sa puntod ng nanay at tatay ko.

Nakangiti kong pinagmasdan ang puntod nila. "Alam kong masaya na kayo diyan sa langit" nakangiti kong sabi "wag po kayong mag-alala, ipaghihiganti ko po kayo." Seryoso kong sabi. Naramdaman ko ang paghaplos ng malamig na hangin sa aking balat.

Umalis na ako at nag-iwan ng bulaklak sa puntod nila. Tinawagan ko ang mga tauhan ko at nakipagkita sa bahay ng isa sa mga binabantayan namin lagi.

Nakita ko lumabas ang isang babae at kasama niya ang mama niya. Natawa naman ako dahil hindi nila alam ang mga hakbang na ginagawa ko. Nung malayo na sila ay sinenyasan ko na ang mga tauhan ko at pinasok ang loob ng bahay nila. Pagkapasok namin hinanap ng mga mata ko ang isa sa mga pumatay sa mga magulang ko. Buhay sa buhay Mr. Eros.

Pinasok namin ang isang kwarto at doon siya nagulat. Hinawakan siya ng mga tauhan ko at tinutukan ko siya ng baril. "Sino ka???" Seryoso niyang tanong. Tumawa naman ako ng napakalakas. "Sino ako? Sabagay sa sobrang dami mong binangga hindi mo na kilala kung sino-sino sila" nakangisi kong sabi "Itali yan at dadalhin natin sa bahay ko!" Sigaw ko at tinali naman nila si Mr. Eros. "Sino ka ba? Anong kailangan mo? Pera??" Pasigaw niyang sabi

"Hindi ko kailangan ng pera mister. Buhay mo at ng pamilya mo ang kailangan ko" sabi ko at pinasok siya sa van at piniringan -.- dumiretso na kami sa bahay at pumunta sa basement tinali siya ng mga tauhan ko sa upuan at tinanggal ang piring sa mata niya.

"Ano kaya ang gagawin mo kapag pinatay ko ang dalawa mong anak??" Nakangisi kong tanong at nagulat naman siya sa sinabi ko.

"Huwag ang mga anak ko! Ako na lang ang patayin mo!!!" Sigaw niya at tinawanan ko siya.

"Uubusin ko kayo" seryoso kong sabi at tinalikuran siya.



Grey's POV

"Anak lumabas ka na riyan sa kwarto mo. Kakain na tayo" sabi ni mama at lumabas naman ako. Hanggang ngayon hindi pa rin kami nagpapansinan ni papa dahil sa nangyari kagabi. Pakiramdam ko mas kilala niya ang girlfriend ko kesa sa akin. T.T

Habang kumakain kami hindi ko maiwasan mapatingin sa gawi ni papa. "Anak may susuotin ka na ba sa prom niyo?" Tanong ni mama at tumango naman ako "Nakahiram na po ako riyan sa kapitbahay" nakangiti kong sabi at nagpatuloy kami sa pagkain. Pagkatapos namin kumain ay naghugas na ako ng pinggan at dumiretso sa kwarto.

Pumasok sa isip ko ang sinabi ni penelope. 'Tatlong araw' tatlong araw para pag-isipan ko yung gusto niyang mangyari. Eh anong gagawin ko??? Mahal ko si Sahara! Kainis naman >.< nagpagulong gulong ako sa kama at nag iisip ng mga posibleng mangyari. Kainis! Anong gagawin ko. Lalo na't kasama niya yung lalaking nagbanta sa buhay ko. >.<

Naisipan kong tawagan si Penelope, baka sakaling magbago ang isip niya..

Calling...

"Oh? Hello Grey?" Natutuwa niyang bati sa akin "Bakit napatawag ka? Ano pumapayag ka na ba sa sinabi ko???" Natutuwa pa rin niyang sabi "Ah... Penelope kasi... Patawarin mo ako. Alam kong marami na tayong pinagsamahan pero sana maintindihan mo na mahal ko si Sahara. Mahal na mahal" seryoso kong sabi "Huh? What are you talking about? I don't care! Gusto ko akin ka lang. Akin ka lang Grey!" sigaw niya sa kabilang linya. "Penelope hindi ako sayo." Malumanay kong sabi at binaba niya ang linya.

Lalo atang lumala >.< pinatay ko na ang cellphone ko at saka humiga ng maayos. Kainis! Kabadtrip. >.<



Sahara's POV

"Oh kain ka pa anak" abot sa akin ni mama ng pagkain. Nandito kami ngayon sa resto na paborito niya. "Ako ang mag aayos sayo bukas anak. Huling taon mo na sa high school kahit papaano eh nakakaraos tayo." Nakangiti niyang sabi at nginitian ko rin siya "Mama salamat." Sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

Pagkatapos namin kumain. Naglakad lakad kami sa parke. Nahagip ng mata ako ang isang masayang pamilya kumakain sila sa ilalim ng puno at halata sa mukha nila na masaya sila sa ginagawa nila.

'Nakalimutan ko na ang pakiramdam na may masayang pamilya'

"Anak?" Hindi ko maintanggi na namimiss ko na ang papa ko >.< "Anak?" Napalingon ako kay mama. "Ayos ka lang ba? Kanina pa kita tinatawag" lutang na naman ako. "Oo naman mama ayos lang ako. Pahinga muna tayo saglit" sabi ko at umupo muna kami sa upuan.

Natanaw ko sa hindi kalayuan si Penelope kasama ang mama niya. Pumapasyal din sila??? Panira naman ng araw -.- bakas sa mukha ni Penelope ang lungkot. 'Ano kaya ang nangyari doon?'

Boundless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon