FINAL CHAPTER
Sahara's POV
"Hindiiiiiii!!!!" Malakas na sigaw ni Grey at sinipa sipa ang pintuan. "Palabasin mo ako dito Art!" Malakas na sigaw ni Grey at naiiyak na ako. T.T
Bumukas ang pintuan at nakangisi si Art. May hawak siyang baril at ngumisi. Anong ginawa niya?
"Anong ginawa mo Art? Anong ginawa mo sa mga magulang ko???? Sumagot ka!!" Sigaw ni Grey sa mukha niya at biglang tinutok ni Art ang baril kay Grey.
"Gusto mo na ba sumunod sa mga magulang mo?" Nakangisi niyang sabi at nagbago ang mukha ni Grey mas lalo siyang nagalit.
Aagawin sana ni Grey ang baril ni Art pero bigo siya. Sinakal siya ni Art!
"Art tama na!" Mangiyak ngiyak kong sabi. Huwag si Grey. Huwag! "Bitawan mo siya Art..." Mahinahon kong sabi habang papalapit sa kanila. "Art ako na lang ang kunin mo! Wag lang siya please. Wag lang siya..." Naiiyak kong sabi at tumingin sa gawi nila mama na nakatali pa rin ang paa at kamay nila.
"Sahara... Hindi!" Sigaw ni Grey at naiyak na ako. Patawarin mo kami Grey.. Patawarin mo ako. T.T
Hinagis ni Art si Grey sa sahig at inagaw ni Art ang braso ko. "Ano ba!" Inis kong sabi at tumawa naman siya. "Eto ba ang pinagmamalaki mo Grey? HAHAHA ano kaya ang mangyayari sa inyo kapag pinatay ko ito!" Sigaw niya at napatingin naman ako kay Penelope na walang tigil sa kakaiyak.
"Art wag ang anak ko. Huwag siya. Ako ang may kasalanan. Ako ang patayin mo!" Sigaw ni papa kay Art. "Oh kung gusto mo si Penelope na lang?" Seryoso niyang sabi at nagulat naman si Penelope.
"Huwag!" Sigaw ko "Ako na ang nakikiusap. Papayag akong kunin mo basta palayain mo sila.." Mahinahon kong sabi "ano ba ang pinagsasabi mo Sahara? Nababaliw ka na ba?" Sigaw ni Grey at pumatak ang luha sa mga mata ko.
"Sorry Grey." naiiyak kong sabi "hindi pa tapos lahat Sahara. Hindi lang ikaw ang kailangan ko." Seryoso niyang sabi at bumagsak naman ang balikat ko. Napapagod na ako.
"Kunin sila at dalhin sa likod ng bahay!" Sigaw ni Art at kinuha nila sila mama, papa, Penelope, ate Iyah, at yung mama ni Penelope.. Pati si Grey. Lahat kami.
Dinala kami ni Art sa likod ng bahay niya at itinali kaming lahat tag iisa sa bawat puno. Anong gagawin niya???
Nakita ko si Grey na nakatingin sa akin at lumuluha pa rin. "Lab sorry" sabi ko at nginitian lang niya ako "Hindi ako magiging maayos hangga't hindi ko pa nakikita ang mga magulang ko Sahara." Seryosong sabi ni Grey at napayuko lang ako. "Mahal kita Sahara... Mahal na mahal..." Nag angat ako ng ulo at bumuhos ang luha sa mga mata ko. "Mahal din kita Grey." sabi ko at napalingon kaming lahat sa pagdating ni Art kasama ang mga tauhan niya. Nagulat ako at kasama din ang mga magulang ni Grey. Napansin kong puro pasa ang mukha ng papa ni Grey. >.<
"Anak!" Sigaw ng mama ni Grey sa kaniya. "Gago ka Art anong ginawa mo sa mama at papa ko? Demonyo ka!!" Sigaw ni Grey at napatingin ako kay Penelope at may kinakapa siya.
"Penelope" pabulong kong sabi at nagulat siya. "Sahara..." Sabi niya at lumungkot naman ang mukha niya. "Sorry sa pagiging selfish ko, sorry sa lahat. Marami na akong kasalanan sa iyo pero ni minsan hindi mo naisipang gumanti. Salamat at patawarin mo ako Sahara." Malungkot niyang sabi at ngumiti naman ako.
"Huwag mo nang isipin yun Penelope. Alam mo ba natutuwa ako at nalaman ko na ikaw ang kapatid ko." Sabi ko at naluha siya. Lumaki ang mata niya na nakapa niya ang cellphone niya.
"Sahara!" Biglang lumaki ang ngiti sa mga mukha ko "mag text ka sa pulis!" Sabi ko at dali dali siyang magtype habang isang kamay lang ang gamit.
"Natext ko na!" Natutuwang sabi ni Penelope at tumango naman ako. Sana makapunta sila ng maaga. Sana umabot pa sila.
Grey's POV
Naramdaman ko ang biglang pagbuhos ng ulan at tinanaw ko si Sahara at linalamig siya. Hindi ko man lang siya malapitan.. Tumingin din ako sa gawi nila mama at papa at nakatali sila at nakaupo sa lupa. Iniwan kami ni Art dito. Napaka demonyo niya! Tumingin din ako sa gawi ni ate Iyah at patuloy pa rin siya sa pag iyak.
Tumingin ulit ako kay Sahara at nakapikit siya habang nanginginig. Kainis kasi itong tali na ito! Sorry lab. Sorry.
Hanggang ngayon sariwa pa rin sa utak ko ang mga nalaman ko kanina.
Na pinatay ni papa at papa ni sahara ang mga magulang ni Art.
Na magkapatid si Penelope at Sahara.
At ngayon nandito kami at malakas ang ulan. Nanghihina ako, para akong lalagnatin hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako habang nakatali sa puno.
Nagising ang diwa ko sa sigaw ng isang babae! "Bitawan mo ako!" Lumaki ang mata ko na si Sahara yun! Wala na ako sa puno at kasama namin ang mga pulis. Nakatingin din ako sa paligid at duguan na ang mga tauhan ni Art. Pero hawak pa rin niya si Sahara. Nakatutok kay Sahara ang baril at nakapalibot naman ang mga pulis sa kaniya.
"Grey! Si Sahara.." Naiiyak na sabi ni Penelope at inis akong tumayo at tumingin sa gawi nila habang umiiyak si Sahara.
"Bitawan mo si Sahara!" Sigaw ko at tumingin sila sa akin "Lab!" Naiiyak na sabi ni Sahara. "Ibigay mo na sa amin ang babae na yan boy. Hindi ka na masasaktan" mahinahong sabi ng pulis at mas hinigpitan niya pa ni Art ang hawak niya sa mahal ko! Walang hiya ka!
"Papatayin ko itong babae na ito kapag hindi pa kayo umalis dito!" Sigaw ni Art at mas lalo akong nagalit. Inagaw ko ang baril sa isang pulis at itinutok sa kaniya.
"Waga Grey! Baka si Sahara ang mabaril mo!" Sigaw ng papa niya pero mas namumuhay ang galit sa katawan ko.
"Bitawan mo si Sahara kung hindi papatayin kita!" Sigaw ko at mas tumawa siya. "Hindi mo ako mapapatay Grey. Hindi" sabi niya at napatingin ako kay Sahara.
"Lab i love you" naiiyak kong sabi at umiyak din siya "Grey..." Naiiyak niyang sabi.
*Boogsh!*
Nagulat ako sa putok na yun at kung paano bumagsak si Sahara sa harap ko dahil sa bala na tumama sa kaniya na nangagaling sa pulis na nasa likod ko. Hindi pwede!!!!!
"Saharaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!"
BINABASA MO ANG
Boundless Love
أدب المراهقين❝ Your smile takes my breath away. It took my breath away on the day we met, today, and every day in between. ❞ - Grey &&. 🖇️ Started: 05/05/2019 🖇️ Completed: 05/16/2019