PROLOGUE

134 7 0
                                    

PROLOGUE



Grey's POV

Naglalakad ako sa tabi ng kalsada nang makita ko ang isang babaeng umiiyak. Mukhang kasing edad ko lang siya. Nakaupo siya sa tapat ng isang coffee shop. Wala naman sigurong problema kung lalapitan ko siya diba?

Naglakad ako papunta sa kaniya at umupo sa harapan niya mahaba ang buhok niya at payat ang kaniyang katawan. Dahan dahan niyang iniangat ang kaniyang ulo. Halatang halata sa mata niya na kanina pa siya umiiyak.

"Anong kailangan mo?" Tanong niya sabay nagpunas siya ng luha niya. Seryoso pa din siyang nakatingin sa akin ng walang pag aalinlangan.

"Huwag ka nang umiyak" nakangiti kong sabi. Bigla naman siyang nagtaka sa iniasta ko.

"Sino ka ba? Umalis ka na sa harapan ko. Hayaan mo na lang ako dito" sabi niya habang seryoso pa din ang mukha niya. Inayos niya ang pagkakaupo niya at pinunasan niya ang luha niya.

Mababasa mo sa mata niya ang lungkot. Tumayo ako at iniabot sa kaniya ang panyo ko.

"Sayo na lang ito, punasan mo luha mo. Huwag mong ipakita sa kanila na mahina ka, be strong " pilit na ngiti kong sabi.

Kinuha naman niya ang panyo ko at saka ako umalis. Kumaway pa ako sa kaniya habang naglalakad ako papalayo.

Umuwi na ako sa bahay pagkatapos nun. Sa totoo lang lumabas lang ako para makapag isip-isip. Ewan ko ba pero hobby ko na ito.

"Mama nandito na po ako" dahan-dahan kong binuksan ang pintuan. Bakit walang tao? Sinilip ko ang kwarto nila ni papa pero wala sila. Pati si ate wala din. Hays. Saan na naman kaya sila nagpunta? Tanong ko sa isip ko.

Pumunta ako sa kwarto ko at humiga. Nakatingin ako sa kisame habang iniisip ang mga bagay-bagay. Maya-maya pa ay nakaramdam din ako nang antok at nakatulog.

"Grey?"

"Anak gising na.."

Nagising ako sa tawag ni mama. Nakita ko nakaupo siya sa tabi ng kama ko.

"Oh ma? Saan kayo galing?" Medyo inis na tanong ko. Tinawanan niya muna ako bago siya nagsalita. Tss

"Bumili na kami ng gamit niyo ng ate Iyah mo sa school. Umalis ka kasi kaya kami nalang bumili ng papa mo" nakangiti niyang sabi. Naaala ko pala pasukan na naman ulit.

"Ah ganun ba ma? Hehe akala ko iniwan niyo na ako eh" pabiro kong sabi. At saka tinignan niya ako ng masama.

"Gutom lang yan Grey.. Pumunta ka na sa kusina sabay sabay tayong maghahapunan" lumabas na siya at naiwan ako mag isa sa kwarto.

Fourth year high school na ako. Pagbubutihin ko na ang pag-aaral ko para kela mama. Lumabas na ako ng kwarto ko at pumunta sa kusina. Nakita ko silang nagsisimula nang kumain. Hindi man lang ako hinintay.. Tss.

"Oh Grey umupo ka na sa tabi ni Iyah kumain ka na din" sabi ni mama at umupo naman ako.

Tahimik lang kaming kumakain, kapag kasabay namin si papa ganito kami. Strikto ang papa ko gusto niya sa pag-aaral mo lang ikaw nakatutok. Naaalala ko nung muntik na ako bumagsak nung second year high school halos mapalayas ako nun sa sobrang galit ni papa. Naiintindihan ko naman siya dahil hindi kami mayaman hindi rin kami mahirap, sakto lang para sa amin ang sinasahod ni papa araw-araw sa pagiging taxi driver niya.

"Grey" nagising ako sa katotohanan nang tawagin ni papa pangalan ko. Tumingin ako sa gawi niya at nginitian naman siya.

"Bakit po?" Magalang kong sabi.

Boundless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon