CHAPTER 13

11 2 0
                                    

CHAPTER 13



Grey's POV

Pagkatapos ng usapan na iyon hinatid ko na siya sa room niya. "Huwag mo nang papansinin yung ganon ah?" Sabi ko kay Sahara. "Ano yun? Hayaan ko na lang silang magsalita? Nakakarindi" seryoso niyang sabi. "Tss. Oh sige na. Mag-aral ka ng mabuti!" At nag thumbs up ako sa kaniya.

Pinisil niya ang ilong ko at tuluyang pumasok sa loob ng room niya. Kaya nagsimula na akong maglakad at naisipang pumunta muna sa garden.

Pinagmasdan ko ang mga puno at halaman na nakapaligid doon. Iniisip ko yung mga nangyari sa amin. Gusto ko nang makilala kung sino yung nga yun. Pakiramdam ko wala akong laban. Wala kaming laban!

"What a coincidence!" Nagulat ko sa biglang pagsulpot ni Penelope at kasama niya yung lalakeng nagbanta sa buhay ko! >.< paano sila nagkakilala???

"Hindi kayo nadadaan sa simpleng pakiusapan eh. Gusto mo ng sapilitan Grey?" Natatawa niyang sabi. Nagulat naman ako sa iniasta niya parang hindi na siya yun. "Tigilan mo na ako Penelope! Mahirap bang intindihin yun!" Sigaw ko at ikinatigil naman niya.

"Brad hinay hinay lang. Babae yan oh" nakangising sabi nung kasama niya. Tsk! Badtrip kayo! >.< "Ikaw! Bakit kasama mo yan?" Turo ko kay Penelope "It's none of your business." Sarkastiko niyang sabi. Bakit ba kasi sila magkasama! "Magkakilala kayo?" Naguguluhang tanong ni Penelope.

"Yep." Mabilis na sagot nung lalake! Gusto ko na silang iwan kaya tatalikuran ko na sana sila kaso biglang nagsalita si Penelope "Sige pagbibigyan kita. Binigyan kita ng tatlong araw para magbago ang isip mo kung hindi sapilitan na kitang kukunin sa Sahara na yan." nakangisi niyang sabi. O.O at tumawa ang kasama niya "Narinig mo yun? Take it or leave it?" Tanong nung lalake "Sino ka ba?" Naguguluhan kong tanong. Hindi ko maintindihan kung bakit magkasama sila!

"Malalaman mo rin Grey." Sabi niya at tinalikuran ako. Hinatak pa niya si Penelope palayo sa pwesto namin. Ano ba ang meron sa kanila? Argh!

Napag isipan kong hindi muna pumasok. Dumiretso ako sa bahay at nagpahinga.

"Oh bakit ang aga mo yata?" Seryosong tanong ni ate. "Masama pakiramdam ko." Pagsisinungaling ko. "Oh sige kumain ka muna pagkatapos uminom ka ng gamot" sabi niya at saka iniwan ako sa sala.

Napag isipan kong itext si Sahara. Baka sabihin na naman niya iniwan ko siya. 'Iniwan ko nga siya hehe'.

To: Lab<3

Lab! Umuwi na ako. Sorry ha.. Masama pakiramdam ko eh. Gusto mo dumiretso ka na rito pag uwi mo! Be safe! I heart you!

Pagkatapos kong itext yun itinago ko na sa bulsa ang cellphone ko at saka kumain.

"Nasaan sila mama at papa?" Tanong ko kay ate "Ah pumunta sila sa grocery." sabi niya at tumango na lang ako.

"Okay ka na ba?" Paniniguro ko at ngumiti lang siya akin. Masakit mawalan >.< "Hindi pa ako okay Grey. Hindi ko alam kung magiging maayos pa ba ako." Malungkot niyang sabi at nalungkot din ako sa sinabi niya.

"Ate magiging okay ka rin. Hindi naman sa ngayon pero dadating ang araw na magiging maayos ka. Because I know that everything happens for a reason." Nakingiti kong sabi at nag thumbs up ako. Tinawanan niya naman ako sa iniasta ko.

"Thank you." Sabi niya "Ako yung panaganay dito pero ramdam ko ako pa yung nagmumukhang bunso eh" tas nagtawanan naman kami "Oh uminom ka na ng gamot mo tapos magpahinga ka na" sabi niya at tumango naman ako ininom ko na ang gamot ko at dumiretso sa kwarto at natulog.

Sahara's Calling...

Napabalikwas ako ng tayo sa tawag na yun "Lab papunta na ako diyan" sabi ni Sahara. Napatingin naman ako sa oras at 6:30pm na. Ang haba naman ng tulog ko "Grey?" Tawag niya "Ay lab sige hehe. Dito ka na maghapunan i love you!" Sabi ko at ibinaba niya na ang linya.

Dumiretso ako sa banyo at naghilamos. Pagkatapos lumabas ako ng bahay at nakita ko sila mama na nanonood ng T.V.

"Oh anak gising ka na. Hindi ka namin nagising kanina kasi sabi ng ate mo masama pakiramdam mo. Tapos na kami kumain. Ikaw na lang hindi" sabi ni mama at tumango naman ako "pupunta po si Sahara dito.. Sabay po kaming kakain." Nagulat ako sa naging reaksyon ni papa >.< ayaw niya kase kay Sahara >.<

"Anong sabi ko sayo Grey?" Tanong ni papa "huwag ka nang lalapit sa babeng iyon diba?" Nagulat naman sila mama at ate sa sinabi ni papa. "Ano ba ang meron sa babae na yon papa? Bakit ayaw mo sa kaniya?" Mahinahon kong sabi.

"Dahil ayoko nga sa--" hindi naituloy ni papa ang sasabihin niya ng may kumatok sa pintuan. Nagmamadali kong binuksan ang pintuan at si Sahara yun. Hinatak ko siya palabas at nagulat naman siya.

"Anong gagawin natin? Diba masama pakiramdam mo?" Pag uusisa niya. "Ah eh sa labas na lang tayo kumain lab" nakangiti kong sabi "Ah nakainom ka na ng gamot mo?" Sabi niya habang kinakapa ang leeg ko "Opo lab hehe" tumango tango siya. "May damit ka na ba sa prom?" Tanong ko at ngumiti siya "Oo haha si mama ang namili." Sabi niya at tumawa naman ako.

"Diyan tayo sa karinderya na yan." Turo ko sa isang maliit na karinderya sa labas ng subdivision namin.

"Edi tara na. Nagugutom na ako" nakanguso niyang sabi hehe ang cute cute niya! ^_^ "Anong gusto mong kainin?" Tanong ko habang tumintingin kami sa menu. "Gusto ko ng sinigang! Mukhang masarap yan" sabi niya at ayun ang inorder ko.

Habang kumakain kami naalala ko ang sabi ni papa kay Sahara. Hays. Bakit ganun -.-

"Ang sarap!" Masaya niyang sabi habang sunod sunod ang subo niya. Gutom na gutom? O.O "Dahan-dahan lang lab baka mabilaukan ka." Sabi ko at uminom siya ng tubig "Eh ang sarap eh. Bakit ba?" Pagsusungit niya at natawa naman ako at pinisil ang pisngi niya.

"Aray ang sakit naman!" Natatawa niyang sabi at nginitian ko lang siya.

'Mahal na mahal ko talaga ang babae na ito'

"Thank you." Nakangiti kong sabi at nagtaka naman siya "para saan naman?" Tanong niya "salamat dahil naging parte ka ng buhay ko." Lumawak ang ngiti sa labi niya . "I love you" sabi ko at namula siya hehe. "I heart you too" sabi niya at humugis siya ng puso sa kamay niya.

Umuwi na kami at hinatid ko naman siya. Bukas kasi ay sabado kaya hindi ko na naman siya makikita. "ingat sa pag uwi lab" nakangiti niyang sabi at kinawayan ko lang siya.

Dumiretso ako sa bahay nagulat ako dahil nakita ko si papa sa sala. Nakaupo >.< siguro hinintay niya ako.

"Saan kayo galing?" Seryoso niyang tanong "kumain kami sa labas papa" seryoso kong sabi "Sinusuway mo na ba talaga ako Grey? Dahil sa babaeng yan?" Galit na tonong sabi sa akin ni papa.

"Papa mahal ko siya." mahinang usal ko at kumunot ang noo niya "Hindi mo alam kung anong klaseng pamilya ang meron yan!" Sabi niya at nagulat ako. Kilala niya ba si Sahara??? Anong ibig sabihin niya?? "Bakit papa? Kilala mo ba si Sahara?" Mahinahon kong tanong. "Bakit ganyan na lang ang galit mo sa kaniya?" Mahinahon ko pang dagdag. "Matulog ka na Grey."  Mahinahon din na sabi ni papa. "Hindi papa. Sagutin mo muna ang tanong ko!" Hinarap niya ako at nagbitaw siya ng salita "Para rin ito sa kaligtasan mo at ng pamilyang binuo ko Grey sana maintindihan mo ako." Sabi niya at tinalikuran ako.

Napaupo ako sa sala. Pakiramdam ko wala akong alam sa lahat. Pakiramdam ko may iba eh. Bakit ganun? Wala ba akong karapatang malaman? Pati yung mga nangyayari sa amin! Sino sila? Dumagdag pa yung misteryosong lalaking nagbabanta sa buhay ko! Pati si Penelope rin problema ko. Hindi ko na alam gagawin ko. T.T

Naramdaman ko na lang ang biglang pagpatak ng luha sa mga mata ko at doon ko naramdaman ang antok at natulog.

Boundless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon