CHAPTER 18

11 2 0
                                    

CHAPTER 18



Sahara's POV

Nabasa ko ang text ni lab at hindi ko muna siya nireplayan hehe. Inayos na ni mama yung damit ko, color sky blue siya at off shoulder ang style ng gown ko.

"Anak nag rent ako ng taxi para may hatid sundo ka." Sabi ni mama at ngumiti naman ako. Masyado na akong excited mamaya hehe. 4:00 pm pa naman ang simula ng event kaya naglinis muna ako ng bahay. Tinulungan ko si mama na maglaba at magsampay ng damit.

Tumingin ako sa orasan ko at 2:15 pm na, kumain na kami ni mama at naligo na ako siya raw ang mag aayos sakin.

Pagkatapos kong maligo ay pinaupo ako ni mama sa tapat ng salamin. Habang sinusuklayan ni mama ang buhok ko ay nakikita ko si mama na nakangiti

"Anak ang ganda, ganda mo" mahinahong sabi ni mama "mama naman hahaha" sabi ko at nagtawanan kami. Inayos ni mama ang buhok ko at nagulat ako dahil sobrang ganda nun pagkatapos ay linagyan niya na ng kolorete ang mukha ko.

"Tapos na!" sabi ni mama at humarap naman ako sa salamin. Natuwa pa ako dahil hindi ko maitatanggi na bagay talaga sa akin ang make up na linagay ni mama.

"Oh anak maya mo na tignan yan mukha mo haha suotin mo na itong gown mo." Sinuot ko ang gown ko O.O at ang bigat pala neto >.<

Kinuha ko ang cellphone ko at tinext si lab.

To: Grey <3

Hi lab! I love you! Kita tayo diyan sa school. *fingerheart*

Nakangiti kong nilagay sa pouch ko ang cellphone ko.

"Sahara? Nandyan na yung taxi lumabas ka na dito" dahan dahan kong linakad ang paa ko. 3 inches ang suot kong sandals, hindi ako sanay mag sandals ng ganito kataas hehe. Bakit ba?

Inalalayan ako ni mama sumakay ng taxi at nagpaalam na sa kaniya. Habang nasa daan naramdaman ko na lang na nag vibrate ang cellphone ko.

Grey's Calling...

"Hello Mrs. Sahara Montejero-Oliveros" napatigil ako at kinilig sa sinabi niya. >.< "tss!" Ayun na lang nasabi ko pakiramdam ko sasabog ako sa kilig! "Kinilig ka noh? Hahaha ang lakas lakas ko talaga hahahaha" tawa niya pa at natawa din ako "Nandito na ako sa school lab... Nasa gate ako hinihintay ka" sabi niya at natutuwa na talaga ako hahaha "malapit na ako lab!" Nagulat ako ng ibaba niya ang tawag.

Tanaw ko na ang STU at tinuro ko kay manong ang main gate ng school. Natanaw ko si Grey na may hawak na bulaklak. Pagkahinto ng taxi ay agad akong pinagbuksan ni manong at nagprisinta na siya na abutin ang kamay ko.

"Akin na kamay mo" nakangiting sabi ni Grey. Inabot ko naman sa kaniya ang kamay ko at lumabas sa taxi. Nagpasalamat ako kay manong at babalikan daw niya ako mamayang gabi.

"Ang ganda mo Lab!" nakangiting sabi ni Grey habang nakahawak ako sa braso niya. "Bagay tayo." sabi ko at natawa naman siya. Iniabot niya sa akin ang bulaklak at inamoy yun. 'Ang effort ng lab ko ha' "Salamat Grey." Sabi ko naman.

Pumasok na kami at dumiretso sa school court. Sobrang dami na ng tao kaya nahirapan kaming makahanap ng lamesa ni Grey at sakto may nakita kaming bakanteng upuan pero nandoon si penelope at may kasama siyang lalake.

"Wala na ba kayong maupuan?" Tanong ni Penelope "Sit here. Join us!" Masayang sabi ni Penelope at umupo. Tumingin muna ako sa gawi ni Grey a tahimik lang siya.

Boundless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon