CHAPTER 15
Sahara's POV
Nakauwi na kami ni mama at nagpahinga muna saglit sa sofa.
"Sahara?" Humarap ako kay mama "bakit po mama?" Bumuntong hininga siya at nagsimula nang magsalita "Gusto mo na ba makilala ang kapatid mo Sahara?" Seryosong tanong ni mama at kumunot ang noo ko.
Hindi talaga alam ni mama na nakikita ko ang kapatid ko. Ano sasabihin ko? Na gusto ko siyang makita? na galit sa akin ang anak ni papa sa labas? Na magkasama kami sa iisang paaralan? Jusko naman!
"Sa ngayon mama hayaan na lang muna natin na ang tadhana na ang magsabi kung magtatagpo ang landas namin." makahulugan kong sabi at hinalikan siya sa noo.
Dumiretso ako sa kwarto at humiga ng maayos. Napatingin ako sa gilid ko ng biglang nag vibrate ang cellphone ko.
Grey's Calling...
"Kumusta ang bonding niyo ng mama mo?" Tanong niya "Masaya lab. Ngayon lang kami ulit nakapag bonding ng ganun lab eh hehe" nakangiti kong sabi. "Pwede ba tayong mag usap?" Kumunot naman ang noo ko "Nag uusap naman tayo ah?" Natatawa kong sabi "Sa personal lab. May itatanong sana ako sayo lab, importante." seryoso niyang sabi at nagtaka naman ako. "Tungkol saan ba Grey?" Nagtataka pa rin na tanong ko "basta lab susunduin na lang kita riyan ah. I love you! Goodnight!" Saka binaba niya ang linya.
Ang weird naman -.- humiga ulit ako ng maayos at pumikit.
Maya-maya nagising ako sa ingay narinig kong may nabasag. Kaya dali-dali akong lumabas sa kwarto at binuksan ko ang ilaw sa sala. Wala namang kakaiba?
*Boogsh!*
Napalingon ako kung saan nanggagaling ang ingay na yun kaya dahan-dahan akong pumunta doon. Nagbilang ako ng tatlo bago buksan ang ilaw sa kusina.
"Aaaaaaaaaaaaaaaaaah" sumigaw ako at nagulat naman si mama. Mama??? "Ano ka ba bata ka? Bakit ka sumisigaw???" Inis na sabi sa akin ni mama. "Sorry mama hehe. Akala ko may akyat bahay eh." Napatingin naman ako sa sahig at may basag na baso. "Umiinom ako ng tubig at nadulas sa kamay ko iyang baso" turo niya sa sahig at napa 'ahh' na lang ako. "Tara anak matulog ka na alas onse na ng gabi." Nakangiting sabi ni mama at niligpit ang nabasag na baso.
"Mama pwede ba akong tumbi sa inyo?" Nakangiti kong sabi. At tumawa naman siya. "Bakit anak? Natatakot ka ba?" Natatawa pa rin na sabi niya.
"Gusto lang kitang makatabi. Sige naaaaaaa" pagpupumilit ako yinakap yakap pa siya. "Oo na! Oo na!" Natatawang sabi ni mama. >.< "basta huwag kang malikot ah?" Mahinahong sabi ni mama at tumango naman ako.
Penelope's POV
Kanina ko pa tinatawagan ang cellphone ni papa pero hindi siya sumasagot. Kakauwi lang namin ni mama galing sa parke. Nakakapagtaka na pag-uwi namin ay wala siya. Saan naman kaya pumunta yun?
"Oh ano? Sinagot na ba ng papa mo?" Tanong ni mama at umiling naman ako. Napaupo si mama sa upuan at napahawak sa ulo niya. "Saan naman kaya pumunta yun?" Nag aalalang sabi ni mama "Hindi naman umaalis ang papa mo ng hindi nagpapaalam pwera na lang kung.." Napatigil siya kaya kumunot ang noo ko.
"Kung???" Sabi ko at pinagkrus ang braso ko "kung pumunta siya sa trabaho niya." Sabi niya at nagtaka naman ako. Trabaho? Kakagaling lang niya doon eh. Tss.
"Iba pakiramdam ko mama! Parang may hindi magandang nangyari kay papa!" Naiinis ko pa din na sabi. "Huminahon ka nga Penelope." seryosong sabi ni mama. "Siguro kailangan na natin kausapin ang una niyang pamilya, baka nandoon siya?" Napatingin ako kay mama at nagtatakang pinagmasdan siya. Kilala niya ang unang pamilya ni papa???
"Kilala mo sila mama?" Tanong ko at tumango siya. "Sa totoo lang yung unang asawa lang niya ang kilala ko. Pero hindi ko kilala yung anak niya" Mapait niyang sabi
"Paano mo sila nakilala?" Naguguluhan kong tanong. Kasi kung sinabi niya lang na kilala niya edi sana matagal ko nang nakita ang kapatid ko! Bakit ganon? Ang unfair naman sa akin ng mundo? T.T "Because we're bestfriends" bestfriend? Paanong nangyari yun? "Bestfriend kami since elementary pa lang at nasira yun dahil sa isang lalake at yun ang papa mo Penelope."
Parang tumigil ang mundo ko sa nalaman ko! Tama ba ang narinig ko? Nasira ang pagkakaibigan nila dahil kay papa? >.<
"Sorry Penelope ngayon ko lang naikwento dahil alam kong sa edad mo ay maiintindihan mo na kung anong klaseng buhay ang meron tayo." mapait na ngiti ni mama at yinakap ko siya. Hindi na ako nagtanong pa dahil unti na lang ay iiyak na si mama.
"Tara na sa kwarto mama? Matulog ka na. Hintayin na lang natin si papa okay?" Mahinahong sabi ko. Kahit nag-aalala na talaga ako! "Oo anak. Uuwi yun.. Matulog ka na rin alam kong pagod ka" nakagiting sabi ni mama at hinatid ko siya sa kwarto.
Umupo muna ako sa sofa at nag isip isip. Gusto kong makilala ang kapatid ko. Okay kaya siya? Maayos kaya ang buhay niya? Anong klaseng tao siya. Biglang pumasok sa isip ko si Grey >.<
'Ang sakit sakit ng sinabi niya sa akin kanina!"
Napapikit ako sa inis. Sa totoo lang pagod na akong pilitin siya na gustuhin ako. Ginagawa ko lang ito dahil sa deal namin ni Art. Pero sobrang nasasaktan ako dahil araw-araw niyang ipinapaalala sa akin na hindi ako ang mahal niya... Kundi si Sahara.. Sahara Montejero! T.T
Unknown Calling...
Napatingin ako sa cellphone ko nung nag vibrate eto. "Hello?" Taka kong tanong at tumawa ang nasa kabilang linya O.O "Hello Penelope Eros! Miss me?" Tumindig ang balahibo ko sa boses na iyon. Kilala ko ang boses na yun hindi ako nagkakamali! "Paano mo? Nalaman ang number ko?" Seryoso kong tanong "Nasa amin ang papa mo Penelope HA HA!" Sarkastiko niyang tawa at napatulala ako. Paano napunta sa kaniya si papa? "Bakit nasa iyo ang papa ko? Ano ba ang kailangan mo sa pamilya namin?!" Naiiyak ko nang tanong.. "Don't cry my lovely Penelope.. Ibabalik ko rin ang papa mo" seryoso niyang sabi "in one condition" dagdag niya. "Prom niyo sa lunes right?" Tanong niya "Oo..." Nanginginig kong sabi. "Then you will make the party happier HA HA HA" Kumunot naman ang noo ko. "What do you mean?!" Natatakot kong tanong! "Sa tapat nang school niyo nandoon ako syempre isasama ko ang papa niyo. Iaabot ko sayo ang baril at... Babarilin mo si Sahara.... At si Grey..." Ano?? Pati si Grey? Hindi ko kayang pumatay! Hindi! Hindi! Hindiiiiiiii! >.< "Deal or no deal? You choose" napapikit ako sa inis. Halos maiyak na ako. Para sa papa ko naman diba? Hays. "Deal..." Nanghihina kong sabi... "Then see you on monday!" Bago niya ibaba nagtanong muna ako "pwede ko bang malaman kung bakit si Sahara at Grey?" Tanong ko at tumawa naman siya. "Nagsinungaling sayo ang tadhana Penelope." What does he mean? "Masasagot din ang sagot mo as soon as possible" at saka binaba niya ang linya.
Ano ba ang mayroon sa Sahara at Grey na yan? Bakit ganoon na lang ang galit niya??? Hindi, hindi ko silang kayang patayin... Hindi ko magagawa yun! Tinuring ko na rin na kaibigan si Sahara at... Mahal ko si Grey... Pero kailangan ko ang papa ko! Hindi ko na alam gagawin ko. Ayoko na! >.<
Dumiretso na ako sa kwarto at doon natulog. -.-
BINABASA MO ANG
Boundless Love
Roman pour Adolescents❝ Your smile takes my breath away. It took my breath away on the day we met, today, and every day in between. ❞ - Grey &&. 🖇️ Started: 05/05/2019 🖇️ Completed: 05/16/2019