Chapter VI

42 0 0
                                    

Pagpapatuloy ng Flash Back #3 1.0

Ang minsang pagliban ni Vanessa ay naulit pa, dumalas.

Isang araw.........

Dalawang araw..........

Tatlo.......

Apat..........

Limang besis na kung minsan ay alternate sa isang linggo.

Nagpapakita lang ito sa kanya.

Kinabukasan wala na naman.

Nagdecide si Matty na bisitahin ang girlfriend sa bahay nito.

Nagaalala na kasi siya na baka may sakit ito o may pinagdadaanan.

"Tao po?! Tao po?!"

Tawag ni Matty mula sa lampas ulong gate.

Maganda ang style bungalow na bahay ng mga magulang ni Vanessa.

Masasabing nakakaangat sa buhay ang mga ito.

Ngunit malungkot ang lugar. Napakatahimik. Parang walang tao.

Paulit ulit na tumatawag ang binata. Nagba-buzzer sa door bell.

Humahangos na lumabas ang isang may edad na babae. Matatantiyang nasa edad singkwenta y singko.

"Pogito ikaw pala yan"

Sabi ng matanda. Pogito ang tawag nito sa kanya. Halata na galing ito sa laundry.

"Nanay Kering"

Nawala ang pagkabagot ni Matty sa paghintay.

"Pasyensya ka na Pogito wala sila Mrs dito eh kahapon pa"

Hindi na siya pinapasok ng matanda.Nagusap silang dalawa sa pagitan ng mga rehas ng gate. Naiintindihan ni Matty kung bakit.

Wala pala ang pamilya ni Vanessa.

"Ho? Saan po sila pumunta? Kasama ho ba si Vanessa?"

"Oo wala silang buong pamilya dito"

Anang matanda na medyo mahina na din ang pandinig.

"Saan po sila pumunta?!"

Ulit ni Matty.

"Ang pagkadinig ko kasi, sa---" nagisip pa ang matanda.

Naku! Gusto ng sigawan ni Matty ang matanda para masabi nito agad ang detalyeng kailangan niya.

"Mail--born! Tama sa mailborn"

Melbourn ang ibig sabihin ng matanda.

Nagpasalamat si Matty dito bago umalis sa harap ng bahay nila Vanessa.

Bagsak ang mga balikat. May pagtatampo sa kasintahan, dahil wala manlang itong nabangit nang huli silang magkita.

Natagpuan ni Matty ang sarili na kainuman ang best friend niyang si Joey.

Itineks niya ito para samahan siya sa isang resto bar.

Nakaka isang bucket na sila ng beer.

"Hindi ko na maintidihan si Vanessa pare, masyado na siyang malayo, hindi ko na siya maabot"

Malungkot na salaysay ni Matty sa kaibigan. Dito lang siya nakakapagsumbong ng mga sama ng loob.

"Eh kasi nasa Canada kaya hindi mo na maabot"

Singit ng isang dalagitang kasama ni Joey.

Napalingon si Matty sa katabing bata ni Joey.

"Sino ba yang bubwit na kasama mo pare? Parang kabute sumusulpot"

"Sorry pare, di ko kasi maiwan sa apartment eh. Pinsan ko nga pala-- si Nica"

"Hoy! Hindi ako bubwit! May pangalan ako no! Monica!"

Pilyang sabat ulit ng trese anyos na pinsan ni Joey.

Hindi alam ni Matty kung nadinig lahat ng kutong lupa na ito ang lahat ng ikinuwento niya.

"Monica? Imported na pangalan"

Gumaan na ang pakiramdam ni Matty, nagagawa na niyang tumawa. Dahil sa kakaibang dating ng mga punch line ni Monica.

"Imported? Ano pusa lang? Made in japan?"

"Tumpak!"

Alam ni Matty may tama na siya pero nakuha pa niyang makipagbiruan sa school girl na ito.

Ang kainuman niyang si Joey ay nakayuko na dahil sa antok.

Silang dalawa nalang ang naguusap.

"Oo, kasi yung ate ko may imported na pusa galing japan-- at ang pangalan ay monica"

Nakangunot ang baby face na mukha ni Monica.

Tawa ng tawa si Matty. Kung ganito ka-cute at kakulit ang kausap niya kaya niyang tiisin ang hilo. Isa pa nakakawala naman talaga ng antok ang kausap.

"Ngumiti ka naman-- malapit ka ng makamukha ng kuting namin eh"

"Hoy! cute lang ako pero hindi ako kuting"

"Cute din kasi si Monica"

"Alam ko, kasi ako si Monica eh"

"Oh eh di kuting ka nga?!"

Puno ng kulitan ang gabing iyon. Lumakad ang oras na hindi tumatawa si Matty dahil sa joker na kasama.

Naroon kinukurot siya nito sa tagiliran kapag napipikon. Pipindot ang pisngi niya.

Pinipisil ang pisngi.

Pinapalo sa braso.

Hanggang sa inabot na sila ng closing time ng resto.

Ginising ni Matty ang kaibigan para makauwe na ang dalawa.

Bigla na naman niya na alaala si GF. Naramdaman na naman niya ang pagkamiss dito.

At nahiling sa sarili na sana katulad din ito ni Monica.

Yun tulad sila ng dati.

Ang pagkamiss niya ngayon dito ay napalitan ng hinanakit.

Nagpapasalamat siya ngayon kay Monica. Dahil kahit sandali ay nakalimutan niya ang pangungulila.

-----------------------------------

Hit vote!

Leave a comment!

Follow me for Updates

Godbless

Don't Push Me So HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon