Back to the Present muna tayo.
Bumangon si Matty sa kama na manipis na dahil sa katagalan.
Marahan siyang lumakad, masakit ang katawan niya.
"Uh...ahummnn!" Ungol niya.
"F**k i hate my life!"
Kung ganito ang pakiramdam niya tuwing umaga? Kahit sino masisira ang araw. Hinimas niya ang namamanhid na batok. Braso niya ay ngalay na ngalay. Binti niya halos walang lakas, parang tumakbo ng 100 kilometers. May eye strain pa siya. Humakbang siya para tunguhin ang banyo.
"Araay!!"
Naapakan niya ang bubog ng basag na bote ng red horse. Noon niya naalala na uminom sila ng tropa. Pumatak ang pulang pulang dugo sa sahig mula sa kanyang talampakan.
Bigla siyang nahilo. Takot nga pala siya sa dugo. Sa katarantahan. He rush the sink. Binuksan ang gripo at isinahod ang kanang paa.
Parang tanga lang, dapat sa banyo siya tumakbo hindi sa lababo!
Tok! Tok! Tok! Malakas na katok sa pinto.
"Pareng Matty! Ayos ka lang ba?!"
"Crap!"
Wala kasi siyang magawa dahil sa ayos niya. Nakapatong ang long leg sa sink habang hirap na hirap na bina-balance ang sarili.
Bumukas ang pinto, hindi na nagtanong si Matty kung paano yun nabuksan ng kaibigan. Magksunod na pumasok si Joey at Monica.
"Anong nangyari Matty?" Nagaalalang tanong.
"Nabubog ako Joey"
"Anak ka ng tinapa Matty! Bakit hindi mo pa inaalis?! May kalawang to! Labi ng bote eh!"
"Araaay!!!!"
Halos maiyak si Matty ng biglang hilahin ng kaibigan ang nakapasak na bubog. Sabay tapon sa piraso ng basag na bote sa basurahan. Hindi maintindihan ang nagusot na gwapong mukha nito. Inalalayaan siya ni Wenard na makaupo sa malapit na upuan, after mahugasan ang duguang paa. Noon lang din niya napansin si Monica. Ang basag trip kung mang asar. Nakakainsulto ang tawang nakaguhit sa labi nito.
------------------------------------------------
Wanna know who's Monica?
Please don't forget to Vote first!
MONICA JASMINE ZARTE
Monica Jasmine Zarte, She also known as MJ, college student. Magaaral sa Law University, 2nd year sa kursong abogasya. Favorite niya ang philosophy subject. (P.S. lahat po yan invent ko lang ^^). Pinsan ni Joey Zarte.May pagka-boyish kumilos kahit sa pananamit.
But she's not a lesbian. Alam niya sa sarili yun. Meron nga siyang crush eh, pero sekreto muna. Kilalanin muna natin siya as #1 Basag Trip sa buhay ni Matty.
Long and shiny ang hair, lagi lang naka-pony tail at natatakpan ng baseball cap.
She has a perfect pretty face. Her motto is beauty is simplicity. Kaya kuntinto na siya sa powder at eye liner lang. Kissable lips naman siya kaya di na niya kailangan ng lipstick.
BINABASA MO ANG
Don't Push Me So Hard
RomansaNagunaw ang mundo ni Matty dahil sa break up nila ni Vanessa. Muling nabuo iyon ng makilala niya ang babaeng walang ginawa kundi ang asarin siya, kung mag-Care naman ay sobra sobra. Gusto mo malaman kung sino ito? Basahin ang kanilang kwento.