Tila walang direksyon ang patutunguhan ni Monica, lakad lang siya ng lakad. Lutang at hilam sa luha ang mga mata, kung hindi lang sa suot niyang polo shirts at maong pants mukha siyang loka loka na naglalakad sa kalye. Sabog ang buhok, at nagkalat ang make up, hindi niya alintana na pinagtitinginan siya ng mga taong nakakasalubong.
May kotseng tumigil sa tapat niya, hindi niya ito pinansin, inisip ng dalaga na huminto lang yun para magpark. Pero sinabayan siya nito. Mula sa bintana nito ay dumungaw si Matty.
"Kuteng, sakay na" tawag ni Matty habang nakadungaw sa bintana at nagdi-drive. Pero tiningnan lang ito ng dalaga na parang hangin, sabay diritso sa marahang paglalakad na tila namamasyal sa ilalim ng buwan. Bumusina ng tatlong besis si Matty.
Tila nabingi si Monica sa ginawang pagbusina ng lalake, huminto siya at hinarap ito.
"Sakay na, mahaba na ang traffic dahil sayo, halika na"
Mahaba na nga ang nakapilang sasakyan sa likuran ng kotse ng binata, as if may choice pa siya, sumakay agad siya sa kotse pagbukas ng pinto.
Nakiramdam muna si Matty, bago ito nagsalita. Mababasa sa mukha ng dalaga ang labis na pighati, kalungkutan at pagkasuklam. At kasalanan niya iyon, kung hindi niya kinausap si Victor na bisexual friend niya na akitin si Charles hindi ito magkakaganito. Concern lang naman siya, isa pa hindi ito deserving na lokohin lang ng isang tulad ni Charles.
"Mga animal sila! Mga walang hiya! Mga hayup!" nagsisigaw si Monica. Kanina pa niya gustong gawin iyon pero wala siyang lakas ng loob isigaw sa napakaraming tao ang kabiguang natamo mula sa bisexual boyfriend na ex na niya ngayon. Nahihiya siya kay Matty dahil nasa loob siya ng kotse nito, atleast nabawasan naman ang bigat ng dibdib na dinadala niya. Hinayaan lang siya nito umiyak. At makinig sa mga pinagsasabi dala ng sobrang galit sa ex-boyfriend.
Awang awa si Matty sa dalaga, sandali niyang inihinto ang kotse sa emergency parking slot sa high way, inalo ang dalaga, hinila sa kanyang mga bisig, at niyakap ng hindi ito tumangi.
Wala naman ginawa si Monica kundi ngumuy nguy sa dibdib ng binata, para siyang batang inaway at dinaya sa laro, umiiyak sa bisig ng ama, inisip niyang dad niya ang kayakap, wala siyang pakialam kung tumulo ang kanyang sipon sa suot nitong damit, wala siyang pakialam kung mabasa nito ng luha suot nitong pantalon, kailangan niya ito ngayon upang hingahan ng sama ng loob. Hangang sa mapagod siya at tumigil na sa pag-iyak. Pasinok sinok pa siya sa labis na pagluha. Nakayakap parin sa kanya ang lalake na tila ayaw pa rin naman niyang umalis sa bisig nito.
"Feel better now?" mahinang bulong ni Matty. Walang sagot mula sa dalaga.
Saka naman umalis ng pagkakayakap si Monica para umayos ng upo, wala siyang imik, itinaas ang mga paa sa upuan at niyakap ang sariling mga tuhod, nakatanaw sa kawalan paharap sa bintana ng kotse. Naramdaman niyang ipinatong ng binata ang coat nito sa kanyang katawan.
Pinaandar na ni Matty ang makina ng kotse, at binaybay ang daan pauwe ng greenhills, sa bahay ng dalaga upang iuwi na ito at makapagpahinga.
"Thank you iho sa paghatid sa anak ko" narinig niyang sabi ng mama niya kay Matty mula sa nakabukas na pintuan ng kanyang kwarto.
"Walang anuman ho yun tita Susan" magalang na sagot ni Matty sa matanda, at inihatid pa siya nito hangang sa gate.
"Matty pala ang pangalan mo, naalala ko na, ikaw din yun tumulong sa anak ko ng naaksidente siya sa airport habang pababa ng eroplano" biglang naalala ng ginang, dahil namukhaan nito ang binata.
"Ah, eh... uho" napakamot sa ulo si Matty, ibig niyang pigilan sa kung ano pang maaring sabihin ang ginang dahil baka gising pa si Monica malaman nitong nasa ariport din siya ng araw na umuwi ito.
"Hindi ko alam na magkakilala pala kayo ng anak ko, bakit kasi umalis ka agad eh di sana nakita ka ng anak ko at napasalamatan ka niya" parang walang planong paalisin ng ginang ang binata, kinukwento pa nito ang panghihinayang nun araw ng insedente.
"Nagmamadali po kasi ako noon..." naagaw ang pansin ni Matty sa binta ng kwarto ng dalaga, gumalaw ang kurtina nito, at kinabahan siya na baka nakasilip doon si Monica at nakikinig sa may kadaldalan din pala nitong ina "Sige ho tita Susan, aalis na po ako para makapagpahinga na rin po kayo, good morning po ulit" at agad na tumalima siya papuntang kotse at baka pigilan pa siya ng ginang at sabihin doon na mag-agahan.
"Okay iho, ingat ka" wala ng nagawa ang ginang, kumaway nalang din ito at hinintay na mawala ang kotse lulan ang binata, saka bumuntong hiningang pumasok sa kabahayan. Diretso ito sa silid ng anak na dalaga upang tingnan kung nagpapahinga na ito, marahang ipininid ng ginang ang nakabukas na dahon ng pintuan.
Follow the Next Chapter >>>>
BINABASA MO ANG
Don't Push Me So Hard
RomanceNagunaw ang mundo ni Matty dahil sa break up nila ni Vanessa. Muling nabuo iyon ng makilala niya ang babaeng walang ginawa kundi ang asarin siya, kung mag-Care naman ay sobra sobra. Gusto mo malaman kung sino ito? Basahin ang kanilang kwento.