the confrontation

40 1 0
                                    

Nalilito at hindi alam ang gagawin ni Charles ng bumukas ang pinto at naroon ang dalaga huling huli sila at ng lalakeng kasama sa loob ng mens room. Palakad lakad ito sa loob, naroong haharap sa salamin, hahaplosin ang mukha, ang buhok, at hinarap nito ang kasama.

"I told you to lock the door, bakit hindi mo nilock, damn it" galit ito sa kasama at sa sarili.

"I am sorry Charles, tapos na eh, ano pang magagawa ko?" parang wala lang na sabi ng lalake, nakabihis na ito at handa ng iwan ang kwarto "Call me if you need someone to talk" iniwan nito ang calling card sa maong pants ni Charles saka tumalikod at umalis ng mens room.

Nagbihis na rin si Charles, hahanapin niya si Nica to explain, alam niya maiintindihan siya nito kapag narinig nito ang paliwanag niya. Hindi pa nakakaalis ng bar si Victor ang lalakeng kaniig niya sa mens room. Mula sa kinatatayuan ng binata nakita niyang kausap ni Matty ang lalake, tila may ibinulong at nagkamay pa ito bago tuluyang umalis, hindi niya binigyan ng panahong usisain ang kaibigan ng girlfriend, dahil ang aim niya ay makita at makausap si Nica. Sa Ladies room siya tumungo.

"Alis na ako bro, ikaw na bahala dito" paalam ni Victor kay Matty, pagkalabas ng mens room ito agad ang hinanap, to finish the unfinished business with him. Nagkamay ang dalawa.

"Thanks Vic" itinaboy na rin ito ni Matty ng makitang lumabas ang kasamang lalake ni Monica na depress at tila may hinahanap, napadaan ang tingin nito sa gawi nila pero agad ding umiba ng direction, sa Ladies room ito pumunta.

Narinig ni Monica ang pagtawag ni Charles sa labas ng pinto. Nailabas na niya ang lahat ng alak na kanyang nainom that night. Wala na siyang mailabas kundi laway na lang. Halos pagpawisan siya sa ginagawang pagsuka. Galit na galit siya sa lalake or lets call it that Gay.

"Hon alam ko nandyan ka sa loob, magusap tayo oh please?"

Lumabas si Monica, at iniwasan niyang mapadikit sa lalake na nagmamakaawang kausapin nito. Tinahak ni NIca ang exit. Hindi niya masisikmura pang makasama ito sa loob ng kotse para lang ihatid siya.

"Hon, I am sorry, kausapin mo naman ako"

"Leave me alone Charles" matigas na utos ni Nica, inaalis niya ang kamay nito kapag hinahawakan siya para pigilan. Paglabas ng bar naghanap agad siya ng taxi, dahil alanganin oras na madalang ang dumadaan, may makita man siya may sakay na. Dumagdag sa init ng ulo ng dalaga, sa kakaiwas walang direksyon na naglakad s'ya papalayo sa lalake. Nakabuntot pa rin ito sa kanya.

"Babe, magusap tayo sa kotse ko, dilikado dito sa daan" pilit pigil pa rin ni Charles, nahawakan nito ang pulsuhan ni Nica at mahigpit na hinila para pigilan bago pa ito makarating sa lugar na madilim.

Malakas na sampal ang inabot ni Charles sa dalaga, piling ang mukha nito sa kanan. At dito na ibinuhos ni NIca ang lahat ng sama ng loob sa lalake.

"Manloloko ka! Mas okay sana at matatangap ko kung nakita kitang sa ibang babae ka nakikipaglandian" garal gal ang boses pero buong buo na sinasabi ni Nica sa mukha ng lalake ang ginawa nitong pang loloko "Pero bakit sa kapwa mo pa lalake?" suntok sampal at mura ang ibinigay ni Nica dito.

Tinangap naman ni Charles lahat ng sampal at suntok ng dalaga, kung yun ang paraan para mapatawad siya nito, handa na rin naman siyang lumantad para dito, magkaayos lang sila kahit bestfriend na lang ulit.

"Sige ibuhos mo lahat ng galit mo, then after that ako naman ang pakingan mo" sa kabila ng mga pagsampal at suntok sa mukha at dibdib ni Charles ng dalaga pinabayaan niya ito hangang sa mapagod.

"The first time na magmet tayo sa Harvard ganito na ako, pero itinago ko yun dahil hindi rin gusto ng mga magulang ko" hindi na hinintay ni Charles na magsalita si Nica para umpisahan niyang magkumpisal sa harap nito.

"Nang ipakilala kita sa parents ko, natuwa sila at inasahan nilang balang araw magiging mag-on tayo... sinikap kong magpakalalake kahit na sa loob ko ang lambot lambot ko, nagaral akong ligawan ka kahit hindi ko alam kung paano... sinubukan ko din iparamdam sayo na bakla ako, pero~~" humikbi ito sandali, mahirap din kasi para dito aminin iyon "...pinagsasabihan mo ako at nagagalit ka sa akin, i admit natakot din ako ng magpaalam ka na uuwi ka na ng Pilipinas with tita Susan, kaya hinalikan kita sa park dahil ayaw mo akong makitang parang batang umiiyak, kasi sabi mo hindi bagay at ayaw mo sa bakla" 

Tahimik lang si Nica nakikinig, hilam na sa luha ang mga mata niya. Pero nasasaktan pa rin siya, ang gusto niya ngayon ay mapag-isa, ayaw nya ng kahit anong paliwanag.

"Ang totoo minahal naman kita Nics eh, pero hindi ko kayang ibigay yung pagmamahal ng tulad ng isang tunay na lalake" patuloy ni Charles "Best, mapapatawad mo pa ba ako?" inabot nito ang kamay ni Nica na nakahalukipkip sa dibdib nito.

Iwinaksi ni Nica ang kamay ng lalake, masama ang tingin itinuon dito.

"I don't know, hayaan mo muna akong mapag-isa" humakbang siya para iwan ang lalake, sinadya ng dalaga na masagi ang balikat ng nanlulumong bakla. Lumakad siya sa direksyon pabalik sa bar. Naiwan ang lalake na bagsak ang balikat at umiiyak. Bigo sa pag-asang mapapatawad din siya ng dalaga ng oras ding iyon.

Follow the Next Chapter >>>>

Don't Push Me So HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon