"Since wala ng dad mo, uuwi na tayo ng Pilipinas, nakuha ko na mga papeles at documents na kailangan sa insurance na naiwan ng dad mo, i think we should go back home to start a new life" ani tita Susan, hindi pa rin maitatago dito ang lungkot. Nagdesisyon na itong umuwi ng bansa para doon na lang ipagpatuloy ang buhay nilang mag-ina. Tumigil ito sa paglalagay ng mga gamit sa malaking travelling bag. Lumapit si Nica dito para yakapin ito.
"Kung yan po ang desisyon n'yo ma, wag po kayo mag-alala kasama n'yo po ako, andito lang po ako sa tabi n'yo"
The day her dad passed away, kahit gustohin niyang umiyak sa pagkawala ng daddy n'ya pinilit niyang maging mas matatag para sa mama. Ayaw n'yang mawalan ito ng pag-asa, may edad na rin ito at may sakit din ito sa puso, kung ipapakita niya dito na pati s'ya ay nanghihina na dahil wala na ang pinakamamahal nitong asawa baka bumigay din ito at iwan s'ya. Yun ang bagay na ayaw n'yang mangyari.
Tinawagan ni Nica si Charles para iparating dito ang nalalapit nilang pag-uwi ng Pilipinas. Nagkita sila sa park na madalas nilang pagpalipasan ng oras. Kanina pa s'ya naroon at dumating na din si Charles after few mins na tawagan n'ya ito. Naka sando lang si Charles, halatang galing sa gym, nakaipit pa sa mangas ng leeg nito ang puting towelit.
"Hey beautiful? What do we have here? Don't tell me namimiss mo na naman magswing" masayang bati ni Charles, nagbibiro pa ito. Dahil kahit mga adults na sila, basta magyaya ito si Nica sa park na ito ay para lang mag-aliw at magswing sa childrens ground ng park. Masaya s'ya kapag kasama ang dalaga, naeenjoy nila ang maghapon at nakakalimutan ang problema.
"I will miss these place" makahulugang sagot ni Nica. Nakaupo s'ya sa swing while nakatayo si Charles sa harap n'ya.
"Why? We can do these anytime you want" walang ideang sabi ni Charles, lumapit ito sa katabing duyan at umupo. Pumadyak sa lupa para itayon ang sarili.
"I wish i could, uuwi na kasi kami ng Pilipinas" malungkot ang mga matang itinuon ni Nica sa binata. Huminto si Charles, ipinantay ang sarili sa kausap. Wala itong naging sagot, tinitigan lang si Nica measuring how serious she is.
"Nagdecide si mama na dun nalang namin ipagpatuloy ang business na iniwan ni daddy para sa future namin" patuloy ni Nica, alam n'ya masasaktan ang binata sa pag-alis n'ya. Napamahal na rin ito sa kanya, at inaamin din niya sa sarili na mahal din niya ito. Kahit wala itong sinasabi.
Suminghot si Charles, na kaagad nilingon ni Nica.
"Are you crying?" tanong n'ya.
"Of course not, nahawa yata ako ng kasama ko sa gym, hatsing kasi ng hatsing eh" deny nito, sabay punas ng towelit. Gustong sabunutan ni Nica ang lalake, kahit hindi nito ipakita, alam n'ya nalulungkot ito. Tumayo si Nica to give him a hug. Ikinagulat ni Charles ang ginawa ng dalaga.
"Kunyare ka pa eh, alam ko naman mamimiss mo ako at malulungkot ka" sabi ni Nica, shes pissed kapag naglilihim ito ng nararamdaman para a kanya. Bigla nga itong umiyak, gusto tuloy n'ya itong sampalin dahil daig pa nito ang 6 years old na batang umiiyak na nagngungoyngoy sa balikat n'ya.
"Mamimiss kita sobra, mawawalan ako ng bestfriend" iyak ni Charles, ibig maturn off ni Nica kung paano nito sinabi ang salitang iyon, sa gwapo nito hindi dito bagay maging bakla.
"Charles, uuwi lang kami ng Pilipinas, hindi pa ako mamamatay, ano bang nangyayari sayo? Ang OA ha?"
"Saka ayosin mo nga yang sarili mo? Kadiri ka kung magiging bakla ka" pinahid ni Nica ang hindi birong luha na umaagos sa pisngi ng gwapong kaibigan. Bigla tumayo si Charles after hearing the last word of Nica to him. Napatingala si Nica, dahil matangkad ang binata, hangang chin lang nito ang height n'ya. Tumingala s'ya then Charles kiss her. Mabilis lang iyon, natameme si Nica. Inaantok pa s'ya at ayaw pa n'yang imulat ang mata. Gusto n'ya ang ginawa ng binata.
"Now tell me who's gay?" bulong ni Charles habang isang inches lang ang pagitan ng mga mukha nila. Walang pagsising mababakas sa mukha nito sa ginawang paghalik sa dalaga.
"Now I know your not" mapungay ang mga matang tugon ni Nica. Lumikot ang mata ni Charles at inilayo na ang sarili sa dalaga. "Saan tayo pupunta?"
"I have something to show you" hila ni Charles ang kamay ni Nica, tumakbo sila papunta sa gilid ng burol. Maganda ang tanawin mula roon, kita ang flatland na may nakaguhit na kalsada along the way may gasoline station na dinaraanan ng mga travellers for stop over. Dahil hapon na, papalubog na ang araw. Magandang scenery.
"Wow, how'd you know these place? Bakit hindi mo sinasabi may ganitong view pala dito?" may inis na sabi ni Nica sa lalake. Kinurot n'ya ito sa tagiliran, dahil alaga ito sa gym, siksik ang mga muscles nito na nahawakan n'ya.
"I discover these place before we met, a long time ago, and i promise myself, only the one I love would deserve to see this" kinulong ni Charles sa braso ang dalaga. That his sincere, thoughtful and caring. Ipinadama nito iyon kahit noon pa ng mga panahong malungkot ito.
Sobrang natouch si Nica, naiinis din s'ya dahil dapat noon pa nito sinabi sa kanya na mahal s'ya nito. Pero wala ng rason para magalit pa dito, ngayon mutual pala ang feelings nila, wala na s'ya dapat alalahanin. Hindi man ito tuwirang nanligaw, sinasagot na n'ya ito, with the influence ng bansang america, hindi na uso ang ligaw ligaw, since nagkakagustohan naman kayo.
Follow the Next Chapter >>>>>>>>>>>
BINABASA MO ANG
Don't Push Me So Hard
RomanceNagunaw ang mundo ni Matty dahil sa break up nila ni Vanessa. Muling nabuo iyon ng makilala niya ang babaeng walang ginawa kundi ang asarin siya, kung mag-Care naman ay sobra sobra. Gusto mo malaman kung sino ito? Basahin ang kanilang kwento.