the revelation - Last Part

49 0 0
                                    

Thanks God its Shoturday!

Pasalampak na umupo si Monica sa kama. Kinuha ang telepono at nag-dial.

Tut toot tut toot... tunog ng dialled numbers.

Kriing! Kriing! Kriiiing!

Ang tagal sagutin.

Dial ulit si Monica nang sumagot ay operator.

Kriiing! Kriiing!

"Hello?" sa wakas ay may sumagot din.

"Hello Ma?"

"Oh! Kamusta na ang baby ko?"

Naginarte si Monica ng tawagin siyang baby ng ina.

"Ma, dalaga na ako, hindi na ako baby!"

"Anak, kahit anong mangyari, ikaw lang ang nag-iisang baby ko kahit ano pang sabihin mo"

Ngumuso si Monica. Only child kasi siya.

"Bakit ka nga pala napatawag? Nakapagdecide ka na ba na dito ka na lang sa America?"

Walang sagot si Monica. Actually yun naman talaga ang sadya niya kaya siya tumawag. Matagal na kasi siya nitong gusto pasunudin doon. Siya lang ang may ayaw dahil nga dito niya gusto mag-aral ng abogasya.

Pero may doubt pa din siya.

"Oh ano? hindi ka na nakapagsalita d'yan? May problema ba ang baby ko?"

"I miss you so much ma" lambing ni Monica. Totoong namimiss na n'ya ang ina.

"I miss you too anak, kaya gusto ko sana pagbigyan mo na ako, para magkasama na tayo dito"

"Opo ma, tsaka namimiss ko na din si Daddy at mga pinsan ko d'yan"

"Naku matutuwa ang Daddy at ang mga pinsan mo pag nalaman susunod ka na din dito"

Kahit buo na ang disisyon ni Monica. Hindi parin niya maintindihan ang nararamdaman. Tila ang bigat iwan ng lugar na nakasanayan, kahit sa ganoong isipin lang.

"Bukas na bukas aasikasohin ko na petition papers mo dito"

"Sige po ma"

"Asikasohin mo na rin ang mga kailanganin mo d'yan para sa lalong madaling panahon maka-flight ka na, gustong gusto na kitang mayakap anak eh, lalo na ang kakulitan mo miss na miss na nang mama"

Nangingilid ang luha sa mga mata ni Monica sa mga sinasabi ng ina. Miss na miss na din n'ya ito syempre.

Narinig niyang humikbi ang ina sa kabilang linya.

"Ma, tahan na, wag ka mag-alala magkikita na tayo no?"

"Oh siya sige na anak, baka lumaki na ang bill mo sa long distance, mag-email ka lang kung may mga kakailanganin ka ha? Nandito lang ako para sa'yo" paalam na ni Mrs. Calayan.

"Opo ma, hindi ka pa rin nagbabago ma"

"na ano?"

"Ang drama n'yo pa din" biro pa ni Monica sa ina.

Nagkatawanan sila.

"Ikaw talagang bata ka, s'ya sige, bye na, i love you anak"

"I love you too ma"

Isang malalim na paghinga ang hinugot ni Monica. Kahit papano ay nabawasan ang lungkot at bigat sa dibdib n'ya.

Five years din silang magkalayo na pamilya, tatlo na nga lang sila, magkakahiwalay pa. Business man ang Daddy ni Monica, at kung saan madistino ang ama, doon din sila. Sa America lang ito nadistino ng matagal, hanggang sa doon na ito nag-stay.

Don't Push Me So HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon