Continuation of Flash Back #3
Madalas na ang nagiging tampuhan nila. Minsan naman ay nagiging demading na si Vane, gusto nito sinusunod agad ng boyfriend ang mga gusto nito. Kapag hindi ginawa ni Matty ay nagtatampo. Inaaway nito si Matty kahit maliit na bagay lang.
"Teka, bakit yan ang binili mo? Ew! i don't like street foods! You know naman na hindi ako kumakain niyan, its dirty!"
"Di ba sabi mo gusto mo ng bago? Eto na nga eh, saka mura lang ito mabubusog ka pa"
"No! you eat it if you like, sa 7/11 nalang ako kakain!"
"Teka sandali paano to?"
"Eh di kainin mo!"
Medyo napahiya na pinabalot ni Matty sa vendor ng isaw ang limang pirasong stick na kinuha niya.
"Naiintindihan kita hijo, ganyan din ang misis ko dati kay junior ko" sabi ni mang Nato. Matandang vendor sa kalye.
Napatawa si Matty sa tinuran ng matanda. Nakuha niya ang ibig sabihin nito. Akala siguro ay naglilihi ang girlfriend niya kaya mabilis magbago ng isip. Ang sungit pa.
Nawalan na rin ng ganang kumain si Matty. Kaya niya dinala si Vanessa sa kanto para kumain ng isaw na ayon dito ay gusto ng bagong food na hindi pa nito natitikman.
"Kuya pahingi naman piso, pambili lang ng pagkain" limos ng batang grasa.
"Eto, sa iyo na lang" ibinigay ni Matty ang hawak na plastik. Kaysa masayang naisip niyang ibigay nalang ang isaw na binili sa halip na pera ang iabot niya dito.
"Salamat po"
Mabilis na nawala ang bata pagkaabot ng pagkain. Humakbang na si Matty para sundan ang girlfriend, dahil nasa kabilang kalsada lang naman ang pwesto ng 7/11. Pumasok siya at hinanap kung saan nakaupo ang kasama. Parang ang lawak naman ng 7/11, may tatlong mesa at upuan lang naman naroon. Kaya kaagad din niya nakita si girlfriend.
May kaharap na Coffee at siopao si Vanessa, favorite nito ang maanghang na flavor niyon. Tumatawa na ito dahil sa binabasa na text. Hindi alam ni Matty kung sino, atleast hindi na siya mahihirapang amoin ito.
"Mukhang masaya ang pinaguusapan nyo ah? Sino yan?" Kunyare ay curious na tanong ni Matty, to get Vanessa's attention.
Umupo siya sa tabi nito. Pero kahit hindi intensyon ni Matty ang pagsilip sa hawak nitong cellphone ay kaagad ito nitong iniiwas.
"Nothing, isang friend ko na matagal ko ng hindi nakikita"
"Sinong friend, kilala ko ba?"
"Nope, his from Canada, plano nga niyang bumisita dito eh"
Nakaramdam ng selos si Matty to think na lalake ang kaibigan na tinutukoy ng girlfriend. Baka hindi lang isang kaibigan iyon sa buhay ng girlfriend niya, baka higit pa.
Dumating ang araw na sinasabi ni Vanessa. Ang pagbisita ng kaibigan nitong taga Canada.
Mistiso, matangkad, gwapo at kulay mais ang buhok na lalake ang ngayon ay masayang kausap ni Tita Teresa. Kitang kita ang pananabik na makita ang lalakeng dayuhan.
"Brent this is Matty, Matty this is Brent, his Van's childhood friend from Canada" pakilala ni Tita Teresa sa kanilang dalawa.
"Hi, how ya doin' man?"
"Am doing great, thanks. I'm her boyfriend nice to meet you?"
Nakalimutan kasi ipakilala ni Tita Teresa ang relasyon niya kay Vanessa. Napansin niyang nagiba ang reaction ng mukha ng foreigner.
BINABASA MO ANG
Don't Push Me So Hard
RomanceNagunaw ang mundo ni Matty dahil sa break up nila ni Vanessa. Muling nabuo iyon ng makilala niya ang babaeng walang ginawa kundi ang asarin siya, kung mag-Care naman ay sobra sobra. Gusto mo malaman kung sino ito? Basahin ang kanilang kwento.