Airport USA

38 0 0
                                    

        Sa Airport, inihatid ni Charles ang mag-ina, pauwi ng Pilipinas.

"Ingat po kayo tita"

"Salamat iho"

        Hinarap ni Charles si Nica, niyakap ng mahigpit, hinalikan bilang pabaon sa pag-uwi nito ng Pilipinas.

        Sakay na ng eroplano, magkahalong lungkot, excitement at takot ang nararamdaman ni Nica, una nalulungkot s'ya dahil kung kelan may relasyon na sila ni Charles saka pa nila kailangan maghiwalay, pangalawa excitement dahil uuwi na sila ng Pilipinas, at sa isiping uuwi na sila ng Pilipinas, nakaramdam s'ya ng hindi maintindihang takot. Sa pag-uwi n'ya alam n'yang magkikita silang muli ni Matty. Yun ang bagay na wala sa kanyang isip. What if magkita nga sila ulit? Ano kaya ang gagawin n'ya?

        Nilingon ni Nica ang natutulog na ina sa kanyang tabi. Mahimbing ito. Sumasakit na rin ang kanyang ulo sa kakaisip ng gagawin pagdating ng Pilipinas. Siguro nga kailangan muna n'yang magpahinga. Ipinikit ni Nica ang kanyang mata, until she fall aslept.

Ginising si Nica ng marahang pag-uga sa kanyang balikat ng ina.

"Nak, bababa na tayo, halika na"

        Antok pa s'ya pero kailangan na n'yang tumayo, halos bakante na ang mga upuan, nagsibabaan na ang mga pasahero. Sa paglingon ng dalaga isang lalake ang nakita n'yang nakayuko na nagaayos din para bumaba ng eroplano, tinitigan n'ya ito, "He looks familiar" sabi ng dalaga sa isip. Marahan siyang lumakad, at hinayaang mauna ang lalake, at pinagmasdan ito mula sa likoran, to make sure na nagkakamali lang s'ya sa iniisip kung sino ito. Kaagad na hinawakan niya ang lalake sa balikat.

"Matty?" Disappointed ang dalaga ng ibang mukha ang lumingon sa kanya.

"Bakit miss?" tanong ng lalake.

"I'm sorry, i was just thinking someone else" hingi paumanhin ng dalaga, sabay humakbang para unahan na ito paglabas.

        Accidentally namang nabanga ang dalaga sa pintuan, mukhang malakas, umikot ang tingin n'ya. Hilung-hilo ang dalaga. Tinulungan s'ya ng lalake, hindi n'ya matingnan sa mukha dahil dizzy pa ang dalaga. Dala ng jetlag, pagkahilo at antok nawalan s'ya ng malay. Mabuti nalang malaking tao ang lalakeng nagmagandang loob sa dalaga, binuhat nito ang walang malay na babae. Kaagad na may lumapit na medic para dalhin ito sa clinic ng airport.

"Oh my god, Nica? What happen to her?" Nagaalalang tanong ng ina sa lalakeng may buhat sa dalaga.

"Nawalan po ng malay ma'am, mabuti na lang ho nasa likuran n'ya ako kaya agad ko nasalo" paliwanag ng lalake.

"Maraming salamat iho, akala ko kasunod ko lang s'ya eh" nabawasan ang pagaalala ng ginang. Lalo na't maaliwalas naman ang mukha ng kausap, hindi ito mukhang masamang tao.

Umungol si Nica, sign na bumalik na ito sa katinuan.

"Ah sige ho tita Susan aalis na ho ako, mukhang ok na s'ya, sige ho" paalam ng lalake, nagmamadali, kaagad itong nawala sa harap ng ginang na nagtataka dahil alam ng lalake ang pangalan n'ya.

"Ma?" tawag ni Nica sa ina. Narinig n'yang may kausap ito. "Ma, sino yung kausap mo?" nacurious na tanong ng dalaga, dahil kulang nalang ay yakapin ng ina ang kausap. Hindi n'ya makita kasi nasa likod ito ng bukas na pintuan.

"Mabuti naman okay ka na anak, nag-alala ako sayo ng husto, ano ba kasi ang nangyari sayo bata ka?"

        Bumangon si Nica, masakit ang noo n'ya. Bahagya na iyong namumula. "Ewan ko Ma, hindi ko kasi napansin yun pintuan nabanga ako" paliwanag ng dalaga. Lumapit ang isang medic para icheck s'ya.

"Dyosko naman nak, umuwi lang tayo ng Pilipinas bumalik na naman yang ka-clumsy-han mo" sermon ng ginang.

"Ma naman?" saway ni Nica, ayaw niya mapahiya sa mga taong nasa loob ng clinic.

"Mrs. okay na po s'ya, makakaramdam lang s'ya ng kaunting sakit dahil sa bukol sa noo n'ya pero pwede na po kayong umuwi" sabi ng medic.

"Thank you so much doc"

"Wala pong anuman, next time miss mag-iingat na kayo, maganda ka pa naman" makahulugang sabi ng medic sabay baling sa dalaga. Lumabas na rin ito ng kwarto.

        Gustong habulin ito ni Nica para ipamukha dito na hindi s'ya tatanga tanga, isa s'yang lawyer at ang nangyari ay aksidente lang. Bigla n'ya naalala ang dahilan ng pagkakaumpog ng noo n'ya sa pintuan ng eroplano. Sumakit lang ulit ang ulo n'ya kakahanap sa isip kung sino ang lalakeng iyon.

        "Masarap manirahan sa sariling bansa, matulungin ang mga tao, kung hindi siguradong kung napaano ka na kanina, kaya nagpapasalamat ako sa taong tumulong sayo" may galak sa boses na sabi ni tita Susan habang nasa kotse sila, pauwi na ng dati nilang bahay.

        "Nakilala n'yo ba kung sino yun Ma?" naku-curious na tanong ni Nica, iba kasi ang timbre ng boses ng ina habang ikinukwento ang taong tinutukoy nito.

"Yun lang hindi, nagmamadali kasing umalis" disappointed na sabi ng ginang.

        "Now look whos talking?" nais tuksohin ni Nica ang ina, ganoon sila, nagbibiruan, nagaasaran, na para bang magkabarkada lang.

        "Ikaw talaga, minsan lang ako bumawi sayo eh, nakaganti ka na kaagad" kunyari ay asar na sabi ng ginang. Nagkulitan sila sa loob ng kotse.

        Lumumbay lang ulit ang ginang ng nakababa na sila at papasok na sa dati nilang bahay. Matagal na panahong walang tumira, tanging katiwala at ilang katulong na matyagang naglilinis dito. Sinundan ni Nica ang ina, inilibot ang mata sa kabuoan ng sala. Ganoon pa rin ng iniwan nila.

        "Welcome home ma'am Susan, miss Monica" magkasabay na bati ng isang katiwala, tatlong katulong at isang kusinera na sumalubong sa pagdating ng kanilang mga amo.

"Manang, yaya De, yaya Mercy kamusta ho kayo?" magiliw na kamusta ni Nica.

        "Okay naman ho miss Monica, natutuwa po kami dahil bumalik na kayo ni ma'am Susan" magilis din sabi ni Manang.

        "Nica nalang ho ang itawag n'yo sa akin, masyado kasi mahaba ang Monica, Nica nalang" inform niya sa mga kasambahay, yun na din kasi ang nakasanayan niyang tawag sa kanya. Hindi naman nagcomment ang mga ito sa biglang pagbabago ng pangalan ng dalagang amo.

        Mabait sa tauhan ang ginang, kaya mahal na mahal din ito, tulad ng pagmamahal ng ipinapakita ng ginang para sa kanila ay sinusuklian naman iyon ng katapatan. Inasikaso at ipinaghanda ng dinner, binantayan hangang makapagpahinga.

Follow the next Chapter >>>>>>>>>>>>>>

Don't Push Me So HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon