Tumunog ang cellphone ni Monica. Dali dali niya iyong kinuha sa ibabaw ng dura box. tsinek kung sino ang nagtext.
"Hi kuteng"
"Si sungit?" nagtatakang tanong ni Monica, kahit kinikilig sa simpleng text mula kay Matty. Agad syang nagreply.
"Helo, HRU?"
"Feel better now, Busy k b?"
"hnd nmn, y?"
"Date tau, ako taya"
"Date?" napakagat labi si Monica sa sobrang kakiligan. Ngumuso siya ng malala si Vanessa.
"Ano? Tara?"
"w8 how bout Vanessa?"
"Don't mind her, friendly date lang naman eh"
"Ouch! what to expect? ay naku Monica nagi-illusion ka na naman" sermon ni Monica sa sarili.
"sure ka ha?"
"ofc i am, ano?"
"ok, wt tym?"
"now"
"as in?"
"yeah, y ayw mo b?"
"ofc i wnt too, w8 bihis lng ako"
"ok cya l8r"
Smiley lang ang inireply ni Monica.
Kahit friendly date lang ang pagyaya ni Matty ng date sa kanya, kinikilig pa din siya. Sobrang crush nya kaya ito. Hindi lang siya nagpapahalata kaya lagi niya nalang itong binabara kapag seryoso man ito o hindi.
Nag-ayos siya, nagsuot siya ng damit ng akma para sa date nila ni Matty. She wants to be look like a complete woman in his eyes, kapag sinundo na siya nito mamaya. Naglagay siya ng kaunting eye liner, kaunting powder para mawala ang pagka-oily face niya, first time niyang maglip gloss, matagal na niya iyong binili sa hbc, pero pambihira niya gamitin.
Sinuklay niya ang kulay brown niyang buhok na lampas balikat, hinayaan niya iyong nakalugay. Umikot ikot pa siya sa harap ng whole size mirror. Para siyang bata sa suot na vintage floral dress, last year pa iyon nasa cabinet lang niya, regalo sa kanya ng kanyang mommy na nasa Italy.
Kinuha niya ang box ng sapatos na may primadonna na tatak. Nilabas doon ang high heeled brown na sandals. Dumagdag ang height niya ng maisuot yun.
Ngayon girl na girl na ang peg.
Lumakad muna siya ng ilang balik sa harap ng aparador upang sanayin ang sarili. Actually hindi naman niya first time magsuot ng high heels, noong acquiantance nila sa school ginamit niya ang sandals na yun. Medyo matagal na nga lang yun.
"Now am ready"
Sa nakakaakit na ngiti sa harap ng salamin ng dalaga, sisiguradohin niyang hindi siya tatangihan ng kahit sinong lalake na makilala siya. Lalo na si Matty, sigurado magugulat ito. At iyon naman talaga ang intensyon niya. Ang mapansin siya nito.
May kumatok sa pinto. Si Matty na iyon.
Mabilis na dinampot ni Monica ang pouch na brown sa bed, at dagliang pinagbuksan ang nasa labas.
Eksena. Marahang bumukas ang pintuan. At iniluwa niyon ang isang napakagandang babae. Lumilipad pa sa hangin ang ilang strand ng buhok nito. Habang sweet na sweet na nakangiting lumalapit sa tila namalik matang binata.
Sa sobrang pagkamangha ni Matty ay halos hindi ito nakapagsalita.
"My goddess, Monica ikaw ba yan?" boses ni Aling Kunching na sumingit at pumutol sa ilang minuto ding pagkagulat ng binata. Lumabas ito sa inuupahang kwarto para magtapon ng basura.
BINABASA MO ANG
Don't Push Me So Hard
RomanceNagunaw ang mundo ni Matty dahil sa break up nila ni Vanessa. Muling nabuo iyon ng makilala niya ang babaeng walang ginawa kundi ang asarin siya, kung mag-Care naman ay sobra sobra. Gusto mo malaman kung sino ito? Basahin ang kanilang kwento.