Home Sweet Home

38 1 0
                                    

        Sinilip ni Nica ang kwarto ng ina, to check kung na nagpapahinga na ito. Baka kasi gising pa ito at umiiyak na naman. Lagi n'yang dinadasal na sana ay maging okay na ang mama n'ya. Nakahinga s'ya ng maluwang dahil mahimbing na itong natutulog. Noon bata pa s'ya ganito ang ginagawa ng mama at daddy niya bago pumasok sa sariling kwarto. This time s'ya naman, bigla n'ya namiss ang daddy n'ya.

        "Daddy dito ka lang natatakot ako sa monster"

        "No its okay, walang monster, takot lang nila sa muscles ko"

        "Takot lang nila sa muscles ko" mga katagang hindi niya malilimutan, tatawa na s'ya at pagkatapos nun ay makakatulog na at pwede ng iwan, sa daddy n'ya natutuhan ang maging palabiro pagdating sa mga bagay bagay na kinakatakutan niya nun bata pa s'ya, hangang sa paglaki ay dala dala niya.

        "I miss you dad" tumulo ang luha ni Nica, umagos hangang sa kanyang tainga, na kaagad nitong pinahid. Ipinikit na ni Nica ang kanyang mga mata, inaantok na rin s'ya at hindi pa rin nawawala ang sakit ng kanyang noo.

        Nakatulugan na niya ang pagre-remenese sa memories ng dalaga noong nabubuhay pa ang daddy niya.

        Mabilis na lumakad ang panahon, halos anim na buwan na rin. Isang kleyente ang lumapit sa kanya at humingi ng tulong. Sa tulong ng isang kaibigan na inirecommend siya dito para siya ang humawak ng kaso.

        Nakipagkita ang dalaga sa kleyente sa isang restaurant, maganda ang babae, matatayang may kaya din ito sa buhay. Dala marahil ng stress kakaisip sa problema ay nagmukha na itong kwarenta kahit na nasa mid 30's pa lang ang edad nito. Nilapitan niya ito at kinamayan. Inalam ng dalaga ang lahat ng detalye, pinagaralan.

        "I'll see you tomorrow Ms. Josefine, thank you for trusting me"

        "I believe you Atty. Nica Calayan"

        Yun lamang at naghiwalay na ang dalawa.

Follow Next Chapter >>>>>

Don't Push Me So HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon