The Game

35 0 0
                                    

Nakarating kay Matty ang paghamon ng abogado ng kalabang kampo.

"Sige atty., maraming salamat" sabi ni Matty, umalis na ang abogado at naiwan ang binata sa kanyang cossy condo. Nakatingin siya sa kisame, nagiisip. Tinamaan ang ego niya sa balitang nakarating sa kanya. Hindi niya inakalang makakatangap siya ng ganoong klaseng pagbatikos, "Ako walang balls?" hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Matty sa sarili. "Hindi ka pa rin nagbabago Monica" as if na kaharap lang niya ang taong kausap.

Tinawagan ni Matty si Atty. Verin para alamin ang contact number ni Monica. Kaagad naman iyon nakuha ng binata at tinawagan.

Dali daling lumapit si Nica sa receiver dahil dalawang ulit ng nagriring ang telepono wala pa rin katulong na nagabalang sumagot dito. Iniwan ng dalaga ang nilulutong brunch para sa kanya. Nalala niyang kasama nga pala ng mama niya sa supermarket ang dalawa at siya lang ang naiwan sa bahay.

"Yes hello, this is Calayan's residence how may i help you?"

"Can I speak to Atty. Nica Calayan?" anang nasa kabilang linya na boses lalake, napasimangot si Monica, the sound of his voice is familiar to her ears.

"Yes speaking?" ang malambing niyang boses kanina ay biglang lumamig.

"Kamusta ka na Monica?"

Nanlamig si Nica, hindi siya nagkakamali sa kanyang hinala. Nagtatalo ang isip at puso niya, kakausapin ba ito o babagsakan ng telepono.

"Hey Atty, are you still there?"

"Y~yeah, what do you want Mr. Francisco?" trying to be professional na tanong ni Nica. Kahit pa tonong pangangamusta mula sa isang dating kakilala ang naririnig niya. This time kalaban niya ito hindi kaibigan. Isa pa kinalimutan na niyang minsan ay naging kaibigan niya ito.

"Napakaprofessional mo naman Atty, i just want to be your friend, ganyan ka ba magapproach ng mga kleyente?" may sarcasm sa boses ng kausap ni Nica.

Pinipigil ni Nica na tarayan ang kausap, bigla niya naisip na baka mapissed niya ito ng husto, kailangan din n'ya ng kaunti pang pasyensya para maipanalo niya ang kaso dito.

"I am sorry" nilunok ni Nica ang sariling laway, pride na ayaw niyang paapak sa taong ito "So what is this all about then? Tumawag ka ba para lang ipakiusap sa akin na iurong na ang kaso?" tumawa lang ang nasa kabila. Kung nasa harap lang niya ito ibabato niya sa mukha nito ang hawak niyang sandok.

"We don't know, or better yet makipagkita ka sa akin tonight" tumaas ang kilay ni Nica sa narinig.

"Come on, I know what you thinking, Its just dinner, lets talk over dinner, malay mo magbago ang isip ko, ibigay ko na lang ang bata sa mom niya after that"

Ano to pinaglalaruan ba siya ng taong ito? Oo alam niya sa sarili niyang ang maipanalo ang kaso ang gusto niyang kalabasan, natural lang iyon. Pero sa ginagawa ng taong ito, reputation naman niya ang kapalit, papayag ba siya?

"Alright, i give you time to think about it Atty. take your time, just call me if you made up your mind about my offer" kasabay nun ang busy tone ng linya.

"Damn you Matty!" galit na galit na ibinalik ni Nica ang receiver ng telepono. Nagagalit din siya dahil hindi siya nakapagisip agad, natameme s'ya while in a converstaion with him. Akala niya sapat na yung tapang na inipon niya kanina para sa lalake. Sumagi sa isip niya ang pagmamakaawa ng kanyang kleyente para lang ipanalo niya ang kaso.

"Mahal na mahal ko ang anak ko Atty. siyam na buwan ko syang dinala sa sinapupunan ko, gusto ko siyang makasama, ng isilang ko siya kinuha na s'ya ng walang hiya niyang ama at inilayo sa akin, isa lang naman ang gusto ko Atty, mapasa akin ulit ang anak ko"

Halos mapunit ang puso niya sa awa dito, marahil kung siya ang ina ng bata, ganoon din ang nanaisin niya, lalo na at may sakit pala ang babae, kung mamamatay na siya bukas, ipaglalaban din niya ang karapatang makapiling ito kahit sa huling sandali ng kanyang buhay.

Kaharap na ni Nica ang brunch-snack na niluto niya. Pero hindi naman niya makain, dahil hindi maalis sa isip niya ang pangigipit ng binata at ang pakiusap ng kleyente. Halos isang oras siyang nakatunga-nga lang sa harap ng pagkain. Tumayo siya at tinawagan ang numero nakarehistro sa call log ng telepono.

Nakabihis na si Matty for a date tonight. Nagring ang phone niya, kinuha ang phone mula sa suot niyang black slacks. Gumuhit ang ngiti sa labi na dumagdag sa kagandahang lalake nito, si Nica ang tumatawag.

"So are we ready tonight? I'll pick you up in a minute" hindi na nito hinintay na sumangayon pa ang tumawag, pinatay na nito ang phone at humakbang na para umalis ng condo.

Umalis ng condo ang binata maneho ang kanyang magarang sasakyan. Halatang asensado na ang binata. May sariling business na lumalago at kung saan saan meron na ring branches. Isa na lang ang kulang, ang babaeng makakasama niya habang buhay.

Follow the Next Chapter >>>>>>> 

Don't Push Me So HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon