"Thank you Attorney sa pagdating n'yo, gusto ko na talaga makasama ang anak ko" si Josefine isang client ni Nica na humihingi ng karapatan para makuha at makasama ang anak na matagal na nawalay dahil itinatago umano ng father nito na may ibang pamilya na.
"Don't worry Josefine, ikaw ang mother ng bata at sa edad n'ya sigurado tayong mananalo tayo sa kaso, lakasan mo lang ang loob mo at wag padalos dalos, nasa side natin ang batas" naghiwalay na ang dalawa paglabas ng supreme court building.
"Surprise!"
Nagulat s'ya ng makita si Charles sa kanyang harapan. Lumapit ito sa kanya para bigyan s'ya ng yakap.
"What are you doing here?"
"What a silly question? Ayaw mo ba nandito na ako?" parang nagtatampong sabi ni Charles.
"Of course, hindi ka manlang kasi nagpasabi"
"Surpresa nga eh, alam ni tita Susan, i just told her not to tell you so i can surprise you"
"Ikaw talaga, kailan ka pa natuto nun?"
"Since we met in the US"
Napangiti na lang si Nica, kinikilig siya sa ka-sweet-an na ipinapakita ng binata para sa kanya. Niyaya siya nitong kumain sa labas, dahil medyo na stress siya kanina pumayag na s'ya para magrelax, anyway wala naman dahilan para tangihan niya ito.
Dinala s'ya nito sa isang Spa salon. Matagal na din s'yang hindi nakakapagpa-body massage since ng umuwi sila ng Pilipinas, natutuwa s'ya kay Charles dahil alam nito ang kahinaan n'ya.
"When I was in high school, madalas ako isama ng mom ko dito" ani Charles, nalaman din niyang regular costumer dito ang mga magulang ng binata, at family friend nito ang mismo nagmamanage ng Spa.
"I think matutuwa si mama kapag dinala ko s'ya dito"
"Too late sweety, Tita Susan been here already, inihatid ko pa lang s'ya sa house nyo few minutes ago, bago kita sinundo kanina"
Nica feel pissed a bit to him. Para bang set na lahat bago pa n'ya maisipan gawin. Ito ang ayaw n'ya dito, gumagawa agad ng mga disisyon na hindi sa kanya ikinu-consult muna. After relaxing, sandaling iniwan ni Nica ang binata dahil mahimbing pa itong natutulog habang nakasalang sa oil massage bed.
Habang nagreretouch narinig niyang may isang lalake na nakatayo sa kabila ng manipis na kurtinang yari sa shells. Hindi n'ya gustong makinig, pero sapat ang lakas ng boses para malinaw na marinig niya ang mga sinasabi ng lalake.
"No Attorney, ayokong mapunta sa walang kwentang ina n'ya ang anak ko"
"So don't give me negative news bout the case"
"Kinuha kita para sa kaso ng bata because i know na mahusay kang abogado"
"Wag mo akong bibiguin Attorney Verin"
Biglang kinabahan si Nica. Kilala niya ang kausap ng lalake, so ibig sabihin ang taong ito ang ama ng client n'ya? Mali kung kakausapin niya ang lalake, against the law kung gagawa s'ya ng hakbang para komprontahin ang taong ito. Sinasabi kasi nitong hindi karapat dapat na mapunta ang bata sa pangangalaga ng sarili nitong ina. Isa pa may pamilya na ito at ang dapat na gawin lang nito ay ang suportahan ang anak. Hindi para angkinin at itago sa taong nagdala dito hangang sa pagsilang.
Tumalikod kaagad si Nica nang lumabas ang lalake, kasama ang isang babae na naka-robe at ang lalake naman ay nakatapis ng tuwalya.
"Wag kanamagalit honey, mananaloangkason'yo, trust me" lambing ng babae na may landi sa bawat salita nito.
Humarap si Nica, just to surprise ng makita ang lantarang paghahalikan ng dalawa. Kasabay ng pagkagulat ang gulat ng makilala kung sino ang lalakeng iyon. Akala n'ya ay kaboses lang pero naconfirm n'yang si Matty iyon.
"Matty?"
Bumitiw ang dalawa sa mainit na eksenang iyon, galit na galit ang babaeng kasama ni Matty, naiskandalo dahil ang akala ng dalawa ay sila lang ang taong naroroon. Tulad ng pagkagulat ni Nica, gulat na gulat din ang lalake. Humakbang ito palapit sa dalaga, pero kaagad na umalis si Nica na tila diring diri sa nakita.
"Wait! Monica!" pigil ng binata, pero hindi nagpahawak manlang si Nica tuloy tuloy na umalis sa lugar na iyon. Isa pa humarang na rin ang babaeng kasama nito.
Hindi inaasahan ni Nica ang pagkikita nila ni Matty, magkukrus nalang din ang landas nila bakit sa ganitong lugar pa? At may kasama pa itong babae na kung makalandi ay parang nagtatrabaho lang sa mga night club? Ganoon na ba ka-cheap si Matty ngayon? Bumalik ang kirot sa puso ni Nica, ang sakit na si Matty din ang dahilan. Nalilito s'ya, akala kasi n'ya wala na ang nararamdaman niya para sa binata. Napasandal si Nica sa pader, tutop ang dibdib, hindi pa rin nawawala ang kaba n'ya ng makilala ang lalake, may tumulong luha sa pisngi n'ya, patunay lamang na mahal pa rin n'ya ito hangang ngayon.
"No, hindi dapat ako makitang ganito ni Charles, sigurado magtatanong s'ya sa akin" inayos ni Nica ang sarili, sinikap na kalmahin ang sarili. Mabuti na lang okay na s'ya ng lumabas si Charles sa session nito.
"Hey, kanina pa kita hinihintay, saan ka ba galing?"
"I'm sorry, may phone call kasi ako so i have to leave for awhile" pagsisinungaling ni Nica.
"Okay, tara na?"
"Sure"
Kaagad na din sila lumabas pagkaakit ng nobyo. Hindi na s'ya nagabala pang lumingon ulit sa lugar na yun sa takot na baka makita pa n'ya ang taong kanyang kinakatakutan at iniiwasang makita.
Follow the Next Chapter >>>>>>>
BINABASA MO ANG
Don't Push Me So Hard
RomanceNagunaw ang mundo ni Matty dahil sa break up nila ni Vanessa. Muling nabuo iyon ng makilala niya ang babaeng walang ginawa kundi ang asarin siya, kung mag-Care naman ay sobra sobra. Gusto mo malaman kung sino ito? Basahin ang kanilang kwento.