She looks so pretty with her high waist loosen pants na soft ang tela, with the plain purple dress na off shoulder, malalim ang leeg nito na loosen din ang shoulder to shoulder, kaya masisilip doon ang very seductive clevage ng dalaga. Why she chose to wear this? Hindi niya alam, basta yun lang ang nafeel niyang isuot ng gabing iyon, maybe because to seduce the person who invite her for dinner. Sa tingin niya'y magagawa niya iyon dahil mahilig sa mga flirty women ang lalake, yun ang iniisip niya. Kung yun ang magiging daan para mapapayag itong ibigay ang anak ng kanyang kleyente.
"Your so pretty tonight" papuri ng binata habang pinagbubuksan siya ng pinto para makasakay ng kotse.
"Thank you" hindi alam ni Nica pero gusto niya ang way how he threat her. Natural lang iyon pagpapatay malisya ng dalaga. Isa pa sigurado syang ganoon din ang ginawa nito kay Josefine noong may relasyon pa ang dalawa hangang makuha nito ang gusto at magkaanak, na itinatago na nito ngayon. Ngayon niya masasabing may masamang ugali na itinatago ang lalakeng ito.
Dinala siya nito sa dating restaurant na madalas nitong pagdalahan sa kanya. Magalang ang mga empleyado, in-eskortan pa sila hangang sa pinareserve nilang table for two. Everything is settled, may candle at bulalak sa center ng table, couples na lang ang kulang.
Ipinaghila muna siya ng upuan ng lalake para doon siya umupo, saka pumwesto.
"Thank you"
"So~"
Medyo nagakakailangan pa sila na parang bagong magkakilala. Sa likod ng kanyang utak ay isang plano ang nabuo ng dalaga.
"Go ahead, Matty, alam ko kung ano ang larong ginagawa mo, akala mo pati ako makukuha mo sa mga ganitong klase ng date? I'll prove you wrong, ako ang mananalo at sisiguaradohin kong ako at hindi ikaw"
"Whats behind that sweet smile miss gorgeous?" tanong ni Matty, kanina pa nito pinagmamasadan ang magandang mukha ng ka-date, nagkaroon lang ito ng pintura sa mukha pero hindi pa rin nagbabago ang magandang buka ng mukha nito para sa kanya.
Tumikhim si Nica, para iignore ang biglang paglutang ng utak niya sa kakaisip ng kung anong pinaplano ng lalakeng ito.
"Mr. Francisco~~" umpisa ni Nica para buksan kung ano ba talaga ang ipinunta nila dito.
"Mattew nalang, masyadong formal ang Mr. Francisco, wala tayo sa court or sa office to act like that" pigil ni Mat sa nais umpisahan ng magandang dilag sa harap niya.
"Kung ganoon, ano bang tawag sa dinner na ito kung hindi natin pag-uusapan ang tungkol sa kaso mo at ng kleyente ko?" formal pa ding pahayag ng dalaga.
"Lets call it date then, kalimutan muna natin ang tungkol sa trabaho, masyadong nakaka-stress"
Naiinis na si Nica, lumalabas na ang paglabas nila ng lalake ay labas sa kasong gusto niyang iopen dito, niloloko na ba s'ya ng lalakeng ito? O isa lang paraan para akitin siya nito ng husto, oo dahil unti unti na siyang nadadala sa mga pinagsasabi nito at papuri, na maganda siya and she knows it. Gusto na niyang tumayo to leave that rude man infront of her, para ipahiya ito. Nang akma na siyang tatayo ay pinigilan nito sa kamay ang dalaga. Hinila ni Nica ang kanyang kamay pero hindi nagpatinag ang lalake. Mainit ang kamay nito na nakakapit sa ibabaw ng kamay niya, init na gumapang hangang sa kaibuturan ng kanyang puso, na tumutunaw sa yelong nakabalot dito para gisingin ang pagmamahal na matagal na panahong pinilit kalimutan ng dalaga para sa lalake.
"Please stay Monica" tila nagmamakaawa ang boses ng binata, hindi pa rin nito binibitiwan ang nanlalamig ng palad ng dalaga. Tumayo ito at marahang lumapit sa kinatatayuan ng babae na hindi binibitawan ang kamay. Sobrang lapit na nila sa isa't isa.
Hindi namalayan ni Nica ang paglapit ng binata, dahil napako na siya sa maamong mukha ng gwapong lalake na minsan na niyang hinangaan at pinagpantasyahan. Hawak na nito ang pareho niyang nanginginig at nanlalamig na palad, Naramdaman niya ang pagdikit ng mainit na labi nito sa likod ng kanyang mga kamay.
May orchistra na tumugtog para dagdagan ang napakaromantikong eksenang nagaganap sa pagitan ng dalawang panauhin.
Parang lumilipad sa ulap ang pakiramdam ni Nica habang marahan siyang dinadala ng lalake sa marahang paghakbang nito para isayaw siya sa daloy ng musika. Para siyang nananaginip ng gising, hindi naghihiwalay ang mga mata nila, para siyang nahypnotized. Lets say na ganoon nga ang nangyari.
"Hindi ka pa rin nagbabago, your still beautiful and innocent just like you were before, young and sweet, after all these years, kuteng" bulong ni Matty habang magkayap na sila na sumasabay sa saliw ng musika.
"Kuteng?" tila nagising si Nica sa mahabang pagtulog kasabay ang paghinto ng musika after marinig ang alias na matagal na panahon din niyang itinakwil sa kanyang isip. Kaagad siyang tumikal sa pagkakayakap sa binata, napalitan ng poot ang mga matang dati ay kumikislap sa ligaya habang kasayaw ng binata, masama ang tingin ipinukol niya dito. Pakiramdam niya'y nadaya siya sa laro na ito ang may pakana.
"This is not right, hindi ito tama" may pagbabanta ang mga matang iniwan niya ang lalake na nagtataka, na hindi narin napigilan pa ang papalayong dalaga.
"Monica, don't do this to me kung gusto mong makuha ang bata~" habol ni Matty trying to catch her attention. Huminto sa paghakbang ang dalaga, few meters away, he knows na narinig nito ang kanyang sinabi.
"Then what?" matigas ang mukhang humarap muli si Nica sa lalake, pinipilit na itinatago ang pagkapahiya dito at sa sarili.
"Date with me hangang matapos ang kaso" walang gatol na sabi ni Matty sa kondisyong nais niya mula sa dalaga. Kahit pa natatakot siyang hindi iyon pumayag, dahil alam niyang meron na itong nobyo. Pero handa siyang bawiin ito kahit anong mangyari, nilapitan niya ito "Let me take you home" hinawakan niya ito sa braso, bago pa ito tumanggi sa kanyang gusto, ihahatid na niya ito.
Isa lang ang gusto niyang mapatunayan, na meron pa din itong pagtingin sa kanya. Naramdaman niya iyon habang magkasabay silang sumasayaw sa mabagal na tugtog ng orchstra. Pero pinipigilan ito ng dalaga na ipakita sa kanya.
Follow the Next Chapter >>>>>>>
BINABASA MO ANG
Don't Push Me So Hard
RomanceNagunaw ang mundo ni Matty dahil sa break up nila ni Vanessa. Muling nabuo iyon ng makilala niya ang babaeng walang ginawa kundi ang asarin siya, kung mag-Care naman ay sobra sobra. Gusto mo malaman kung sino ito? Basahin ang kanilang kwento.