Umaga na, gumagapang na sa loob ng kwarto ni Matty ang sinag ng araw, mula sa bintana, nakaturo sa malapit na kama. Mahimbing na natutulog ang dalawang katawang nakalatag sa malambot na kama. Nakatulugan na ni Monica ang pagbabantay sa binata. Dala ng kapaguran at puyat, hindi na nito napansing nakatulog na ito sa tabi ni Matty. Parang siyang anghel na natutulog.
Minulat ni Matty ang nasisilaw niyang mata dahil sa sinag ng araw mula sa bintana. Uminat inat siya at pinakiramdamana ng sarili. Kamuntikan pa niyang madaganan ng braso ang anghel na natutulog sa kanyang tabi. Kinabahan siya na baka nagambala niya ito. Pero wala iyong kakibo kibo. He let her sleep. Hindi niya alam ang nangyari ng nagdaang gabi. Wala na siyang sakit. Narealize niyang si Monica ang nagalaga sa kanya kaya ito naroon. Tinangal niya ang kumot at gulat siya ng wala siyang suot na pang ibaba, akala niya’y half body lang.
“Crap, saan napunta damit ko?” ang tanda kasi niyay may damit siya, at hindi niya matandaang hinubad niya lahat yun.
“Nakita kaya niya ganito hitsura ko?” tanong ni Matt sa sarili. Kaagad siyang tumayo, hila ang kumot at ipinangbalot sa sarili.
Obviously! Malamang Oo! Teka ano bang ginawa ng babaeng ito sa kanya?
Napaika siya, pati sugat niya sa paa nakalimutan niya. Pero hindi na iyon masakit, wala ng pamamaga. Inalagaan nga siya ni Monica. At hindi dapat siya dito magalit.
Umikot siya sa sa kama kunsan nakapwesto si Monica, naabot na kasi ito ng sikat ng araw, isasara niya ang kurtina para hindi ito mainitan.
Tulog na tulog pa din si Monica.
Natuksong pagmasdan ni Matty ang natutulog na anghel. Umupo siya sa tabi nito, nang marahan. Automatikong umangat ang kamay niya para marahang himasin ng likod ng palad niya ang maamong mukha nito.
“Your my angel Monica, of all girls I met, you are different, you’re so special to me, hindi ko hahayaang masira ang pagkakaibigan meron tayo ngayon, dahil hindi ko kakayanin mawala ka sa buhay ko”
Yun ang totoong nararamdaman ni Matty sa anghel na ito, sobrang special ito para sa kanya. At ikinakatakot niyang baka masira yun kung bibigyan niya ng malisya ang lahat ng kabutihan pinapakita nito. Ang pagkukulit nito sa kanya. Kahit pa ramdam na niyang nahuhulog na ang loob nito. Hindi niya nanaisin pang maulit ang nangyari sa kanila ni Vanessa.
Gusto niyang samantalahin ang pagkakahimbing nito para hagkan ang nagaanyayang labi ng natutulog. Pinigilan lang niya ang sarili. Ayaw niyang mag-take advantage.
Want another flash back? Kwento tungkol sa Matty and Vanessa bago naging sila. Hayaan nyo na! ako writer nito eh he he he
Flash Back # 3
Matty and Vanessa are the best of friends from their childhood. They are both in a same age, 17. Ninang ni Vanessa ang parents ni Matty, at dahil doon naging super friends sila, like their parents. Best friend ng mommy ni Vanessa ang Mama ni Matty, at ang Daddy naman nila ay magkumpare.
Two years ago, umuwi ng pinas ang family ni Vanessa from Canada for good ika nga. At sa loob ng two years na lagi silang magkadikit sa lahat ng oras. Isang kakaibang damdamin ang nabuo sa pagitan nila. Bilang lalake, si Matty syempre ang unang nagtapat dito.
Maganda si Vanessa, makinis ang maputi nitong balat dahil laki sa ibang bansa. Matangkad, balingkinitan ang katawan, sexy kung pumorma. Impluwensya na rin doon. Para itong modelo manamit.
Dala na rin ng sobrang pagseselos sa mga lalaking nagtatangkang lumigaw sa kaibigan, naglakas loob ng umamin si Matty, dahil natatakot siyang sa iba ito mapunta.
“Van, may sasabihin sana ako sayo eh”
Nagaalangan pa siya. Kinausap na niya ito ng sarilinan. Nasa ilalim sila ng punong kahoy kunsan doon sila palaging tumatambay kapag walang klase.
“Ano yun? Mauna ka na, may sabihin din kasi sayo eh” ani Vanessa.
Tumikhim muna si Matty, nahihirapan kasi siyang diretsahang aminin dito ang nararamdaman. Sobra siyang naiilang, natatakot na baka magalit ito, na baka tanggihan siya nito.
“Ah Ladies first muna”
“Ano ka ba? Wag ka na mahiya”
“Eh kasi…”
“Ano?”
“Mahal kita” mabilis niyang sabi. Pumikit siya. Ayaw niyang Makita ang magiging reaction nito.
Super sweet na napangiti si Vanessa sa narinig mula sa kaibigan. Actually the feeling is mutual. Iyon din ang gusto niyang sabihin dito. Mabilis din niyang hinalikan sa labi ang nakapikit na gwapong kaibigan.
Nanlalaki ang mga matang nagmulat si Matty. Nakaawang ang mga labi. First kiss niya yun ah! Take note!
“I love you too”
Parang nabato si Matty. Hindi niya inaasahan kasi ang gagawin ng kaibigan. Parang yung nasa commercial sa Jollibee na gulat na gulat pero bakas na bakas sa mukha ang katuwaan.
“Hey? aren’t you gonna say something?” untag ni Vanessa.
“Wuhoooooo!” nagtatalong sigaw ni Matty. Siya na yata ang pinakamasayang lalake sa buong campus.
“Hey! Stop that! You freaking me out”
Tumigil sa pagtalon si Matty. Niyakap niya si Vanessa sa labis na tuwa.
“Baby, hindi mo lang alam kung gaano mo ako pinasaya” ang corny. Pero yan talaga naging tawagan nila.
“I know, I am happy too”
At naging sila nga. Lumipas ang mga buwan na pareho silang hindi nakakalimot sa monthsary nila. Date dito date doon.
Ikinatuwa naman ng mga magulang nila ang malamang nakakaunawaan ang dalawa. Iyon naman ang talaga ang gusto ng mga ito.
“Sigurado ako magaganda at gwapo ang magiging mga apo natin mare” si tita Lucia, moomy ni Vanessa.
“Of course naman mare, pero masyado pa silang mga bata para sa ganyang mga bagay bagay” ani mama Teresa, mother ni Matty.
“Ah oo naman, parang hindi ko lang mahintay na darating ang araw na ikakasal sila at magiging masayang pamilya, tulad natin” ani tita Lucia. Mommy ni Vanessa na may pagkaperfectionist.
“Oo naman, tingnan mo naman sila, mukhang in love na in love sa isa’t isa, hindi malayong mangyari yun” sang ayon ni mama Teresa.
Pinaguusapan ng dalawang ginang ang dalawang anak na masayang ngkukulitan habang nag-iihaw ng barbe cue, sa di kalayuan sa bakuran ng bahay nila Vanessa. Inimbitahan kasi silang magdinner doon.
"Sige na baby, uhmm" nakanguso si Matty. humihingi ng kiss sa girlfriend.
"Ewwww! ayoko nga, may sauce yang nguso mo eh" ilag naman ni Vanessa.
"Sogo no plus! Konono po oko noko ngoso oh, nongongoloy no oko"
Tawa ng tawa si Vanessa sa tono ni Matty dahil nakanguso ito habang sinasabi yun.
"Ay! ayoko nga eh!" ilag nito, kapag aktong ididikit ng boyfriend ang nguso sa pisngi niya.
Paikot silang nag habulan sa frying burner stand.
Ang saya saya nila bilang magkasintahan. At dahil mga bata pa sila lahat ng galaw nila ay bantay bantay ng mga magulang. Hindi pa daw nila pwedeng gawin ang mga bagay na hindi tama sa edad nila. hangga't hindi sila tumutuntong sa tamang edad. Pero kahit ganoon ka-strict ang parents all out support naman ang mga ito sa kanilang relasyon.
Hanggang umabot ng isang taon.
Dalawang taon
Dalawang taon at kalahati...
at sa loob ng dalawang taon at kalahating iyon ay nagumpisa na silang magkaroon ng hindi pagkakaintindihan.
______________________________
Please don't forget to vote and share, follow me for more updates
BINABASA MO ANG
Don't Push Me So Hard
RomanceNagunaw ang mundo ni Matty dahil sa break up nila ni Vanessa. Muling nabuo iyon ng makilala niya ang babaeng walang ginawa kundi ang asarin siya, kung mag-Care naman ay sobra sobra. Gusto mo malaman kung sino ito? Basahin ang kanilang kwento.