Sinubukan habolin at pigilan ni Matty ang babaeng matagal na niyang hinihintay na makausap. Pero nawala na ito sa paningin niya, isa pa pinipigilan sya ng babaeng kasama na nakilala lang niya at nakakwentuhan sa bar noong araw na naghahanap sya ng makakausap. Pero hindi na s'ya nilubayan at grabe na makadikit.
"Hon kilala mo ba yun?" tila nagseselos na tanong ng girl, pero biglang bumait ng makitang galit ang mukha ng gwapong kasama.
Magkadikit ang mga kilay na iniwan niya ang babae, kanina lang ay okay sila nito, pero ngayon naiinis na siyang kasama ito. Mabilis na sumunod ang babae sa dressing room para magbihis na rin.
"Hon wait for me" bitbit ang high heel shoes na humabol sa binata palabas ng salon ang babae.
Naabotan pa ni Matty ang kakaalis lang na kotse na hula niya'y lulan ang dalaga. Kaagad niyang pinaandar ang kotse nya para sundan ang papalayong black honda civic.
"Patricia, stay here, babalikan kita" sigaw niya sa babae bago pa ito makasakay ng kotse. Naiwan naman ang babae na nagmamaktol.
Binuntotan ito ng binata at hindi hiniwalayan. Until tumigil ito sa tapat ng bahay ng dalaga. Nagtagis ang mga buto sa panga ni Matty, ng makitang bumaba ang lalakeng kasama ni Monica, nagyakap pa ito at nagkiss. Umusad ang kotse at wala na si Monica, nakapasok na ito sa loob. Dinampot ni Matty ang cellphone na kanina pa tumutunog.
"Hon where are you? Kanina pa ako naghihintay dito" galit na ang babae.
"I'm on my way" yun lang at pinatay na ni Matty ang telepono, pina-start ang makina ng kotse saka umalis na rin.
Sinikap ni Nica itago ang pangambang nararamdaman, dahil hangang sa mga oras na iyon ay hindi pa rin nawawala ang takot ng makita ang lalakeng dahilan ng kanyang pagpunta ng america. Hangang sa ihatid na sya ni Charles sa bahay para makapagpahinga na. Bumaba sila ng kotse.
"Nag-enjoy ka ba?" hawak ni Charles ang kamay ni Nica at dinala nito sa labi. Pinagdasal ni Nica na sana hindi mapansin ng binata ang panginginig ng mga kamay niya.
"Oo naman, thanks for the threat, narelax ako" she kiss him para itago dito ang pangamba na baka mapansin nito ang hindi na yata niya maitatagong takot, hindi pa kasi s'ya nakaka-move on.
Humikab ang lalake, sign na kailangan na din nitong umalis.
"I think you have to go na, mukhang wala ka pang maayos na pahinga" sabi ni Nica, sa paraang hindi nito mapapansin na itinataboy na niya ito.
"Naisip ko rin yan, sige uuwi na po ako" after nito mag-goodnight kiss sumakay na ito ng kotse para umuwi, pero hinintay muna nitong makapasok ng bahay ang nobya bago tuluyang umalis.
Mula sa bintana ng kwarto, sinundan ng tingin ni Nica ang papalayong kotse ng nobyo, hindi niya binigyan ng pansin ang kotse na kasunod ng kakaalis lang na naghatid sa kanya.
Pabagsak na naupo sa kama ang dalaga. Kinalma ang sarili, apektado pa rin s'ya, at kahit kasama ng dalaga ang nobyo si Matty ang nasa guni guni ng dalaga. Sa utak n'ya napakaraming tanong.
"Kung s'ya ang ama ng batang ipinaglalaban ni Josefine? Ibig sabihin dating may relasyon ang dalawa--" sapantaha ng dalaga. At ayon umano sa kleyente n'ya may pamilya na ang lalake kaya pinipilit nitong ipinaglalaban ang karapatan sa bata. Pero ayaw umano ipakita ni Matty ang kanilang anak dahil para dito ay walang kwentang ina ang babae.
"Napaka-insensitive at selfish" masama ang loob na bulong ni Nica sa sarili habang pinagaaralan ang hawak na kaso. Ang pangamba ng dalaga ay napalitan na ng galit, nakahanap s'ya ng alas para ipaglaban ang karapatan ng kanyang kleyente.
Sa maraming besis na paghaharap nila ng attorney kalabang kampo ay hindi manlang nagpapakita ang lalake. Palaging dahilan ay busy sa trabaho at mas importante pa iyon kaysa harapin ang kanyang kleyente.
Sa ganoong mga patutsada ng kalabang kampo labis s'ya nitong pinag-iinit ng ulo. Hindi matatapos ang kaso kung hindi magpapakita ang mismong ama ng bata, laging representative lang ang nagpapakita, sa sampong besis na ng-hearing sila isang besis o dalawa lang nakasama ang bata at halos ayaw pang pahawakan sa kanyang kleyente.
"Atty. Verin, anong klaseng taon ba ang ama ng batang yan ang ipinaglalaban nyo? Kayo na ang makakapagsabi kung anong klaseng tao s'ya, irresponsable at duwag" habang nasa harap ng pagdidinig ay hindi na nakatiis na sabihin ng dalaga ang kanyang saloobin. Ngayon lang din s'ya bumitaw ng mga ganoong salita sa harap ng kleyente at ng kalaban. Natahimik ang lahat sa sinabi ng dalagang atty. Ang ibig sabihin lang ng mga iyon ay isang paghamon.
"I am sorry Atty. Calayan, sa tuno ng pananalita nyong yan ay labag sa batas lalo na at wala dito ang aking kleyente" anang abogado.
"Atty. pareho lang naman tayo abogado dito, I know the rights and laws na ipinaglalaban, kung gusto ng kleyente na matapos ito ng hindi umaabot sa court of justice, bakit hindi s'ya magpakita? Wala ba s'yang bayag para humarap sa hearing na ito?" for christ sake, nagsasawa na rin siya sa pag mamakaawa ng babaeng kleyente.
Tela nainsultong tumayo ang abogado na naapakan ang ego dahil sa sinabi ng kaharap na abogada.
"Atty., masyadong matalas ang iyong dila, makakarating ito sa aking kleyente" nagbabanta pang sabi ng abogado sa dalaga. Tumalikod na ito upang lisanin ang session hall. Niluwagan nito ang necktie sa kanyang leeg kasunod ang representative ng kanyang client.
"Mas matutuwa ako kung makakarating ito sa kleyente niya ng sa gayon ay humarap na s'ya sa susunod na hearing" taas noong sabi ni Nica sa kleyente na maging ito ay nagulat sa eksena kanina sa session hall.
Follow the Next Chapter >>>>>>
BINABASA MO ANG
Don't Push Me So Hard
Любовные романыNagunaw ang mundo ni Matty dahil sa break up nila ni Vanessa. Muling nabuo iyon ng makilala niya ang babaeng walang ginawa kundi ang asarin siya, kung mag-Care naman ay sobra sobra. Gusto mo malaman kung sino ito? Basahin ang kanilang kwento.