Malaki ang sugat na naiwan sa talampakan ng kawawang si Matty. Kahit sa paglakad nito ay hirap na hirap.
"Dito ka muna Nic, lalabas ako para bumili ng gamot sa botika"
"Ok, don't forget beta dine and gasa para sa sugat ni Sungit"
"Hindi nakailangan, brad isang root beer nalang" kontra ni Matty.
Nahihiwagahan siya sa concern na pinapakita ni Monica. Iba ang ini-expect niyang maririnig dito.
"Paano ka gagaling? Hindi i-epekto ang gamot sayo kung iinum ka ng alak"
"Wow mama ikaw ba yan?"
"Hindi! Doctor ako! Doctor!"
"Ah Doctor na Lawyer"
"Ewan ko sa inyo dalawa, sige aalis na ako para makainom ka na ng antibiotic"
At naiwan na ang dalawa. Na walang oras na hindi nagtatalo. Parang aso at pusa.
"Ayan ok na ang kwarto mo wala ng kalat, mabango na din cr mo, yung lababo ok na rin, kaya dinadaga at iniipis ka dito eh, hindi ka naglilinis"
"Pwede ka na pala eh"
"Pwedeng ano?"
"Pwede ka nang maging room keeper na lawyer! Ha ha ha"
"Tseh! iwan ko sayo sungit! Hindi na nga kita inaasar, ako naman pinagti-tripan mo"
Tawa ng tawa si Matty.
"Mas nakakatuwa ka pala asarin"
Tumago sa likod ng pintuan si Monica, para itago ang pamumula ng pisngi. All this time, she still cares about Matty, at nahihirapan siyang ipakita iyon dito. Simula palang tinuruan na niyang itago ang feelings dito dahil meron itong girlfriend.
Pero ang pagkakaalam niya ngayon ay nagkakalabuan na ang dalawa.
"Kamusta na ngapala kayo ni Vanessa?" out of the blue ay tanong ni Monica.
"Nasa kanila" walang reaction sagot ni Matty.
But deep inside, nagpapanggap lang siyang hindi pa rin apektado sa paghihiwalay nila. Gusto niyang isipin ni Monica na wala silang problema.
"Bakit hindi ba niya alam na naaksidente ka?"
"OA naman? Nabote lang ako kuteng. Ayaw ko abalahin siya dahil busy siya ngayon"
BINABASA MO ANG
Don't Push Me So Hard
DragosteNagunaw ang mundo ni Matty dahil sa break up nila ni Vanessa. Muling nabuo iyon ng makilala niya ang babaeng walang ginawa kundi ang asarin siya, kung mag-Care naman ay sobra sobra. Gusto mo malaman kung sino ito? Basahin ang kanilang kwento.