the revelation - part 2

42 0 0
                                    

Kinaumagahan, nagising si Monica na parang binibiyak sa sakit ang kanyang ulo.

Nakapikit ang mga mata na tinahak ang papuntang banyo.

Hinubad niya ang dress na nakalumatan na niyang hubarin. Wala siyang itinira. Ganoon siya kapag mag isa lang siya sa apartment.

Wala pa naman ang pinsan niya na umattend ng business trip. Solo niya ngayon ang banyo.

Napakainit kasi ng pakiramdam niya. Bukod sa masakit ang ulo niya feeling pa niya may kalan na puno ng baga ang init na nararamdaman.

Kinapa niya ang gripo para punuan ng tubig ang bath tub.

Binuhusan ng liquid soap at pinabula.

Sumakay siya sa bath tub. At inilubog dito ang kanyang kahubaran.

Bahagya siyang nagising sa malamig na tubig. Halos maihi pa siya sa napakalamig na temperatura nito.

Natakpan ng makapal na bula ang magandang hubog na katawan ni Monica.

Pumikit siya para irelax ang sarili pati na ang kanyang isip.

Ngunit bumalik lang sa alaala niya ang nangyari ng nagdaang gabi.

"Mahal na mahal kita, noon pa man, sana nararamdaman mo rin yun!"

"Magpahinga ka na! Bukas makakalimutan din ang lahat! Lasing ka lang!"

"I know you love me too Matty! Bakit si Vanessa? Bakit hindi ako?! Ako na lang mahalin mo"

"Monica hindi pwede ang gusto mo!"

"Pero bakit?! Sinasaktan ka lang niya!"

"Your just like a sister to me"

Mga pagpapalitan nila ni Matty ng mainit na conversation.

"Your just like a sister to me!"

"Your just like a sister to me!"

"Your just like a sister to me!"

Ulit ulit.

Tila isang masamang musika na pumupunit at wumawasak ng puso ni Monica.

Na-LSS siya sa huling paragraph na yun.

Last Sentence Syndrome

"Aaaahhhhhhhhhhhh!!!"

Hindi na niya napigilan ang bugso ng kanyang nararamdamang sakit.

"Tamaaa naa!!"

Sigaw pa niya. Habang mariing tinatakpan ng mga kamay ang magkabilang tainga.

Para siyang nasisiraan.

Nagpapadyak siya. Dahil doon maraming tubig na nagtapunan sa sahig ng banyo.

"Tamaa na! Umalis ka na sa isip ko! Tama na!"

Humihikbi na siya. Basang basa na ng luha ang mga mata.

After ng malakas na pagsigaw, tahimik ng umiiyak si Monica.

Bakit kasi sa buong buhay niya simula ng makilala niya ang lalakeng yun, puro nalang pasakit ang pinagdadaanan niya.

Mas pinili niyang maging boyish sa mata ng maraming tao, para ng sa gayun walang ibang lalake magkagusto sa kanya.

Si Matty lang ang gusto niya, wala siyang ibang mamahalin kundi si Matty lang.

Kaya ng malaman niyang nagkakalabuan na ang binata at ang girlfriend nito,

Sobra niya ikinatuwa. Lagi na niya nakakasama si Matty, dahil madalas itong kasama at kainuman ng pinsan.

Nakakaharotan pa niya, at masaya siya pagmasaya ito.

Don't Push Me So HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon