Charles Affair

39 0 0
                                    

Nakauwi na't lahat magulo pa rin ang utak ni Monica. Hindi siya makapaniwalang napapayag siyang makipagdate ni Matty. "I'll see you soon, I will send you message para alam mo kung kailan kita susunduin" ang huling sinabi ni Matty bago siya nito iniwang parang wala sa sarili. "Lets do a date until the hearing ends" ngayon lang siya gumawa ng ganitong klase ng pakikipag deal, kapalit ng kasong nais niyang ipanalo.

Kasama ni Monica si Charles nang tumunog ang phone niya, tumatawag si Matty.

"Yes?" formal na sagot ng dalaga, busy lang sa paglalaro ng games sa tablet ang katabi.

"Hi Kuteng, labas tayo tonight, may live band sa bar ng tropa ko, manuod tayo"

"Ah, pwede ba ako magsama ng iba?" may pinaplano siya.

"Magsasama ka, sino?"

"S~si Charles, i think you know him already, right?" tumahimik sandali ang kausap, nagisip.

"Okay sige, I'll see you at the bar na lang, bye"

"Bye" lihim na napangiti si Monica, with Charles siguradong makakaiwas na siya sa binata, counted pa din naman sa date yun dahil ito mismo ang naginvite, "Hon, nuod tayo ng live band, you want?"

"Yeah sure, when?" busy pa rin sa nilalarong tanong ni Charles.

"Tonight"

"Sure, game ako d'yan, marami dun boys"

"Charles?"

"Joke lang Honeybunch, halika na shower na tayo, gusto mo sabay tayo?"

Masyado ng nahihiwagaan si Monica sa pagkatao ng nobyo, may napapansin na kasi siya ditong kakaiba sa mga kilos nito. At kapag nagbibiro ito pakiwari niya ay sanay na sanay na ito sa ganoong biro.

Kapwa sila bumaba ng kotse ng nobyo, inalalayan pa siya nito papasok ng bar. Maingay sa loob dahil sa isang singer na kumakanta ng kilalang awitin ngayon. Pangprofessionals ang bar at lahat ng pumapasok dito ay mga may pinagaralan. Inilibot ni Monica ang paningin, may hinahanap siya.

Lumapit sa kanila si Matty, gwapong gwapo sa suot nitong body fit na cyan blue shirts na napapatungan ng black coat na hinayaan lang nitong nakaopen.

"Hi, I am glad you made it" si Monica lang ang kinausap ng binata, dahil ito lang naman talaga ang pakay niya.

"Yup we made it, I'd like you to meet Charles, Matty" introduce ni Monica sa dalawa.

"Hey bro" inabot ni Matty ang kamay ni Charles to shake, medyo nailang ang binata ng bahagyang pinisil ni Charles ang kamay niya. Pisil na may malisya. Alam na nito ang ibig sabihin ng marahang pagpisil na yun. Nagpatay malisya lang binata. Sumunod ang dalawa sa lugar kung saan ito nakapwesto.

"You want something to drink?" tanong ni Matty pagkatapos hayaang makaupo ang dalawang bisita sa stall. Umalis muna si Matty para kumuha ng alak sa bartender.

"Babe, umamin ka nga crush mo sya?" out of the blue ay tanong ni Charles sa dalaga. Nagtataka naman ang mga matang itinuon ni Monica sa katabi. Hinahanap kung may mababakas na selos sa mukha ng nagtatanong. 

"Why are you jealous?" tanong ni Monica ng mabasang may inis sa mukha nito. Hindi na nakasagot ang lalake ng lumapit na si Matty dala ang alak nila.

"I hope you enjoy the night, especially you Monica" sabi ni Matty, hinayaan lang nito ang madilim na tingin na ibinabato ng kasama nitong lalake.

Namula ang pisngi ni Monica ng kindatan pa siya ni Matty, pinapakiramdaman naman niya si Charles kung ano ang magiging reaction nito. Hinihintay niyang may gawin ito to stand na wala ng karapatan pang pormahan ng mayabang na ito ang babaeng kasama. But Charles stills calm, pero masama ang tingin sa lalakeng kaharap.

Nagannounce na ang Radio Jockey at ipinakilala ang bandang tutogtog ng gabi ring iyon. Nagpalakpakan ang lahat ng naroroon, including Monica na hindi na namalayang wala na sa tabi ang kasamang lalake. Nagumpisa nang magplay ng unang set na tugtugin ang banda.

"Gaano mo kakilala ang boyfriend mo Monica?" tanong ni Matty, silang dalawa nalang ang magkasama. Halos idikit na ng binata ang mukha sa tainga ni Nica habang naguusap.

"Almost 3 years na kami magkakilala ni Charles, so I think i know him better, bakit mo naman naitanong?" nagtatakang balik tanong ni Monica, meron ba siyang hindi alam na alam ng taong ito?

"I know its awkward, but how long you been in a relationship with him?"

"1 year and 3 months" sagot nalang ni Monica, kasi pipilitin din naman siya nitong pasagotin kung iignore niya ang mga tanong nito, atleast mabuti ng alam nito ang tungkol sa kanila ni Charles, at para tigilan na rin siya nito.

"Wala ba siya sayong nababangit~~LIke...?"

"Like what?"

"Tulad ng pagkatao niya?"

Naiinis na si Monica sa mga pabiting tanong ng kausap. At nababastos na rin siya dahil iba ang pinuponto nito patungkol sa boyfriend niya.

"Ano bang alam mo sa kanya? Ngayon lang kayo nagkakilala, i know him more than you'll know, huwag mo nga pag-isipan ng kung anu-ano ang boyfriend ko" hindi napigilan ni Monica ang sarili, she had to defend her boyfriend.

"Why your so defensive? Nagtatanong lang ako"

"Stop it Matty, so what kung ano man s'ya wala akong pakialam, mahal ko siya, and you should know that"

"Mahal? Really? Gaano mo siya kamahal? Tulad ba ng pagmamahal mo sa akin dati?"

There you go, nagiging mainit na ang conversation ng dalawa, nakarating na sa nakaraan. Nasaaktan na kasi ang ego ni Matty the way how Nica defend her boyfriend kuno na sa tingin naman niya ay nagpapangap lang na tunay na lalake. Kung mapapatunayan niyang bisex ang ipinakilala nitong boyfriend, magagawa niya itong ilayo dito, upang siya nalang ulit ang mahalin nito tulad ng dati.

Kahit naman si Monica ay nalilito sa nararamdaman para sa boyfriend niya, dahil maging sa pagkatao nito ay nalilito siya. Pero pilit niyang iwinwaksi sa isip ang mga kakatwang ikinikilos ng nobyo kapag magkasama sila, ang pagpilantik ng daliri nito habang may hawak na kubyertos kapag kumakain sila, iniisip niyang dala lang iyon nag pagiging metikoloso ng nobyo. Ngayon kung mapapatunayan ng binata na isa itong gay, bisex or silahis? Hindi siya nakasisiguro kung makakaya niyang tangapin iyon.

Walang sabi sabi na hinila ni Matty sa kamay ang dalaga, dinala siya nito sa mens room. Tumigil sila sa likod ng pintuan, hindi sila pumasok, sinukat lang ni Matty ang dalaga.

"Bakit mo ako dinala dito?" kinakabahan siya.

"I just wanted to know kung gaano mo kamahal ang boyfriend mo" binuksan ni Matty ang pinto, hindi iyon nakalock.

At tumambad ang dalawang lalake na naghahalikan, kapwa walang damit na pang-itaas. Sa pagkagulat ng dalaga, mabilis na umikot ang sikmura niya. Hindi siya makapaniwala sa nasaksihan. Nagmamadali siyang humanap ng lababo sa ladies room, dahil naramdaman niyang lalabas na ang laman ng kanyang sikmura. Si Charles? Paanong nasikmura nito na halikan siya gayong halos lunukin na nito ang lalakeng kahalikan nito?

Follow the Next Chapter >>>>>

Don't Push Me So HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon