No more tears to cry

36 1 0
                                    

Umaga, sikat na ang haring araw. Bugnot na bugnot si Monica, ayaw ng katawan niyang kumilos para bumangon at maghilamos para bumaba ng kwarto upang saluhan sa agahan ang ina, naghanda daw ito ng favorite breakfast ng dalaga. Patamad na kinuha ang cellphone sa ilalim ng kanyang unan habang nakadapa sa malambot niyang mahabang unan. Pataub na ibinaba ng dalaga ang hawak na cellphone ng makita ang 60 missed calls na nakaregister sa calls log, at 30 unread messages, lahat ng iyon ay pangalan ni Charles. Isa lang sa 30 messages na iyon ang binasa niya "Nics lets talk" at patamad na uling bumalik sa pagtulog. Ayaw niya ng stress ngayon, kahit text ni Matty ay ayaw niyang basahin. Sobrang bitter niya today.

"Nak, halika na, nakahanda na ang breakfast!" narinig niyang tawag ni Tita Susan sa kanya. Wala pa rin siyang balak bumangon, sa pagkakataong ganito gusto niyang mainis sa mama niya, masyadong wrong timing, nageemote pa siya eh. Gusto pa niyang mag-in-in sa malambot niyang kama.

Kahit ayaw niya ng maalala ang mga nangyari sumasagi pa rin sa pasaway niyang isip, si Charles at ang kalaguyo nito. Naginit na naman ang sintido n'ya gusto na naman niyang umiyak ngunit tuyo, walang luha at sumasakit lang ang ulo n'ya kung pipilitin pa n'yang lumuha, marahil dala ng labis na pag-iyak ng dalaga ng nagdaang gabi. Napagod na din s'ya, gumuhit ang kirot sa kanyang sintido na tila may kung anong bagay na bumabaon.

"Enough Nica, move on" utos n'ya sa sarili, habang hinihilot ang sariling noo. Bumangon s'ya at humarap sa salamin "Wag mo sayangin ang oras mo sa pag-iisip ng walang kakwenta kwentang bagay, isipin mo na isa lamang yun bangungot" umaliwalas ang mukha ni Monica, pinagmamasdan ang sarili sa harap ng salamin "Sa ganda mong yan? Marami pang magkakandarapa sayo para ligawan ka" nakangiti na s'ya ng hilaw, maya maya ay biglang tumigas ang aura ng mukha n'ya "Si Matty dapat s'yang magpaliwanag"

Humahangos na lumapit sa ginang ang katulong na si yaya De, inatasan ito ng ginang na tawagin ang anak upang pababain na at kumain.

"Ma'm... m'am... si-si miss Nica po nagsasalita mag-isa, tapos bigla umiiyak at tumatawa, tapos bigla nadinig ko galit na" habang humihingal na sumbong ng hintakot na katulong.

Dagling tumayo ang ginang sa pagkakaupo sa harap ng lamesa. Umakyat. Kumatok sa pinto bago pumasok ng kwarto ng anak, nagaalala ito dahil nadinig na nagsasalita nga dalaga.

"Nak? Sinong kausap mo?"

"Ma?"

"Nak, kung kailangan mo ng kausap dito lang ang mama" naiiyak na lumapit sa anak ang ginang at niyakap ito mula sa likoran ng dalaga, paharap sa salamin.

Napatawa si Monica sa ina, "Ma" pagod na rin naman siyang umiyak sa harap nito kaya kahit ikwento pa niya ang pinagdaraanan nailabas na niya lahat kagabi pa "Ma, I'm okay"

"No anak, makikinig ako, ano bang nangyari kagabi ha anak?" suyo ng ginang pinipilit papanatagin ang kalooban, maybe late na siya para sa drama ng anak pero handa pa rin itong makinig.

Sukol na si Monica, at hindi na rin lingid sa kaalaman niya na naikwento na dito ni Matty ang nangyari.

"Ma bakla si Charles" malungkot na sumbong ni Monica sa ina, pero wala ng luhang lumalabas sa mata niya, kung pipilitin man niya baka dugo na ang lumabas sa kanyang mata. Nagulat si Tita Susan, ngunit sandali lang iyon.

"Sinasabi ko na nga ba eh" palatak ng ginang.

Naksimangot na humarap si Monica sa ina para kumpermahin kung alam din ng ina ang tungkol doon, para magkomento ito ng ganoon lang.

"Ma, you know about that?"

"Sa states pa lang nak, hinayaan ko nalang kasi nakikita ko masaya ka kapag magkasama kayo"

"Well not for long ma, nakita ko siya last night sa bar ni Matty, may kahalikan siyang kapwa niya lalake" dumungaw muli ang galit sa mukha ng dalaga while telling everything to her mom. Maging ang ginang ay hindi makapaniwala.

"Susmaryosep" nag sign of cross pa ito, hindi nito inaasahan maririnig ang ganoong bagay ay magagawa ng dating nobyo ng anak.

"Maybe, kasalanan ko rin, i saw the signs pero pinapagalitan ko lang siya at sinasabi ko sa kanya na hindi sa kanya bagay, at ayaw ko sa bisexual friend" naliliwanagan na rin sa sariling sabi ni Monica, but it takes time bago niya magawang kausapin ulit ang lalake para sabihin dito na napatawad na niya ito ngayon pa lang. Hindi pa rin maalis ang katotohanan niloko pa rin siya nito.

Napansin ni Tita susan ang madalas na paghawak sa noo ni Monica. Saka nito pinilit yayain kumain na ang anak dahil baka nalipasan na ito ng pagkain, bago pa umatake at lumala ang mind grain nito, pumayag na rin ito at bumaba magksama ang mag-ina para kumain ng agahan.

Follow the Next Chapter >>>>>

Don't Push Me So HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon