Tapos na mag-impake ni Monica. Huli n'ya inilagay sa maleta ang photo frame.
"This time babawi ako sa'yo dad" pangako n'ya sa ama.
Ngayon handa na s'ya kalimutan ang binata. Ang pagpunta lang ng america ang tanging paraan.
Hinihintay na lang n'ya dumating ang kuya Joey para makapag paalam s'ya dito ng personal.
Pero hindi daw ito makakauwi.
"Oh ganda, saan ang punta? Bihis na bihis ka?" Tanong ni aling kunching.
"Aalis ka?" Tanong ulit ng mapansin ang maleta sa labas ng pintuan.
"Opo Manang, pupunta na po ako ng America"
"Naku, alam na ba ng pinsan mo na aalis ka na ngayon?" Nalungkot ang ale sa nalaman.
"Alam na po, katunayan ibinilin n'ya na sa in'yo ko raw po iwan ang susi ng apartment" at ibinigay ni Monica ang susi.
"Ang tagal mo din nanirahan dito, parang anak na din kita ganda, malulungkot ako" hindi napigilan ng ale ang damdamin.
Niyakap ito ni Monica. Naramdaman n'ya dito ang ina. Parang nanay na rin kasi nila ito ng pinsan.
"Wag po kayo mag-alala hindi ko po kayo makakalimutan kahit nasa Amerika na ako" pangako ni Monica.
Tumalikod na s'ya bago pa tumagal ang drama sa pagitan nila.
"Mag-iingat ka doon anak" pahabol bilin ng Ale.
Habang lumalakad s'ya sa hall way. Tumigil s'ya sa ika'tlong pinto, mula sa kwarto ng pinsan.
Parang may nagsasabi sa kanyang tumigil doon. At kumatok sa pinto.
"Monica ano ba ginagawa mo?" Tanong ng boses sa sulok ng utak n'ya.
Sakto ng biglang bumukas ang pinto.
Si Matty.
Magulo pa ang buhok, naka pajama lang at puting sando. Mahahaba na ang bigote at balbas. Halatang hindi na nagaahit ng isang buwan. Para itong arabu. Pero gwapo pa rin.
Gulat ito ng makita si Monica.
Pareho silang walang masabi sa pagkikitang iyon.
One month na nga pala ang nakakaraan.
At ngayon na lang ulit sila nagkita.
Bumaba ang mata ni Matty sa maleta na hawak ng dalaga.
"Aalis ka?" Sa wakas ay tanong nito.
Si Monica naman ay hindi makapaniwala sa ayos ng binata. Ang dami n'yang gusto itanong dito. Pero wala s'yang lakas ng loob.
Magkahalong awa at gulat. Dahil nababasa n'ya ang lungkot sa mga mata ng binata. Nadagdagan pa yun ng makita na aalis s'ya.
Ikinagulat n'ya lalo ng bigla s'ya nitong niyakap. At hindi nahiyang ipakita sa kanya ang pag'iyak.
Ramdam n'ya ang bigat na dinadala ng dibdib nito.
"Oh my god, i can't leave him like this, his so helpless" sabi ng isip ni Monica.
Helpless dahil ang hitsura nito'y parang pinagtampuhan ng tadhana.
Hindi n'ya alam ang nangyari. Gusto na n'ya itong tanungin kung bakit ito nagkakaganito.
"Van left me" hindi na hinintay ng binata na isatinig ng dalaga ang nais nitong itanong.
BINABASA MO ANG
Don't Push Me So Hard
RomanceNagunaw ang mundo ni Matty dahil sa break up nila ni Vanessa. Muling nabuo iyon ng makilala niya ang babaeng walang ginawa kundi ang asarin siya, kung mag-Care naman ay sobra sobra. Gusto mo malaman kung sino ito? Basahin ang kanilang kwento.