the end and the beginning

62 1 0
                                    

 

Hindi inaasahan ni Nica ang pagdalo ni Matty sa huling hearing ng paghingi ng custody para sa karapatan bilang ina ng kanyang kleyente, umabot din ng three months ang nasabing pagdinig. Ngayon inaasahan ng dalaga ang pagtupad ng kasunduan na namagitan sa kanila ng lalake. Inaasahan din ng dalaga ang magiging reaction ng kanyang kleyente sa pagkikita nito at ng lalake. Dahil ten months pa lang ang anak ni Josefine natural lamang na dito ito mapupunta.

"Now the case is closed, in favor of Josefine Cruz, thank you gentlemen, ladies, adjurned" pagtatapos ng judge, kinamayan muna nito ang lawyers na naroon, lalo na ang panig ni Nica sa pagkapanalo sa kaso. Nakangiting pinagmamasdan lang ni Nica ang babae na ngayon ay masayang masaya na dahil nasa bisig na nito ang nagiisang anak.

Mula naman sa tatlong lalake na naguusap kabilang si Matty at ng attorney nito, hindi maalis ang mata ng binata sa dalaga na nagaayos ng gamit sa hand bag nito, mababakas ang saya sa labi nito, ngunit salat sa ligaya ang mga mata habang minamasdan ang masayang kleyente. Nginitian niya ito bilang pagbati ng magawi ang pansin nito sa kanya. Ngunit pagkasuklam ang nabasa niya sa mukha nito. Binaliwala niya iyon.

"How dare he, hindi manlang ba nito lalapitan ang mag-ina niya, ganoon na ba kamanhid ng lalakeng ito?" sa isip ni Monica habang madilim ang mukha na iginanti niya sa ngiting ibinigay nito sa kanya. "Pwes tapos na rin ang obligasyon ko sa kanya dahil nakuha ko na ang gusto ko, the date is over" sabi ulit ni Monica sa sarili, tumayo na siya para magpaalam sa babae para sa bagong kleyente na kikitain niya ng araw din na iyon.

"Thank you Atty. Calayan for everything" ani Josefine, karga nito ang anak na nakatulog na sa bisig nito.

"Hes adorable, Ingatan mo siya Josefine" iyon lang ang nasabi ni Nica, hindi niya mapigilan ang maingit dito. Lagi niyang pinagmamasdan ang bata, hinahanap niya kung anong looks ang nakuha nito sa daddy nito, maybe the nose or the lips, the rest are from his mother.

"Napakagwapong bata, he looks like you"

"No he got his look from his father"

Napangunot ang noo ni Nica, nagtatanong ang mga mata. Ang layo naman sa hitsura ng bata ng taong alam niyang ama nito. Noon lumapit si Matty.

"Hi Josie, I'm sorry about Nelson did, i am happy for you, congrats for having your son back" kinamayan nito si Josefine, friendly naman gumanti ang huli sa binata. Pinisil pa nito ang kamay ng natutulog na sanggol saka hinarap si Monica. Nagtatanong ang mga mata nito na nakatitig sa kanya. "Pwede ko bang ihatid ang magandang attorney na nasa harap ko ngayon?" tanong ni Matty sa dalaga.

"Go Atty. I know Mr. Francisco, his a nice person" pagsangayon pa ni Josefine sa binata na boto naman para sa kanilang dalawa.

Overwhelmed si Nica, hindi niya alam ang unang iisipin, para siyang nabunutan ng tinik sa dibdib ng malaman na hindi ang binata ang ama ng anak ni Josefine, magulo pa ang isip niya, kung hindi ito then who? Gusto niyang mainis sa kanyang kleyente, dahil kulang sa detalye ang lahat ng mga nalalaman niya, napakaraming gustong itanong ni Nica sa binata, at dapat lang na hingan niya ito ng paliwanag sa mga nangyayari. Sumama siya dito pagyaya nitong ihahatid na siya sa meeting na pupuntahan niya.

Sa kotse.

"Ok ka lang ba? Alam ko marami kang gustong itanong, hayaan mong sagutin ko lahat yan" habang nagdadrive tanong ni Matty sa magandang babae na nasa tabi niya, clutch lang ang namamagitan sa kanila. Ramdam nito ang nagtatanong nitong mga mata.

"Kung hindi ikaw ang ama ng anak ni Josefine, sino? Di ba't ikaw yun narinig ko sa spa na kausap ni atty. Verin?"

"It wasn't me, ex wife ng pinsan ko si Josefine, inakala ng kuya Nelson na nabaliw si Josie dahil sa panganganak kaya kinuha niya ito para silang magasawa ang kumupkop sa bata, few months ago bumalik si Josie para bawiin ang anak n'ya" mahabang explaination ng binata. Nilingon nito ang katabi kung nakuha nito ang mga sinabi n'ya.

"Kaya pala hindi ka humaharap sa hearing dahil hindi pala ikaw yun" tila nalinawang sabi ni Monica. Pero marami pa rin siyang gustong malaman, hindi naman siya tsismosa pero makakatulong kung magkukwento pa ang lalake sa kanya.

"My cousin is in states with his family so ako pinagasikaso niya about the case of his child, hindi naman niya pinagdadamot ang anak niya kay Josefine, dahil mahal pa rin niya si Josefine" patuloy ni Matty, habang nagmamaneho, pasulyap sulyap lang ito sa dalaga.

"What do you mean? Bakit kailangan humantong sa kasohan kung ibibigay din naman niya ang bata?" nagtatakang tanong ni Monica.

"Dahil inaangkin na ni Bianca yung bata, so Josie had to file a case against them" kampanteng sagot ni Matty, nasa kalsada at pagmamaneho ang attention nito.

Napatango si Monica, "So kaya pala" tingin ni Monica ay sapat ng paliwanag iyon, at least nakatulong pa rin siya sa hangarin kanyang kleyente, napasaya na niya ito kahit pa ang kapalit ay ang makasama ang taong dati na niyang minahal. Nararamdaman na naman niya ang dating feeling kapag kasama niya ito. Which is akala niya ay wala na. Hindi niya rin maintindihan kung bakit nalulungkot siya, sa isiping ito na ang huling pagkakataon na makakasama ito, sa isiping ito na rin ang huling pagkakataon na ihahatid siya nito. Nahulog siya sa ganung pagiisip, at hindi na niya namalayang dinala na siya nito sa isang lugar na hindi niya alam kung saan.

Gabi na ng mga oras na iyon, tahimik ang lugar at may ilang mga toristang dumadaan. Dinig ang hampas ng alon ng dagat sa pampang, kun san sa di kalayuan. Madilim ang paligid, tanging mga spot light lang ang nagbibigay liwanag.

"I'm sorry, dito kita dinala sa halip na sa bahay nyo, sana wag kang magagalit" nagpauna na si Matty bago pa magalit ang dalaga. Dinala niya ito sa del Carmen Beach Resort, kunsan maraming dayuhang pumupunta para ma-experience ang ganda ng lugar.

Tatlong entertainer ang lumapit sa kanila na may dalang lei at isinuot sa kanilang leeg.

"Maligayang pagdating sa del Carmen Beach Resort!" chorus ng tatlong lalake na ang isa ay binabae dahil may landi sa galaw nito.

"This way sir, ma'am" bigay daan ng nagngangalang Jeffrey sa dalawang guest.

"Lets go?" malambing na yakag ni Matty sa kasama, ikinawit pa nito ang kamay sa makurbang bewang ng dalaga, na tila ba isa silang lovers, napasabay nalang dito si Monica.

Napawi ang inis na kanina lamang ay gusto ng sumabog sa dibdib ng dalaga dahil sa mainit na pagtangap ng tatlong crew ng resort na ineskortan pa sila hangang sa bar and grill restaurant na kinabibilangan ng mga ito. Nomik ang dalaga ng mga sandaling iyon, sa hindi niya mawaring dahilan kapag ngumingiti sa kanya ng sobrang tamis ang binata ay gumaganti lang siya dito ng sweet smile dito. Ito rin ang kumakausap sa waiter at kumuha ng order nila. Overwhelm ang pakiramdam ni Monica, isa pa naunahan na siya ng sincere na apology ng binata, hindi na niya makuha pang magalit dito.

Niyaya siya nitong maglakad lakad sa dalampasigan pagkatapos nilang kumain ng dinner. Maraming sinasabi ang lalake pero lahat ng iyon ay hindi tumitimo sa utak ng dalaga. Sa isip niya ay ang familiarisis ng lugar na ito, para bang nakarating na siya dito dati pa, pero ang totoo ay first time lang niya makarating dito. Huminto sila sa kalagitnaan ng buhanginan, malayo sa ilang magkakapareha na naroon din sa lugar na iyon.

Follow the Next Chapter >>>>>>

Don't Push Me So HardTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon