Walang kasing tamis, sabik na sabik ang mga labi ni Monica sa mainit na labi ng lalaking matagal na niyang minamahal. Magkayakap sila habang ninanamnam ang mainit na eksinang iyon.
"Hey, beautiful, what is on your mind right now?" tanong ni Matty, sa nag-i-illusion na dalaga.
Biglang nag "pop" sa ere ang eksinang binuo ni Monica sa kanyang isip nang idinampi ng binata ang hawak na kupetang may laman na red wine upang iabot sa kanya. Tumikhim ang dalaga, bumawi sa pagkahiya sa sariling iniisip na ganoon ang gagawin nila mamaya. Inabot niya ang kupeta.
"Nothing! thanks... so why did you take me here?" sinimsim niya ang wine, sinusubukang huwag magpanic sa ginagawang pagtitig ng binata.
"To celebrate!" casual na sagot ni Matty habang hindi inaalis ang paningin sa dalaga. Para bang namamangha pa rin siya sa ganda ng kaharap niya ngayon.
Nakangunot ang nuo na itinuon ni Monica ang paningin sa kausap. Nagtatanong, but before she made words, natigilan siya ng ngumiti ang binata at lumabas ang kinababaliwan niyang dimples sa kanang pisngi nito.
"Dahil pumayag na ang kapatid ko na ipaubaya ang anak niya sa tunay nitong ina, so obviously? you won the case at iyan ang isini-celebrate natin ngayon" pagbubunyag ni Matty.
"No, actually its not my victory, its Josephine's... But still thanks, na-appreciate ko itong place na pinagdalhan mo sa akin"
Dahil nakaupo lang sila sa buhangin, isang dangkal lang ang pagitan nila paharap sa karagatan, hindi napansin ni Monica na sobrang lapit na nila sa isa't isa ng luminga siya sa binata, nagtama ang mga mata nila, tanging paghampas lang ng alon ang maririnig sa nabuong katahimikan sa pagitan nilang dalawa.
Si Matty na ang nagdugtong ng gahiblang pagitan ng mga labi nila, he kissed her tenderly. Pero sinubukan tumanggi ng dalaga kahit sinasabi ng puso niyang huwag pigilin ang binata.
"W-what are you doing?" pabulong na tanong ni Monica.
"I just... missed you" sinserong bulong tugon ni Matty taliwas sa dapat ay sagot sa tanong ng dalaga. Muling inangkin ni Matty ang labi nito, then naramdaman niyang hindi na ito tumanggi pa sa halip ay gumanti na rin ng halik.
May pananabik katulad niya.
Hindi na alam ni Monica ang mga sumunod pang mga pangyayari, basta sumusunod nalang siya sa bawat naisin ng binata. Ito ngayon ang kanyang hari at siya ay isa lamang aliping sumusunod sa bawat utos nito.
Nakakahibang ang karisma na meron ang binata, noon pa man ay pinagpapantasyhan na niya ito, teenager pa lamang siya. Ngunit ngayon nahubog na siya ng panahon, ganap na siyang dalaga. At kapag kasama niya ito, bawat pangarap niya ay nabubuo, unti-unting natutupad. Kapag kapiling niya ito'y mas lalong umiigting ang pagkagusto niyang makasama pa ito, hindi lang ngayon, hindi lang sa mga nakaw na sandaling katulad nito...
...Kundi sa panghabang buhay.
Ginising ng malakas na tunog mula sa cellphone si Monica. Patamad na hinagilap ang cellphone sa ibabaw ng side table malapit sa kinahihigaan niyang bahagi ng malambot na kama. Naniningkit ang mga mata na pilit na tinignan kung sino ang caller.
Si Sheila, ang kanyang assistant.
"Hello ma'm, nasaan ho kayo? Kanina ka pa ho hinihintay ni Atty. Sebastian dito sa opisina, may usapan daw ho kayo" ang kaagad na bungad ng kanyang assistant.
Kaagad na nagising ng tuluyan ang diwa ni ng dalaga, natututop ang sariling noo, meron nga pala siyang kausap ngayon araw. Bakit hindi niya naalala kagabi. Sinulyapan niya ang bahagya pang humihilik na masarap pa ang tulog habang nakadantay ang mga braso sa kanyang tiyan.
"Hello ma'm anjan pa ho ba kayo? Ano ho sasabihin ko kay Atty. Sebastian?" Ungkad muli ng assistant sa bumabawi palang na dalaga.
"Y-yeah, just tell him i'd be right there, sa cafeteria na lang kamo kami magkita, matatagalan lang ako ng ilang minuto" honestly hindi alam ni Monica kung gaano kalayo ang pinagdalhan sa kanya ng lalaking katabi niya ngayon.
Nag-iwan nalang siya ng notes sa table para sa binata.
"Good morning! I'll see you later?.. love Nics" ang sabi niya sa notes.
"Excuse me, how long it takes to get to Manila from here?" tanong niya sa receptionist.
"Two hours ma'm..." sabi ng receptionist na nais pa sanang ipaliwanag kung bakit ganoon katagal ang byahe galing sa resort pabalik ng maynila.
"Thank you, I'm sorry but i have to go now, take this" pagkatapos mag iwan ng tip ay iniwan na niya ang receptionist.
"Thank you ma'm, come again!" pahabol ng receptionist, masayang masaya sa tip na natanggap mula sa magandang guest.
Nagmamadali na siya pumunta sa malapit na terminal pabalik ng maynila, alam niya mahihirapan siya dahil wala siyang kotse. Kailangan niyang makipagsiksikan sa mini bus para lang makabalik ng lungsod.
Aminado siyang nag-enjoy siya kasama ang taong mahal niya, ngunit parang nais niyang magsisi dahil ito siya ngayon.Nakatayo, dahil puno na ng pasahero, tila wala pang nais magbigay magpaka-gentleman para paupuin siya, nagtitiis sa halo-halong amoy ng iba't ibang tao, isama na ang usok galing sa tambutso ng sinasakyang mini bus at ang umuusok ng goma ng gulong nito. Tila magkakahika yata siya sa ganoong environment, katulad niya may ilan din tinitiis ang ganoong hangin, ang iba naman ay immune na. Bukod doon ay maingay pa, sabayan pa ng panay na busina ng kotse na gusto yatang umoberteyk ngunit ayaw naman magbigay ng driver ng mini bus.
Biglang tumigil ang bus dahilan ng bahagyang pagkawala ng balanse ng mga pasaherong nakatayo, kabilang si Monica.
"Ayy!"
"Ano ba mama hinay-hinay naman kayo sa pagpreno!" sigaw ng isang ale.
"Pasyensya na, may kupal kasi humarang sa daan, porke maganda ang kotse ay naghuhurumintado! Magpapakamatay yata!" ang sagot ng driver ng bus na mainit na rin ang ulo.
Gusto umusyoso ni Monica pero naiipit siya sa gitna ng maraming pasahero. Hindi niya ugali manuod ng live na away kalye, ngunit nais niyang masino ang tinutukoy ng nagagalit ng driver ng bus. Bumaba iyon at hinarap ang may ari ng kotse humarang sa daan.
"Hoy tarantado ka! Umalis ka sa daan hindi mo ito pag-aari pang publiko ito! Hari ka ba ng kalsadang ito?" tunong basagulero na sigaw ng driver sa lalaking lumabas ng ford na kotse, mamahalin.
"Manong, kanina ko pa kayo binubusinahan para patigilin pero hindi niyo ako iniintindi bagkus binilisan nyo pa ang pagmamaneho, may hinahabol lang ako tao na nakasakay sa bus na yan" may bigat din sa boses ng lalake.
Malayo si Monica ngunit naririnig niya ang palitan ng salita ng dalawang lalake.
"My gosh! Bakit ngayon pa! Kung kailan nagmamadali ako! Ano ba naman kamalasan 'to" naghihimutok na sigaw ng isip ni Monica. Panay ang tingin niya sa kanyang wrist watch na casio.
Galit na din ang ibang pasahero, naiinip na.
"Hoy pogi! Padaanin mo na kami malileyt na kami sa pupuntahan!"
"Bwisit na buhay to oh! Sino ba hinahanap mo? Tawagin mo na!" kakamot-kamot sa ulong walang nagawa sabi ng driver.
"Salamat brad" umakyat ng bus si Matt para tingnan kung naroon nga ang kanyang hinahanap.
Ngunit wala.
Salamat po sa pagsubaybay ^_^ Pasyensya na po matagal bago nasundan ang karugtong naging abala lang po sa school at kailangan magpokus sa pag-aaral.
BINABASA MO ANG
Don't Push Me So Hard
RomanceNagunaw ang mundo ni Matty dahil sa break up nila ni Vanessa. Muling nabuo iyon ng makilala niya ang babaeng walang ginawa kundi ang asarin siya, kung mag-Care naman ay sobra sobra. Gusto mo malaman kung sino ito? Basahin ang kanilang kwento.