Chapter 2

12 0 0
                                    

Spoiled Brat

Ang pangalan ko ay nabuo sa pinagsamang pangalan ng magulang ko. Allicia at Wilson kaya Allison ang naging pangalan ko. Allison Layne A. Salazar. Halos itakwil ko na nga ang apelyido ni Dad dahil nakakapang init ng ulo pag naaalala ko lang lahat ng ginawa nya.

"You're so maaga...Maliligo pa lang ako..." maarte kong sabi kay Weston.

Seven o'clock in the morning ang start ng klase namin pero five in the morning ay narito na sya. Natulog ba toh?!

"Baka ma-late na naman kasi tayo..." ngumisi sya sa akin.

"Gusto ko magpa-late ngayon, Weston kaya kung gusto mo ay mauna ka na dahil kakain pa ako ng breakfast sa fastfood chain..." umirap ako at pumasok nasa loob ng kwarto ko para maligo. Pagpasok ko sa bathroom ay inaantok pa rin ako...

I took a cold shower para magising ang buong diwa ko. After that nagbihis na ako ng school uniform ko na light blue skirt at white blouse na may light blue neck tie. I blow dried my hair at hinati sa gitna at saka nilagyan ang magkabilang gilid ng hair clip. Hinayaan ko lang na malaglag sa aking noo ang aking see-through bangs.

My phone beeped. I saw Rorelin messaged me.

Rorelin:

Nasa gate na ako ng bahay nyo. Labas na dali!

Nitext ko kahapon pa si Weston na wag nya akong daanan dahil sabay kami ni Rorelin papasok. Ayaw ko kasing lagi na lang nala-late si Weston kaya si Rorelin na lang tutal laging late din ang bruhang ito. Kaklase rin namin ni Weston itong si Rorelin at best friend ko rin.

Nagtipa ako ng reply.

Ako:

Okay... I'm coming...

Lumabas na ako ng kwarto at pagbaba ko ay naabutan ko si Dad sa sala. Nakaupo sa sofa habang may hawak na dyaryo at may kape sa maliit na mesa. Nag iwas ako ng tingin at dumiretso na lang sa paglabas.

"Good morning, Alli... Di ka ba muna kakain ng almusal mo? Nagpaluto ako kay Manang Rosa. Halika kumain na tayo..." ngiti nyang sabi na para bang walang nangyaring di maganda kagabi.

"Wala kong gana..." saad ko at tuluyan ng umalis.

Narito kami ni Rorelin sa Mcdo kakain ng breakfast. Minsan sya ang kasama ko rito minsan naman ay si Weston.

"One pepper steak with drinks for dine in. Iced tea yung drinks." ani ko sa babae.

"One crispy chicken fillet ala king with drinks and fries for dine in. Iced tea rin yung drinks." saad naman ni Rorelin.

"Alli, Puno lahat ng table paano yan saan tayo kakain?" si Rorelin.

"Makikishare na lang tayo, Rors..." ngumisi ako sa kanya.

"What? Ayoko!" angal nya.

"Syempre roon tayo sa nag iisang lang kumain. Wag ka ng mag inarte kung gusto mo sa labas ka kumain." humalakhak ako.

Ako ang nagdala ng pagkain namin habang naghahanap ng mauupuan. Nakakita naman ako agad isang table na apat ang upuan pero isa lang ang nakaupo roon na kumakain.

"Excuse me Mister... Pwede makiupo rito? Dalawa lang kami? If you don't mind..." tumingin ako sa lalaking nakablack round shirt, black ripped jeans, white rubber shoes at naka-black cap. May face mask rin itong kulay itim na nagtatakip mula ilong hanggang bibig nya.

Tumango lang sya. Tapos na sya kumain at tanging Iced coffee na lang nya ang iinumin nya. Tinaas nya ng konti ang mask at saka pinasok ang straw sa bibig para uminom. He looks familiar.

Too Young to Love You (Young Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon