Meron
Napatingin ako sa kanya. Nakahalukipkip sya at diretso ang tingin sa akin. Tumaas ang isang kilay ko. Pahumble pa ito ayaw pa aminin na bakla sya. Marami na akong naging kaibigan na ganyan noh!
He's good looking. His face was well-proportioned. Makapanlaglag panty ang malamig nyang tingin. Ang mapupula nyang labi ay nag isang linya. Halata na di gaanong palangiti ang lalaking ito. Malalim ang kanyang mga mata at seryoso. Tama lang ang tangos ng ilong at ang kapal ng kilay nya. His sharp jawline. He also has broad shoulders and tall structure. He's damn perfect! His brown eyes look at me intently.
"Sino?" sarkastikong tanong ko at nagpalinga-linga pa ko kunwari hinahanap 'yong kung sinong bakla.
"Pagpasensyahan nyo na po yang si Ms. Salazar, Mr. Dela Vega... Napakapilyo po talaga nyang batang yan..." nakangiting saad ni Ma'am Rodriguez at saka bumaling sa akin.
Inayos ko ang pagkakahawak ko sa shoulder bag ko at umirap.
"Ms. Salazar, Come here... May papagawa ko sayo..." tawag ni Ma'am Rodriguez.
"Lagot ka tuloy ngayon... Bakla pa ah!" nakataray na sabi ng isang babae.
I looked at her from head to foot. Ningitian ko sya ng nakakainsulto.
"I think kahit na bakla sya di sya papatol sa isang probinsyana..." laglag ang panga nya sa sinabi ko at halos umusok ang ilong sa galit.
Humalakhak ako bago lumapit kay Ma'am Rodriguez.
"I-tour mo si Mr. Dela Vega sa buong campus..." she said.
"What!? Bakit ako? Ayoko po!" angal ko.
"That's your punishment, Alli. Late ka kanina diba? So ilibot mo na si Mr. Dela Vega ng magkaroon kayo ng closure dahil yan ang papalit sa akin bilang teacher nyo sa math..." she smiled at me widely.
"Fine!" bumaling ako sa bago naming teacher na nasabihan ko ng bakla kanina.
"Good afternoon, Sir Dela Vega! Let's go before it's getting mainit..." maarte kong sabi sabay paypay sarili gamit ang aking kamay.
Malamig itong bumaling sa akin at saka tumango. Lumabas ako ng faculty at sumunod naman sya. Tilian naman ang mga haliparot na estudyante halos makita ko na ang ngala-ngala nila.
"Let's start here tutal narito naman din tayo sa third floor..." maarte ang pagkakasabi. Bumaling ako sa kanya at umangat ang gilid ng kanyang labi.
"Okay. If that's what you want..." kalmado nyang sabi. Ang pogi pati ng boses. Shit!
"Dito yung mga rooms ng mga Grade 8 hanggang doon yan sa dulo... Tapos doon naman sa kabila ay rooms ng mga Grade 7..." tinuro ko sa kanya.
"Doon ang faculty ng mga ESP teachers..." turo ko naman. Tumango lang sya.
Bumaba kami sa second floor at halos mabali ang mga leeg mg mga estudyanteng tumitingin sa kanya. Halos di na nga nila ko mapansin na kasama ko sya.
"Dito ang classrooms for T.L.E subject. Tapos yan ang cafeteria. May canteen din sa baba..." marahan syang tumango.
Naglakad kami patungo sa dulo ng hagdanan.
"Iyan yung library at iyang katabi nyang room ay mga SPED ang nariyan. Itong building naman na ito ay classrooms for MAPEH subject. Tatlong building kasi ang mayroon dito. Yung sa pinakadulo roon ay building para sa mga nursery at kindergarten kaso wala ng ganoon kaya naging building iyon para sa T.L.E subject ng mga babae lang..." nakakapagod maging tour guide ah.
Bumaba naman kami at may biglang lumapit sa aking estudyanteng lalaki kaya pareho kaming napatigil.
"Allison pwede bang manligaw?" tanong ng namumulang lalaki sa harap ko habang kinakantyawan ng mga kaklase nya sa likod.
BINABASA MO ANG
Too Young to Love You (Young Love Series #1)
Novela JuvenilAllison Layne Salazar came from a well-known family. She's spoiled and rich but she's not happy because her dad is having an affair with someone she doesn't know. Kaya gano'n na lang ang galit niya para sa kaniyang ama. She started to have a boyfrie...