Bakla
"Alli! Make it fast!" sigaw ni Weston sa akin.
Late na naman kasi kami sa first subject namin dahil kumain muna kami sa malapit na fast food dito sa school. Niyaya ko kasi siya dahil di ako nakakain ng breakfast sa bahay. Pag gising ko kasi ay away na naman agad nila Mom and Dad ang narinig ko. Sanay na ako rito dahil halos walang araw na hindi umiiyak si mommy. Alam ko naman na ang dahilan ng pinag aawayan nila kahit pilit nilang tinatago ito sa akin. Si Dad ay matagal ng may kinakasamang ibang babae kaya madalas ay wala siyang oras para sa amin. Pilit na lang na pinakikisamahan ni Mommy si Daddy dahil siguro sa akin at dahil ayaw niyang masira ang pamilyang noon pa man ay masaya at nagmamahalan na ngunit ngayon ay puro sakit at lungkot na ang nararamdaman sa isa't isa.
Galit ako kay daddy dahil sinaktan niya ang damdamin ni mommy. He's not faithful to her wife. He cheated. Kaya naman simula ng malaman ko iyon ay halos mandiri na kong makatabi o makausap man lang si daddy. Di ko kayang sikmurain ang harap harapan niyang panloloko sa amin. Kaya habang tumatagal ay mas lalo kong kinamumuhian si Daddy. Sinisira niya ang relasyon naming pamilya.
"Wait lang! It's okay to be late than to be absent Weston! I'm still eating oh!" maarte kong angal.
Weston Lopez is my friend and my neighbor also. Madalas kaming sabay pumasok kaya di na ako hinahatid pa ng kotse namin dahil kay Weston na ko sumasakay at lagi rin naman nya kong dinadaanan sa bahay. Si Weston ang saksi sa kalungkutan at kasiyahan na nararanasan ko sa aking buhay. Lagi syang nasa tabi sa oras na malungkot ako at may problema. He always make me feel better.
Minsan ay napagkakamalan kaming may relasyon na dahil lagi kaming magkasama dahil na rin siguro sa magkaklase kami.
"Mapapagalitan na naman tayo ni Ma'am Rodriguez nyan..." bumuntong hininga sya sa harap ko at seryoso kong sinulyapan.
He sipped on his Iced coffee while I'm eating my burger and fries. Well, I can't blame him dahil with honors sya at kailangan nyang mapanatili iyon. Maganda ang mga grado ni Weston sa lahat ng subjects nya hindi lang basta maganda kung di ay mataas talaga samantalang sa akin ay pasang awa pa. I really don't care dahil nawalan na ako ng gana magseryoso pa sa pag aaral kung ganito lang naman din ang nagaganap palagi sa buhay. Mayaman ka nga pero di naman mayaman sa saya kasama ang buong pamilya.
"Di ka na ba nasanay? Don't tell me natatakot ka sa matandang 'yon?" I raised my left brow.
Matalim nya kong sinulyapan. Ngumisi na lamang ako sa reaksyon nya.
He's nice looking. His wide hairline, sharp jawline, thin lips, narrow nose, wide eyes and fair skin. He looks smooth for me.
"She's our teacher, Alli... So you must call her Ma'am not matanda... Bad..." aniya at umiiling pa.
"Whatever..." I rolled my eyes.
Nang natapos ako kumain ay halos hilahin ako ni Weston papasok ng school at halos half running na kami. What the hell!? Katatapos ko lang kumain eh!
"Late na naman kayo Ms. Salazar and Mr. Lopez... Ano na naman ang dahilan hmm?" nakapamaywang na tanong ni Ma'am Rodriguez sa amin.
Patago kong umirap. Ang daming tanong di na lang kami paupuin edi sana napagpatuloy pa nya ang pagtuturo nya kaysa pagalitan na naman kami. She's wasting my precious time.
"Good morning ma'am... Sorry we're late..." Weston said.
"We ate our breakfast near here" walang ekspresyon kong sabi.
Bumaling sa akin si Weston na nakakunot na ang noo sa akin at mariin akong tinititigan. Anong problema nya eh iyon naman talaga ang dahilan!?
"Is that a valid reason, Ms. Salazar?" nakataas ang isang kilay nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Too Young to Love You (Young Love Series #1)
Novela JuvenilAllison Layne Salazar came from a well-known family. She's spoiled and rich but she's not happy because her dad is having an affair with someone she doesn't know. Kaya gano'n na lang ang galit niya para sa kaniyang ama. She started to have a boyfrie...