Tutor
"The group leaders will go to the faculty to pass their groupworks. Until one in the afternoon lang ako tatanggap. So don't be late..." he said.
"Yes, Sir Gray!" sigaw ng mga kaklase ko ako lang ata ang hindi. Napasulyap si Sir Gray sa akin. Tinaasan ko sya ng kilay bago umirap.
"Okay. Class dismissed!"
Sa kasamaang palad ako ang leader sa grupo namin. Halos lumuwa na yung mata ko sa kakairap. Bakit kasi ako pa ang leader!? Ugh!
"Kumpleto na lahat yan, Ainna. Ipasa mo na." saad ni Jessie.
Tumango na lang ako at tumungo nasa faculty. Papasok pa lang ako ay natanaw ko na si Blessica na nakangising nakikipag usap kay Sir Gray. Ano pa bang expected ko eh laging leader yang pabibo na yan!
Umatras muna ko. Mag iikot muna ko at saka babalik. Ayoko ng may kausap sya tapos sisingit lang ako. Napadaan ako sa canteen at nalanghap ko ang amo ng burger. Shet! Biglang nagvibrate yung tiyan ko.
Ngumuso ako.
"Isang burger at fries." sabi ko sa nagtitinda.
Habang paakyat ako papunta sa faculty ulit ay kumakain ako. Nilantakan ko muna yung fries at pagkaubos nun ay inumpisahan ko na ang paglantak ng burger.
Umismid ako ng nasa pintuan na ako ng faculty. Kumatok ako sa pintuan habang ngumunguya. Bumaling sa akin ang isang teacher na babae.
Napalunok ako, "Good afternoon po si Sir Gray po?" bati ko.
Tinuro nya ang table ni Sir Gray na matama akong tinitigan ngayon. Tumango na lang ako at napakagat sa burger. Grabe! Ang sarap! Parang gusto ko pa ng isa!
Lumapit ako sa table nya.
"Good afternoon, Sir" bati ko kaso halos di maintindihan dahil may laman pang pagkain ang bibig ko.
Kunot-noo nya kong binalingan.
"Ubusin mo muna yang nasa bunganga mo bago ka magsalita, Alli." matama nyang sinabi.
"Sit..." sabay lahad sa tabing upuan nya. Umupo naman ako at pinagpatuloy ang pagkain ng burger.
"Gutom na gutom ka ah!" nanunuya nyang sinabi.
Umismid ako, "Diba obvious?" iritado kong sinabi.
He chuckled, "Ang init ng ulo mo, Alli. May dalaw ka ba ngayon?"
Umirap ako.
"Kung meron ay baka di lang irap ang inabot mo sa akin..." bulong ko sabay kagat sa huling piraso ng burger.
"Ano bang aabutin ko?" nakangisi nyang tanong.
Nanlaki ang mata ko. Anak ng tokwa! Narinig nya ako!
"Ito na yung gawa ng grupo namin..." sabay abot ng isang folder.
Sa halip na abutin yun ay nakatingin lang sya sa akin habang hawak ang pang ibabang labi. Kaya nilapag ko na lang sa table nya.
"What?" maarte kong tanong.
Kaso bago pa nya masagot ay sumabat na ang isang teacher na bakla.
"Allison! Grabe talaga ang dugo ng Salazar ang gandang lahi! Tiyak pag nagdalaga ka pa ng bongga ay habulin ka ng mga lalaki!" tili niya.
"Ang gandang bata nito. Baka pag nagkaboyfriend ito ay bakuran ng sobra... Kung ganito ba naman kaganda ay sinong di magtatangkang bakuran.. Baka pikutin ka pa agad naku! Mag ingat ka hija!" natatawang sinabi ng isang matandang guro.
BINABASA MO ANG
Too Young to Love You (Young Love Series #1)
Novela JuvenilAllison Layne Salazar came from a well-known family. She's spoiled and rich but she's not happy because her dad is having an affair with someone she doesn't know. Kaya gano'n na lang ang galit niya para sa kaniyang ama. She started to have a boyfrie...