Chapter 20

9 0 0
                                    

Courting

Nagpahanda ako ng table para sa amin. Napagpasyahan kasi nila na rito na lang din kumain ng  lunch kaya ininform ko ito agad sa restaurant mg hotel namin. Di pa raw kasi sila nagtatanghalian.  Hindi naman gano'n karami ang guest ngayon kaya di matao sa restaurant.

Sa kabisera ay si Jayden ang nakaupo, sa kanan nya ay si Casper at sa kaliwa ay si Darren. Katabi naman ni Casper si Mr. Dela Vega habang si Rorelin ay katabi si Darren at kasunod ako.

"Kumusta ang plano nyo sa kasal?" pormal na tanong ni Jayden. Minsan nakakausap naman ito ng walang halong kabalastugan.

Ngumuso naman si Rorelin habang si Darren ay seryosong bumaling kay Jayden. Halos lahat kami ang atensyon ay na sa kanila.

"I want a church wedding. Mamaya pa lang namin pupuntahan ang designer ng gown nya. Sya na bahala sa details ng kasal. I'll support her, ang sa akin lang ay makasal kami but of course I want a grand wedding for her..." si Darren.

Napa-slow clap naman ako at nakangangang nakangiti.

"Amazing!" I chuckled.

"You looked amused, couz. Gusto mo na rin ba matali?" sumabat naman itong so Casper. Pinanliitan ko naman syang tiningnan.

"E kung itali kita sa puno ng manahimik ka!"

"Chill! Masyadong high blood. Di pa nga nakakapag asawa ay high blood na agad." si Jayden naman.

"Ganyan talaga pag tumatandang dalaga," umiling pa si Rorelin.

"Dapat sa ganyan pinipikot na, diba, Rem?" panunuya ni Darren.

Lahat kami napatingin kay Mr. Dela Vega.

"I'm young to get married. At saka twenty three palang ako noh!" pagtataray ko.

Sumipsip naman si Rorelin sa milkshake nya dahil sa natatawa samantalang si Jayden ay nanunuyang tumingin sa'kin habang umiinom sa kanyang wine.

"Right. She's too young for marriage..." Mr. Dela Vega said.

See? Ayaw nya talaga sa akin. Laging dinadahilan ang edad ko, e bakit di na lang nya diretsuhin na ayaw nya sa'kin. Tss. Excuses.

Buti na lang at naiba ni Darren ang usapan at silang boys ay nag usap about business and sports. Kami naman ni Rorelin ay about sa magiging theme ng kasal nila. Syempre ang magiging gown nya.

Pagkatapos no'n ay dumiretso na ako sa parking lot para umuwi na. Napahinto ako dahil sa may kung anonv bagay ang meron sa ibabaw ng kotse ko.

Isang boquet of pink tulips ang naroon at maliit na card.

Drive safely. Take good care.

-Gray

Di ko na maiwasang mapangiti. Di ko alam kung alam nya bang ito ang paborito kong bulaklak. Nangingiti akong inamoy 'yon bago pumasok ng sasakyan. Aabante na sana ko ng may nakita kong kararating na sasakyan, the car looks familiar. Tinted naman ang sasakyan  ko kaya di muna ko umalis. Nagpark 'yon sa harap ko at nakita ko ang paglabas ng isang babae.

"Althea?" nagtatakang bulong ko.

Ang mas nagpagulat pa sa akin ay ang paglabas ni daddy sa kotse kasama rin ang mommy ni Althea.

Nakakuyom ang kamay kong nakahawak sa manibela ng kotse ko. They looked a happy family. Binaba ko ng konti ang bintana ng kotse ko para marinig sila.

"Dad, after this shopping naman tayo!" excited na sinabi ni Althea.

Tumawa naman si daddy at 'yong mom ni Althea.

"Sure, my princess..." daddy said.

"Naku, Wilson, kaya nagiging spoiled 'yang anak mo e!" ani mommy ni Althea.

Too Young to Love You (Young Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon