Cook
Halos mahilo na ako kakasagot sa mga exams namin ngayon. Nagreview ako kagabi kahit di ko namang madalas na ginagawa 'yon. Ewan ko ba basta inspired ako sa pag aaral ko ngayon.
Malaki ang ngiti ko ng lumabas ng aming room. Last day na kasi ng periodic exams namin ngayon at tapos na naming sagutan lahat. Determinado ko sa mga sinagot ko kahit papaano lalo na sa math kaya abot tenga ang aking ngiti.
"Done?" Isang pamilyar na boses mula sa aking likuran.
Lumingon ako at ngumisi. "Yup!"
"Are you free today?" He asked.
"Yes naman, Sir Gray. Bakit?" Pilit kong kinunot ang noo ko kahit na nangingiti ako dahil sa presensya nya.
Ngumso sya dahil sa tinatagong ngiti. "Kain tayo ng lunch. Is it okay?"
Pero bago pa ako makasagot ay hinila na nya ang palapulsuhan ko. Tignan mo 'to! Magtatanong tapos bigla ng manghihila.
Nakanguso lang ako habang nagpapatianod sa kung saan nya gusto pumunta.
"What the-?" singhal ko ng natisod ako sa isang bato na syang muntikan kong pagkatumba pero nahawakan nya agad amg aking baywang.
Namilog ang mata ko ng makita kung gaano kami kalapit at ang posisyon namin. Seryoso at may nakita kong lungkot sa kaniyang mga mata na agad ding nawala. Tumayo agad ako ng maayos at inayos ang aking blouse.
"Sorry... At saka Salamat..." ani ko.
"Be careful. Sorry kung mabilis ako maglakad."
Umiling ako. "Okay lang. Let's go!" Pilit akong ngumiti sa kabila ng kaba na aking nadarama.
Naglakad pa kami ng konti hanggang sa tumigil kami sa isang fast food.
"Dito? Akala ko pa naman sa isang mamahaling restaurant." Nagtaas ako ng kilay.
Ngumisi sya. "Why? Don't you eat here?"
"Kumakain kami ni Weston dito ng breakfast pag di ako nakakain sa bahay kaya lagi kaming late." sabi ko.
Biglang nagdilim ang kanyang ekspresyon. "Next time, you don't need to go here to eat your breakfast. Paglulutuan kita simula bukas at ibibigay sa'yo kaya dapat maaga ka na pumasok simula bukas."
His offer sounds good kaso marunong ba sya magluto kung oo ay masarap ba?
"You know how to cook?" natanong ko na ang nasa isip ko.
His lips protuded. "Of course..."
Napayuko ako bigla sa di malamang dahilan.
Inangat nya ang baba ko at maamong tumingin sa akin. "Bakit?"
Umiling lang ako.
"What is it, baby?" maamo nyang tanong.
Napaawang ang labi ko sa itinawag nya sa akin. He called me baby!
I bit my lower lip. "A-Ah kasi... I...d-don't... know h-how to cook..." then I looked away.
Sya ang umorder ng pagkain namin habang ako ay tahimik na pinagmamasdan sya. Now I realized kung bakit maraming estudyante at babaeng nagkakandarapa sa kaniya. He's gentleman and kind sa kahit sino man. Kaya siguro di mo ring maipagkakait na mapalapit ang loob sa kanya kahit na sutil ako at maldita ay nandyan sya palagi sa akin. He always make me feel better kapag kasama ko sya.
"Lalim ng iniisip mo. Ano 'yon?" nasa harap ko na pala sya at inaayos na ang pagkain namin. Masyado atang napalalim ang iniisip ko.
Umiling ako. "Nothing."
Panay ang tingin nya sa akin habang kumakain kami. Para bang may gusto syang sabihin pero di nya masabi.
Kinagat ko ang labi ko. "A-Ah... Sir may girlfriend ka na?"
Pumikit ako ng mariin dahil sa nakakahiya kong tanong.
His lips twisted. "Wala. Matagal ko ng sinabi 'yan sa'yo diba?"
Tumango lang ako.
"Anong gusto mo sa babae kung gano'n?" ngumuso ako sabay iwas ng tingin.
Pinagmasdan nya muna ko ng matagal bago nya sagutin ang tanong ko.
"She does not bear grudges. Marunong magluto, kung baga ng marunong ng gawaing bahay..."
Ekis na agad ako.
"And... She compromises and has a positive outlook." seryoso nyang saad.
"Sir, puro naman characteristics 'yan e. 'Yong ano naman physical appearance at saka age." naiinip kong sabi dahil kahit isa sa sinabi niya ay wala kong alam gawin do'n.
"I preferred slimmer female bodies..." aniya.
I rolled my eyes at him. "Don't fool me. I know your type, Sir gusto mo 'yong mala hourglass with a small waist-to-hip ratio. Yung big boobs and big bu--"
"Allison!" pagbabanta nya.
Nagulat ako roon kaya napayuko na lang ako.
He sighed. "Sorry. Di naman kasi katawan ang habol ko sa babae. Kaya kung saan mo man 'yan narinig ay di 'yan totoo. That's not true..."
Malungkot akong tumingin sa kaniya. "Nagkagusto ka na ba sa mas bata sa'yo, Sir?
Ito na lang ang pag-asa ko.
Sandali kong nakitaan ng lungkot ang kaniyang mga mata.
"Hindi. At hindi mangyayari 'yon kahit kailanman."
Siguro nga tama sya. Ang mga babaeng dapat sa kaniya ay 'yong matured at ka-edad nya. Hindi 'yong kagaya ko na ganito lang puro problema pa ang kinahaharap.
Tinupad nga ni Sir Gray ang sinabi nya. Nagpapadala sya ng breakfast para sa akin. Nakalagay iyo sa tupperware at may sticky notes na nakadikit sa takip no'n.
Ayokong masanay sa ganito. Ayokong umasa pero bakit ganito ang nararamdaman ng bata kong puso. Hindi kaya nararamdaman ko lang ito dahil di ko ito nadarama sa mismong tahanan namin. Sana magbago pa ito dahil kung hindi, sa huli ako lang ang masasaktan at kawawa.
BINABASA MO ANG
Too Young to Love You (Young Love Series #1)
Fiksi RemajaAllison Layne Salazar came from a well-known family. She's spoiled and rich but she's not happy because her dad is having an affair with someone she doesn't know. Kaya gano'n na lang ang galit niya para sa kaniyang ama. She started to have a boyfrie...