Chapter 18

2 0 0
                                    

Sorry

I looked super chic as I headed to my office. Wearing a wide leg strapless jumpsuit, paired with a croc clutch and nude pointed pumps. I let my straight hair down.

Binuksan ko ang pintuan papasok sa bago kong opisina. The CEO's office. Kulay puti at iilang itim ang kulay ng disenyo ng opisina. Sa kaliwa ay isa malaking salamin na tanaw ang buong kalakhan ng Manila. Kanan naman ay may veranda at maliit na round table. Sa di kalayuang gitna ay natanaw ko ang magiging table ko. Dalawang kulay abong sofa ang may roon, parehong mahaba at sa gitna ay maliit na parisukat na mesa na ay vase pa sa gitna at iilang magazine. Sa may bandang kanan ng mesa ko ay may cabinet at sa kabila ay shelf na pinaglalagyan siguro ng mga importanteng dokumento.

Dumiretso ko sa swivel chair ko at nilabag ang clutch. Kinuha ko ang intercom para tawagin ang secretary ko.

"Yes, ma'am?" she's the secretary of Tita Greta na magiging secretary ko for now on. How I miss my secretary back then.

"Inform me first when someone will come in my office. Of course 'yong may appointment lang, no hidden agenda hmm... and then, I wanna know my sched for today." marahan kong sabi.

"This morning, Ma'am, wala po kayong appointment kaya aayusin nyo lang po 'yong mga dokumentong nilagay ko po sa table nyo na pipirmahan and then check your emails. For the afternoon po, may meeting po kayo with Mrs. Suarez sa restaurant here in hotel... Then, 'yon lang po if you want, you may stroll around the hotel to check the guests and services, yan po ang nakagawian ni President Greta no'n..."

I pouted. "Noted. Thanks!"

Nag umpisa ko sa pag check ng emails ko at pagbasa ng mga dokumento. Seryosong seryoso ako sa ginagawa no'ng biglang tumunog 'yong intercom.

"Ma'am Alli, Mr. Dela Vega is here. He wants to see you,"

I rolled my eyes. What is he doing here? We're not close, though.

Sasagutin ko na sana ng biglang bumukas na ang pintuan ang niluwa na ang epal na bisita.

Umirap ako. "What's the purpose of this kung pinapasok mo agad without my permission? You let him come in!"

Naramdaman ko naman ang pagkabalisa ng secretary ko.

"Uh... Eh... M-Ma'am 'yan po kasi ang bilin sa akin ni President no'n na papasukin po sya b-because he will help you..." nauutal nyang paliwanag.

Suminghap ako at nakita ko ang matalim na tingin sa akin ni Mr. Dela Vega. Wow, too formal huh.

"Whatever!" sambit ko at binaba na.

Ang maganda kong araw ay sira na!

"Why are you here?" matabang kong tanong habang nagpapatuloy sa binabasa kong papel kahit ni isang salita wala na akong maitindihan. The heck!

Umupo sya sa di kalayuang sofa. He looked so damn gorgeous. Wearing his dark blue longsleeve folded till his arms, a black silky slacks and black formal shoes. Ang unang tatlong butones ng kanyang damit ay naka unbuttoned na nagpapakita ng kanyang malapad na dibdib.

Umangat ang tingin ko sa mukha nya na ngayon ay nakangisi. Oh shit! Am I looking at him that much?

I shifted on my sit uncomfortably. Then, I looked away.

"Just checking..." maikli nyang sagot.

Tinapunan ko naman sya ng tingin. "Checking what? Kung talagang nagagampanan ko ba talaga ng tama at maayos ang posisyon ko hmm?"

Matalim ang bawat sulyap na pinapakita ko sa kanya kaso halos manlambot ang tuhod ko ng tumayo sya at lumapit sa table ko. Itinukod nya ang dalawang kamay nya sa table ko at saka yumuko, tama lang para lumebel ang paningin nya sa akin.

Too Young to Love You (Young Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon