Chapter 5

15 0 0
                                    

Crush

Para kong lumulutang habang naglalakad patungo sa aking classroom. Di ko maintindihan ang pinararating ni Weston sa sinabi nya. Di kaya nag aalala lang sya sa akin dahil kaibigan nya ako at nagtataka sya sa mga pagbabago ko sa pisikal na anyo ko. Baka nga. Kailangan ko sya makausap ulit dahil natural lang naman ang mga ganitong bagay sa mga nagdadalaga.

"You're late, Alli..." malamig na sambit ni Sir Gray.

Natauhan lang ako sa aking mga iniisip ng nagsalita si Sir Gray. Halos mapatalon ako sa gulat sa bigla nyang pagsasalita. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaklase kong abala sa seatwork na pinagagawa ata ni Sir. Naroon na rin si Weston na abala rin sa ginagawa. Inangat ko ang tingin ko kay Sir Gray na nasa harap ko na pala.

Yumuko ako, "I'm sorry, I'm late" I said in a lazy tone.

He raised his brow.

"Why?"

I smiled fakely. "Traffic..." Oh! Liar, Alli!

Bumaba ang tingin nya sa aking labi. Doon ko lang napagtanto na naglagay nga pala ko ng lip gloss sa aking labi.

"Uh-huh?" I saw a playful smile on his lips. Goodness!

I nodded politely.

"You may now sit..." agad naman akong pumunta sa tabi ni Weston at umupo. Di man lang nya ko sinulyapan.

"Pssst." kinalabit ko si Weston na seryoso sa ginagawa nya. "Weston..."

Patuloy pa rin sya sa ginagawa nya. Nagtaka tuloy ako kung bakit di nya ko pinapansin at iba yung inasal nya sa akin kanina. Alam ko ang ganitong ugali nya pag may nanliligaw sa akin at pag may boyfriend ako. Pero ngayon alam kong galit sya sa di ko malamang kadahilanan dahil wala naman akong boyfriend ngayon at basted lahat ng mga manliligaw ko ngayon. Hindi kaya nagagalit sya dahil sa pagpapaganda ko. E lip gloss lang naman ito at blush on.

"Weston, please talk to me..." I whisphered.

Nang ayaw nya pa ako lingunin ay nainis na ako at padabog akong tumayo. Kaya yun napatingin na sya sa akin at di lang sya pati na ang buong klase at si Sir Gray.

"What is it, Allison?" tanong ni Sir.

Gosh!

"Nothing, Sir." umupo ako agad.

Inangat ko ang tingin ko kay Weston na ngayon ay iritadong nakatingin sa akin at bago bumaling kay Sir na ganoon din ang tingin nya.

"Tss." tumayo sya at saka inabot kay Sir ang seatwork nya at kinuha na ang bag nya tsaka lumabas na ng classroom. Ang bilis naman nya magsagot.

Napasulyap ako sa papel na hawak ko. Tang ina! Kahit isa wala kong alam. Nakakailang lunok na ako pero walang pumapasok sa utak kong konti na lang ay dudugo na dahil sa math na ito. Sino ba kita nag imbento nitong subject na ito at bakit ang hirap hirap. Bobo pa naman ako sa problem solving. Problema ko nga di ko nga masolusyonan ng maayos tapos dadagdag pa itong math na ito e kaya naman solusyonan ito ni Sir e so bakit pa pinasasagutan sa amin. Kainis! Di tuloy ako nakakopya kay Weston. Galit kasi sya. Wrong timing.

Napakunot ang noo ko sa papel na nasa ilalim ng upuan ni Weston. Kinuha ko iyon agad at saka binuklat. May note na nakasulat sa itaas na papel.

These are the answers.

-Weston

Alam ko na agad ang ibig sabihin nya rito. Para kong bata na nangingiti na ewan. Akala mo binili ng ice cream kaya ngiting ngiti. Sabi ko na e di ako matitiis ni Weston.

Mabilis kong natapos ang seat work kaya maaga ko rin itong binasa. Taas noo kong tinahak ang daan patungo sa table ni Sir at saka nilahad ang papel ko. Napaangat ang tingin nya sa akin at bumaba ito sa papel.

Too Young to Love You (Young Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon