Chapter 11

6 0 0
                                    

Like

Dire-diretso lang ang lakad ko makalayo lang sa restaurant. Di na inalintana pa ang mantsa na nasa aking pantalon at konti sa aking top.

Papara na sana ko ng taxi ng may humila sa aking braso.

"Ano ba!?" iritado kong sigaw sa kanya.

Alam ko naman na sya iyon dahil wala naman ng iba diba na susunod sa akin.

"Ahh, Ma'am naiwanan nyo po 'yong bag nyo kaya hinabol kita..." sabi ng waiter na nahihiya pa.

Mas lalong kumulo ang dugo ko ng nalamang hindi pala nya ko sinundan. How dare him to do this to me?! He's an asshole!

Agad kong hinablot ang bag ko. "Thanks!"

Nagpatuloy ako sa paglalakad ng di na makahanap ng masasakyang taxi.

"Grrr!"

Halos magsalubong na ang kilay ko sa kakahintay at kapag naaalala ko sya ay mas lalo kong naiinis. Matapos ko syang makitang may kasamang babae tapos ako pa tatanungin nyang bakit ako tingin ng tingin sa kanya.

I was shocked ng may huminto sa harap kong Nissan Terra.

Paharang harang. Lilipat na sana ko ng puwesto ng bumukas ang bintana nito at bumulaga sa akin ang mukha ni Sir Gray.

"Wanna ride?" mayabang nyang sambit.

Imbis na sagutin ay inirapan ko lang sya at nagpatuloy sa paglakad.

"Wanna ride mo mukha mo!" I whisphered.

Aba di ako tinigilan sa pagsunod sa akin.

Humarap ako sasakyan nya. "Ano ba? Are you stalking me?"

He pouted. "I'm not stalking you, miss. Ang sa akin lang ay sumakay ka na rito. At saka sasakay ka ng ganyan ang hitsura mo?" He looked at me from head to foot.

What?!

"Iniinsulto mo ba ako, Sir?" iritado kong tanong.

Umiling sya pero may nakatagong ngiti sa kanyang labi. "Ayaw mo talaga? Oh, sige bahala ka dyan. Pagtinginan ka ng mga tao dyan. Bye!"

Pinaandar naman nya agad ang kotse nya. Tinanaw ko naman kung may masasakyan ba talaga kong taxi kaso wala na kong natatanaw kaya di na ko nakatiis na habulin ang sasakyan ni Sir habang kumakaway para mapansin nya. Kaso ang loko ay di humihinto.

"Sir, wait for me!" I shouted kahit alam kong di naman nya ko maririnig.

Napatukod ako sa aking tuhod ng huminto na ang sasakyan nya. Taas baba ang aking dibdib dahil sa pagod. Inaatake na ata ko ng hika. Napahawak na ako sa aking dibdib ng naramdaman kong nahihirapan na ako sa paghinga. Narinig ko naman ang pagbukas ng pintuan ng sasakyan ni Sir at agad naman akong binuhat nito para isakay na. Ilang beses kong narinig ang ilang mura sa kanya dahil siguro nakonsensya sa ginawa nya.

"Fuck! I'm so sorry..."

Napapikit ako sa sobrang hirap huminga. Hinalughog ko naman agad ang bag ko para hanapin 'yong inahaler ko kaso naiwanan ko ata. Sumulyap ako kay Sir Gray na may kinuha sa kung saan at saka inabot sa akin. Isa iyong inhaler. Sa sobrang pangangailangan ko no'n ay kinuha ko na agad.

I breathe out slowly (not into the mouthpiece) and then put the mouthpiece between my front teeth and close my lips around it. Pagkapindot ko ay saka ko huminga ng normal at binaba iyon.

"Oh my gosh!" sabay punas ko sa aking noo dahil pinagpawisan ako roon.

"Do you feel better now?" he asked in a serious tone.

Too Young to Love You (Young Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon