Gray
"Himala maaga ka, Alli!" nakangiting saad ni Blessica habang naktaas ang kaliwang kilay.
"Ano ngayon kung maaga ako?" I raised my left brow.
"Type mo siguro si Sir Dela Vega kaya maaga ka ngayon. Nagpapacute ka sa kanya..." nakataray na sya ngayon.
"Ano naman kung nagpapacute ako sa kanya? Edi magpacute ka rin tutal di ka naman cute dahil mukha kang aso..." tiningnan ko sya ng nakakainsulto.
Ang aga mangbwisit nitong babaeng iyo. Porquet class President akala mo kung sinong maganda eh wala pa nga sya sa kuko ko eh!
"How dare you to say that to me?! You bitch! Akala mo naman maganda ka eh mukha ka ngang patpat eh! Kaya di ka mapapansin ni Sir lalo na't di ka matalino at laging late! Panget!" halos umusok ang ilong nya sa galit.
Natanaw ko naman si Sir Dela Vega na papasok na ng room namin kaya bumaling agad ako kay Blessica. Nakatingin na sa amin ang buong klase at nanhimik dahil tumaas ba naman ang tono ng boses ni Blessica.
"Grabe baka magsabunutan na yan!"
"Pinag aagawan si Sir taray!"
"Mga Chararat ang aga nagmamaldita na ang mga baklang toh!"Matama ko syang tiningnan.
"Bless, Maganda pa nga ang paa ko sa mukha mo eh kaya wag kang magmaganda. President ka lang... Salazar ako kaya manahimik ka kung ayaw mong lumagapak sa mukha mo ang sapatos ko..." kalmado kong sabi ng nanlaki ang mga mata nya.
"What's happening?" napabaling ako kay Sir na nasa tabi ko na pala at ang mga kaklase ko na ay nakaupo na. Kami na lang ang nakatayo.
"Naku! Sir! Pinag aagawan ka ng dalawang chararat na yan!" maarteng saad ng bakla naming kaklase na si Angelo.
Natawa naman ang buong klase sa sinabi ni Angelo. Tanginang baklang ito epal! Nakakahiya baka isipin ni Sir totoo iyon! Putangina! Sana lamunin na ako ng lupa.
Nanlaki bigla ang mata ko ng biglang umiyak si Blessica.
"Sir, si Alli po kasi bigla na lang ako nilapitan at pinagsalitaan ng masasama. Inaway nya ko dahil daw sa nagpapa-impress daw po ako sayo... May gusto po kasi sya sayo Sir..." laglag ang panga ko sa sinabi nya.
Gago! Sinungaling! May araw ka rin sa aking babae ka!
"What?! Liar! Ikaw nga ang lumapit sa akin para pagsabihan ng kung ano-anong walang kwentang bagay! Tapo babaligta--" Sir Dela Vega cut me off.
"Stop it, Alli! Go to my table! Doon ka na uupo simula ngayon.May papagawa kong activity sayo.. That's your punishment..." mariin nyang sabi. Nagtangis ang kanyang bagang.
What the fuck!? Ako pa ang may kasalanan?
Napaangat ang tingin ko kay Blessica na nangingiti ngiti pa. Mabilis na nangilid ang luha ko. Tangina syempre napahiya ako.
Pinasadahan ko ng tingin si Sir.
"I'm not feeling well. Uuwi na ako... Ipapabigay ko na lang mamaya yung excuse letter. Excuse me..." saad ko at dumiretso na palabas ng room.
Parang gripo ang pagtulo ng aking luha. Syempre napahiya ako sa harap nya at ng buong klase tapos kakampihan nya pa yun. Nakakagago!
Nanood na lang ako maghapon ng cartoons pag uwi ko sa bahay. Wala si Daddy, as usual. Si mommy naman daw ay umalis. Nakatulog ako sa kalagitnaan ng panonod ko ng TV. Nagising na lamang ako dahil sa munting bulungan sa labas ng kwarto ko.
"Uuwi rin ako agad dyan, my princess... Good night, Thea!" malambing na saad ni Dad. Iyan lang ang narinig ko ng inilapit ko ang aking tenga sa aking pintuan.
BINABASA MO ANG
Too Young to Love You (Young Love Series #1)
Teen FictionAllison Layne Salazar came from a well-known family. She's spoiled and rich but she's not happy because her dad is having an affair with someone she doesn't know. Kaya gano'n na lang ang galit niya para sa kaniyang ama. She started to have a boyfrie...