Embarrass
Madaling araw na ako nakatulog kaya nasira ang plano kong gumising ng maaga para magpaturo kay Manang Rosa magluto ng almusal. Kahit pagprito kasi hindi ako marunong.
Binuksan ko ang shower para wala na ang antok na nadarama ko sa buong katawan ko. Alas nuebe na at baka nasa trabaho na si Dad at si Mom naman ay tapos na siguro mag almusal. Suot ang isang short at spaghetti strap shirt ay bumaba na ako para mag almusal.
Nagulat ako ng makita ko si mommy na kakalabas lang din kwarto nya kasama si daddy. I sighed.
"Morning, mommy." I kissed her cheek.
Napabaling ako kay Daddy na nakangiti sa akin.
"Good morning, sweetheart." malambing nyang bati.
Blanko ang ekspreyon ko ng tinignan ko sya. "Morning."
Dumiretso na agad ako sa dining area ng di man lang hinalikan si Daddy sa pisngi.
"May gagawin ka ba ngayon, Alli?" my mom asked.
"Wala po. Baka po mag window shopping or spa. I don't know." nagkibit balikat ako.
Napabaling ako kay Daddy na naglalagay ng fried rice sa plato ko. Hinayaan ko na lang sya at ayaw ng makipagtalo pa. Si mommy naman mukhang maganda ang gising.
"Kung gusto mo ay sumama ka na lang sa amin ng mommy mo sa office. If you want to..." si Daddy.
"Ayoko." maiksi kong sagot at nag umipisa na sa pagkain.
Natanaw ko ang pag simsim ng kape ni mommy habang nakatanaw sa akin.
"You should come with us total ay wala ka namang gagawin today. At saka para mabisita mo naman ang kompanyang hahawakan mo rin balang araw..." my mom smiled at me genuinely.
Bumunting hininga ako. "Okay."
She got a point kaysa naman magmukmok lang ako rito sa bahay. At least may pagkakaabalahan ako kahit papaano.
"How's your study, hija? May gusto ka na bang kuning kurso sa college?" tanong ni Daddy.
Buti naman natatanong nya ko ng ganyang bagay ngayon hindi kagaya noon na kala mo mas naging anak pa ata nya ang trabaho nya kaysa sa akin o baka nasa kabit nya lang sya.
"Okay lang naman. Matagal pa bago ako magkolehiyo kaya wala pa akong plano para dyan..."
Mahinang humalakhak si Daddy na kala mo ba ay may nakakatawa sa sinabi ko.
"You're right, hija. Dapat pinag iisipan 'yan maigi."
Tiniis kong matapos ang pagkain ng almusal na iyon ng walang pagtatalo dahil sawa na ako sa gano'ng scenario araw-araw.
Nagbihis ako ng isang high waist pants at white off shoulder crop top na binagay ko sa isang puting sneakers. Hinayaan kong lumugay ang aking buhok at naglagay ng konting lip gloss sa aking labi kaya mas lalo itong naging kulay pink at makintab. I also put moisturizer and sunscreen to my face.
Nang nakuntento na ako sa pag aayos ay bumaba na ako at nakita sila mom and dad na naghihintay sa sala. Nagtatawanan pa silang dalawa na tila ba ay walang nangyaring bangungot sa buhay nila, sa pamilya namin.
Sabay silang napaangat ang tingin sa akin ng marinig ang yapak ko pababa.
"You look beautiful, hija." bineso ako ni mommy. Masayang ngumiti naman ako sa kanya dahil matagal bago ko ulit makita syang ganito kasaya.
"Kanino pa ba magmamana?" dagdag ni Daddy. Pilit naman aking ngumit kay Daddy. Siguro hindi naman masama kung bigyan ko ng pangalawang pagkakataon si Daddy na talagang nagbago na sya at di nya mauulit pa ang nakaraan.
BINABASA MO ANG
Too Young to Love You (Young Love Series #1)
Novela JuvenilAllison Layne Salazar came from a well-known family. She's spoiled and rich but she's not happy because her dad is having an affair with someone she doesn't know. Kaya gano'n na lang ang galit niya para sa kaniyang ama. She started to have a boyfrie...