In love
"Blooming ka ngayon, Alli, ah..." puna ng isa kong kaklase. Ngumiti lang ako at saka nagpatuloy sa pagliligpit ng mga gamit ko.
Paano ba namang hindi gaganda ang araw ko kung hindi dahil sa kanina na kasama ko si Sir Gray. Pagkatapos namin kumain no'n ay nagkwentuhan pa kami tungkol sa mga subjects ko at mga naging araw namin. I didn't expect to eat with him.
"So how 'bout your subjects? May nahihirapan ka ba? Just tell me so I can help you..." si Sir Gray.
I smiled. "Hmm... Math... pa rin... You know naman that I don't really like our new teacher in math subject. You're not my teacher anymore... so it's not your responsibility to help me because I know you're busy..."
Umismid sya. "Still, I wanna help you. I'm not that busy because I only handle three sections, so you're not a disturb for me."
Hay! Ang kulit ni Sir! Di naman nya na obligasyon na turuan ako dahil naiinitindihan ko naman na 'yong lesson lang namin sa math, ang ayoko lang ay 'yong nagtuturo.
"I can do self review..."
Mataman nya kong tiningnan. "I can help you..."
Di na ata matatapos itong argumentong ito kung walang papatalo.
"Okay! Fine!" I rolled my eyes.
Umangat ang gilid ng labi nya. "Good..."
Masaya kong tinahak ang grassfield ng aming school. Masaya na ako sa ganito. I mean kuntento sa bawat pag uusap namin ni Sir Gray. Napayuko sa bolang gumulong sa paanan ko.
Ngayon ko lang naalala na may nagpapractice pala ng football ngayon dito sa grassfield tapos para pa akong naglalakad sa langit. Hay! Ang umiibig nga naman!
Dinampot ko iyon at saka tumayo agad para iabot sa natatanaw kong lalaking tumatakbo patungo sa gawi ko. Sa tingin ko'y sya ang coach at isa ring guro sa paaralan na ito.
"Uhh. Ito po 'yong bola..." inilahad ko sa kaniya ang hawak kong bola.
Matangkad at Matipuno ang pangangatawan ng lalaki. Maputi at chinito ito. Tama lang ang tangos ng ilong nito at manipis ang kaniyang labi. Hula ko'y may lahi itong intsik at nasa early twenties. May whistle na nakatali sa kaniyang leeg.
Ngumiti sya, "Thanks..."
Tumango lang ako at akmang aalis na sana ng bigla syang ulit magsalita.
"You're Allison Salazar, right?" tinaas nya ang kaliwang kilay nya.
Kumunot ang noo ko. Gano'n na ba ako kamaldita at pilyo para makilala ng iba rito.
I pouted. "Yep!"
I heard him laughed. May problema ba 'to sa'kin? Sa pagkakaalam ko ay di ko ito naging teacher sa anumang subject kahit Physical Education.
"Why? Is there any problem?" nagtataka kong tanong. "Sir?"
He sighed and then stared at me for a while. "Sinong di makakakilala sa kaisa-isang anak at tagapagmana ng Salazar, Ms. Salazar? And... They're right... You're not pretty..." aniya. "Because you're beautiful..."
Uminit ang pisngi ko sa sinabi nya. Natural, gwapo ba namang lalaki magsabi nyang sa'yo ay di ka ba pag iinitan ng pisngi.
I looked away with a small smile. "T-Thank you... Sir?"
"By the way, I'm Kelvin Chua. Coach ng football at P.E teacher ng Grade 10." ngumiti sya sa'kin bago humalukipkip. "Saan ka nga pala patungo?"
Napaisip tuloy ako bigla kung saan nga ba talaga ko patungo. Hmm... Sa puso ni Sir Gray? Bigla ko ng napahagikgik sa naisip ko kaya napakunot ang noo nya habang tinitigan ang reaksyon ng mukha ko.
BINABASA MO ANG
Too Young to Love You (Young Love Series #1)
Teen FictionAllison Layne Salazar came from a well-known family. She's spoiled and rich but she's not happy because her dad is having an affair with someone she doesn't know. Kaya gano'n na lang ang galit niya para sa kaniyang ama. She started to have a boyfrie...