Chapter 19

3 0 0
                                    

Pikutin

Nakangiting nakikipag usap si Gray sa dalawang bellboy at sa manager. Kita sa mga mata ng manager ang galak at pananabik habang tinititigan si Mr. Dela Vega. Disgusting!

"Eat. Sayang 'yong dinagdag ng boyfriend mo." panunuya ni Dacey.

"He's not my boyfriend." giit ko.

She sipped on her orange juice. "Oh, well, not now but sooner or later."

"Never!" I smirked without humor.

Hindi ko naubos 'yong grill chicken dahil di naman talaga ko malakas kumain. Ayokong lumobo ang katawan ko ng di ko namamalayan dahil di na ako bata.

Pag uwi ko sa condo ay naging abala ko sa night skin care routine ko para fresh ako bukas. Pagkatapos ay fruit shake at apple lang ang kinain ko for dinner. Nakatulugan ko ang pinapanood kong movie kaya maaga akong nagising kinabukasan.

Pupunta na sana ko sa bathroom ng biglang tumunog ang cellphone ko. Kinuha ko 'yon at binuksan.

Dacey:

Don't forget. Sa saturday :) Good morning!

Napagkasunduan namin kagabi na sa bumisita sa mansion at mag sleep over dahil naka face time daw nya si Tita Greta na baka langawin na raw ang mansion sa lungkot dahil puro katulong lang ang naroon.

Ako:

Yup. Morning :)

Ibaba ko na sana ang phone ko ng mapansing may dalawang mensahe pa roon.

Unknown number:

I hope you don't mind if I provide your meals.

Unknown number:

Please, eat a lot for dinner. Di mo naubos 'yong grilled chicken :(

Natawa ko sa emoticon. How cute, huh?

Nagtipa ako ng reply.

Ako:

None of your business. How did you get my number?

Halatang si Gray, I mean Mr. Dela Vega ang nagtext sa akin. Sya lang naman ang nagdagdag ng pagkain ko kagabi. Balak ata kong patabain.

Nagulat ako ng may reply agad sya sa text ko. Ang bilis!

Unknown Number:

You're my business.

I bit my lower lip. "Ang harot!" bulong ko.

Imbes na replyan pa sya ay naligo na lang. Nagbabad ako sa bathub at di ko namalayan na nakatulog ako. Nagmadali akong nagbanlaw at paglabas ko ng banyo ay nasulyapan ko ang oras. Shit! sampung minuto na lang at alas otso na ng umaga. I'm late!

Sa sobrang pagmamadali ko ay di na ako nag inarte sa pagpili ng susuotin. CC cream, pressed powder, bronzer at nude lipstick lang ang ginamit ko for natural makeup look para mabilis.

I'm wearing a black floral halter dress paired with hangisi satin jewel buckle pumps in black. Dinampot ko ang cellphone dahil sa isang mensahe.

Dacey:

Nasa hotel ka na? Kung hindi pa, text me. Madadaanan ka namin, wanna ride?

Rereplyan ko na sana kaso sa pagmamadali ay nahulog 'yong purse ko. Kinuha ko iyon ng biglang tumunog ang phone ko sa tawag.

It might be Dacey. Sinagot ko agad ito without looking at my phone.

"Hello, Dacey, sasabay ako sa inyo. Late na kasi ako e. Thanks!" natataranta kong sabi.

Too Young to Love You (Young Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon