Chapter 7

7 0 0
                                    

Excuse

Halos buong araw ata no'n ay nakasimangot ako dahil sa babaeng 'yon pero kahit papaano naman ay nakahinga ako ng maluwag ng malamang wala silang kahit anong relasyon ni Sir Gray. Wait?! Ano naman ngayon, Allison, kung wala silang relasyon? My goodness!

Nitong sabado ay wala kong ginawa kung di magmukmok sa kwarto. Puro movie marathon lang ata ginawa ko noon buong araw. Tapos no'ng linggo ay nagsimba kaming magpamilya at nag lunch. Himala nga na kasama si Daddy at naging maayos naman ang araw na 'yon ng walang away. Pansin ni mommy ang pagsimangot ko no'n buong araw kaya di na nya natiis na tanungin ako.

"Hija, are you okay? Kanina ka pa di gaanong umiimik. May iba ka pa bang gustong ipadagdag about sa nalalapit mong birthday party?" nag aalalang tanong ni mommy.

Kinuha ko ang table napkin at marahang pinunas sa aking labi bago ito binaba para sumagot.

Umiling ako, "I'm just tired, mom. Everything is okay. Wala na po akong ipapadagdag pa..."

Next Wednesday na kasi 'yong birthday ko at gusto na naman nila mom and dad na magpaparty kami kaya pumayag na lang ako ulit so that I can invite my friends on wednesday sakto at periodic exam namin iyon kaya maaga ang uwian.

"How 'bout the foods?" my mom asked.

"I'm fine with Filipino foods, mom..." I gave her a smile.

"Are you sure, sweetheart?" si Dad.

Walang ekspresyon akong bumaling sa kanya.

"Yeah." tipid kong sagot sa kanya.

Matapos 'yong lunch namin no'n ay niyaya ko si Rorelin na mag mall. Nagpa body spa kami, kumain, nanood ng sine at syempre nagshopping.

Habang namimili kami ng damit ay naagaw ng atensyon ko ang isang kulay dark blue na dress. Kukunin ko na 'yon ng may isang kamay din ang kumuha. Napabaling ako sa kung sino iyon at nakita ko ang isang maganda at mala hour glass na katawan ng babae. Kung maputi na ako ay mas maputi pa ito sa akin. Bilugan ang kaniyang mga mata, matangos ang ilong, at may kakapalan ang labi. Nasa early twenties ang babae.

"Oopss!" she said.

Di ko pa rin binibitiwan 'yong dress.

"Kukunin mo ba, miss?" malumanay kong tanong.

Napansin ko ang pagtagal ng tingin niya sa'kin.

She smiled, "Nope. Sa'yo na. Alam ko namang gusto mo ito..."

Kumunot ang noo ko.

"I'm Althea Veronica Sanchez, by the way." inilahad nya ang kaniyang kanang kamay sa'kin.

Nagtaka ko sa mga ikinilos ng babae pero tinanggap ko ang kamay niya.

"I'm Allison Layne Salazar..."

Hinawi nya ang mahaba nyang buhok .

"I know you. Ikaw 'yong anak ng CEO ng Salazar's Hotel na si Mr. Wilson Salazar, right?" she asked.

Ganoon na ba kasikat ang pamilya namin at kaya kilala nya ko.

Tumango ako, "Yeah. I'm his daughter..."

She laughed. "One and only?"

Hindi ko alam pero parang iba ang dating sa'kin ng tanong nya. Iba rin 'yong pakiramdam ko sa kanya. I think there's something wrong woth her. O baka naman exhausted lang ako at kung ano-ano pumapasok sa isip ko.

"Hmm. Yes. Why?" nagtataka kong tanong.

Ngumiti sya na parang may nakakatawa pero wala naman.

"Akala ko may kapatid ka... Nice meeting you, Alli. I have to go..." she waived her fingers then she walked away.

Too Young to Love You (Young Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon