Chapter 14

5 0 0
                                    

Vlog

"Ano pagod ka na? Ang bilis mo naman mapagod e isang set pa lang tayo, oh!" singhal sa'kin ni Rorelin.

Nakatukod ako sa aking tuhod ng pairap ko syang tinitigan. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo gamit ang likod ng aking palad.

"Buong set naman akong kanina pang naglalaro samantalang ikaw nga ay nakaupo pa kanina. May pumalit sa'yo, remember?" pagtataray ko.

Natawa naman sya. "Walang pagbabago, Maldita pa rin..." umiling pa ang loka.

Pilyo ko syang ningitian at napabaling ang tingin ko aking kaliwa. He's wearing his usual gray shirt and black shorts. Talagang malaki na ang pinabago nya. Mas lumaki ang kanyang pangangatawan at pumogi. He's now a CEO of their company but still single.

Inabot nya sa akin ang isang white towel and bottled water. "Here," si Weston.

"You look exhausted huh?" mangha nya pang tanong.

"Obviously." uminom agad ako ng tubig.

Nag yaya kasi itong si Rors na mag volleyball ulit kami kasama ang ibang kaibigan at kapit bahay nya. Dito kami sa court ng village nila naglaro. Mga bakla ba naman makalaro mo, sinong di mapapagod.

Inayos ko ang suot kong itim na cycling na bahagyang tumataas dahil sa kanina pang pag squat kakasalo ng service ni Angelo. Palaban si bakla e.

Napabaling naman si Weston sa may kamay ko. Bahagyang namumula na ito sa bandang palapulsuhan.

"Maupo muna tayo sa bench. Wag ka muna maglaro..." sumang ayon agad ako kay Weston.

"Oh surrender na?" pang aasar ni Darren sa'kin. The one and only boyfriend of Rorelin Gozon.

"Yup. Ayaw paawat ng girlfriend mo kala mo kasali sa UAAP e," biro ko.

Nagkibit balikat sya. "Competitive e. At saka sa di 'yan napapagod sa ganyan... sa akin lang... pag gabi..." he chuckled. Sinabayan pa sa paghalakhak ni Weston.

Uminit ang pisngi ko sa sinabi nya. "Damn you!" hinampas ko agad sya sa braso nya.

He crossed his arm para di sya matamaan. "Chill! Iba ang nasa isip mo, Alli!" natatawang sabi ni Darren.

"Bakit ano bang iniisip ko?!"

"What I mean ay sya ang pinagluluto ko ng dinner namin kaya napapagod. Ikaw talaga. Perv!" paratang pa nya sa akin.

I just rolled my eyes. Mga siraulo!

Walong taon na ang nakalipas. Sila ang naging sandalan ko sa panahong walang wala ako. I had a suicidal thought na umabot sa point na di ako nakausap ng isang linggo. My mom died because of heart attact. Di ko man lang nalaman na high blood pala si mommy.

Kada araw na naalala ko ang araw na sumira sa buhay ko at pamilya ko ay natutulala ko. Umiiyak gabi-gabi. Di na halos makapagsalita. Inatake si mommy dahil sa nangyari no'ng 15th birthday ko.

Hindi man lang ako nakapagpaalam o nakausap sya bago sya mamatay, isang bagay na ikinakungkot ko ng sobra.

Nagulat ako ng may humila sa akin no'ng birthday party ko.

"Weston..." I whisphered.

Kunot ang kanyang noo na tila galit na galit dahil sa nangyayari. Niluluwagan nya ang necktie nya at ang coat nya ay nakatanggal na no'n.

"Weston..." mas lalo kong umiyak.

Nang nakalabas kami ay niyakap nya ako ng mahigpit na mas lalong nagpaiyak sa akin. Tiningala ko sya para makita. I saw the pain and sadness in his eyes.

Too Young to Love You (Young Love Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon