Meeting
Sa University of the East na rin ako nagkolehiyo sa Manila. Bihira ko na lang din makita si Gray at kung makikita ko man sya ay hindi na bilang isang guro kung hindi ay isang hot businessman, I guess. Laging nakacoat o di naman ay 'yong white dress shirt nya. Hindi na rin kami nagkaroon ng interaksyon kaya medyo umayos ang pakiramdam ko sa ganoon.
No'ng graduation day namin ay nagulat ako dahil naroon sya at may speech pa. Ang nakakagulat pa ay isa pa sya sa aming kakamayan. Is he stalking me? O nagkakataon lang pero nakakainis na. Nang ako na ang tinawag ay kinuha ko ang diploma ng may ngiti at kinamayan ang iba sa kanila. Nasa may bandang hagdan si Gray dahil sya ang huling kakamayan. Kaya taas noo akong naglakad palapit sa kanya.
Nilahad nya ang kamay nya. "Congratulations..."
I raised my brow. "Thanks!" sarkastiko kong sambit at dumiretso pababa ng di man lang kinakamayan. Nakitaan ko ng pagkamangha ang kanyang mukha but still I don't care about his reaction. Wala rin namang gaanong nakapansin.
Hindi ko tinanggap ng kahit sa ano na ipapamana ni Daddy sa'kin. Napagpasyahan kong sa kanila Tita Greta ko magtatrabaho. Hotel din iyon na dati ng napamahalaan ni mommy. Mayayaman naman din ang mga Alejano pero wala itong binatbat sa karangyaan ng mga Salazar. But I am more proud to be an Alejano than Salazar. I'm not saying na kinakahiya ko ang pagiging Salazar ko pero naiinis ako dahil iyon kay Daddy.
Noong graduation ko naroon sya pero hindi ko sya pinansin dahil naalala ko lang si mommy. Halos ipagtulakan ko na sya no'ng niyakap ako. Mas lalo kong nagagalit para maghiganti sa mag inang Sanchez pag nakikita ko si dad.
"Tara kain naman tayo! Kapagod maglaro!" hinihingal na deklara ni Rors.
"Buti naman napagod ka, ah!" pang aasar ko.
Nilapitan naman sya ni Darren na may dalang isang puting towel at bottled water. Tumikhim kaming tatlo nina Weston at Angelo ng di pa natatapos ang sweet moment nila sa harap namin.
Pabiro naman silang tumawa at ako ay umirap na lamang. Sa isang fast food namin na isipang kumain dahil walking distance lang ito sa subdivision kanila Rorelin. Nakapagpalit na rin kami ng damit kaya presko na ang aking pakiramdam. Puting t-shirt at itim na short ang suot ko dahil babalik naman kami ulit kanila Rors para manood ng movie.
Si Weston ang umorder habang kami naman ay naghihintay sa table na napili namin na kung saan ay tanaw ang labas. Nag aasaran sina Angelo at Rors habang ako'y tinatanaw ang mga nagdadaanang mga sasakyan. Sa di inaasahang pagkakataon ay I saw a familiar face. Hindi ko napansin na nakakuyom na ang aking kamao at halos magsalubong ang aking kilay.
"Hey! What happened?" Darren asked me with a curiousity in his eyes.
"Mukha kang magtatransform into monster, Alli!" biro pa ni Angelo.
Umili na lamang ako at kinalma ang sarili.
"Nothing... I just... Ah, Bathroom lang ako..." tumayo na agad ako at di na hinintay ang isasagot nila. Halos pareho silang nagtataka sa akin.
Nakita ko kasi si Althea na nakasakay sa isang itim na Vios. Nakababa ang bintana ng driver seat nito at may kausap sya na parker. Akala ko ay nasa ibang bansa na sya at doon na titira. Kung ganoon ay umuwi sya. Ano 'yon, nagpabango lang sya ng kanyang pangalan matapos ang eskandalong ginawa nya eight years ago. Baka naman pinauwi sya ni Daddy para mamahal ng hotel.
Nakatulala akong humarap sa salamin. Mapula ang aking labi kahit na wala naman akong nilagay doon. Ngunit halata sa kulay ko ang pamumutla. I sighed heavily bago nagpasyang lumabas na nang banyo.
Natanaw ko agad ang mga kaibigan kong seryosong nag uusap at nakahanda na ang aming pagkain. Nang nakalapit na ako ay tumahimik na sila.
"Are you okay?" nag aalalang tanong ni Weston.
BINABASA MO ANG
Too Young to Love You (Young Love Series #1)
Teen FictionAllison Layne Salazar came from a well-known family. She's spoiled and rich but she's not happy because her dad is having an affair with someone she doesn't know. Kaya gano'n na lang ang galit niya para sa kaniyang ama. She started to have a boyfrie...