Property
"Weston?" sambit ko ng makita siyang nakaupo sa high chair. Pumasok na ako ng tuluyan sa kitchen at nakita ko si Dacey doon na sumisimsim ng kape.
"Surprise! Miss me?" tumayo siya at nakalahad ang dalawang braso niya para sa yakap. Lumapit naman ako sa kaniya at niyakap ako ng mahigpit.
"I just woke up. Why are you here? At paano mo nalaman na nandito ko?" kuryoso kong tanong.
He chuckled. "Of course, everything about you, I know."
Nope. Not everything.
"You say so..." nagkibit balikat ako.
Umupo ako sa tabi ni Dacey at sa harap ko naman si Weston. Nagluluto naman si Manang Rosa para sa aming almusal.
"Ako na maghahanda ng mga kubyertos." presinta ni Dacey. Tumango na lang ako.
Bumaling ako sa kaharap kong si Weston. Malalim ang titig niya sa akin.
"I miss you..." he said.
"I miss you too." I smiled.
Pumangalumbaba siya at pumikit ng marahan.
"Really? Coz I miss you so much." he pouted.
Napatawa na lang ako at umiling.
"Are you free today?"
I nodded. "Yup. Dito lang naman ako sa mansion at lunes na ang uwi ko sa condo."
Lumaki ang ngisi niya. "Come with me then."
Kumunot ang noo ko. "Saan naman?"
"Let's eat and watch movie..."
"Hmm. Okay."
Pagkatapos namin kumain ng almusal ay umakyat na ako at naligo. Nanibago tuloy ako sa pagiging tahimik ni Dacey kaya bago bumaba ay dumaan ako sa kaniyang kwarto at saka kumatok.
Binuksan naman niya ang pintuan. Nagulat ako ng makita ko rin siyang bihis na bihis. She's wearing a red bodycon dress at stiletto.
"Aalis ka?" gulat kong tanong.
Ngumisi siya. "Akala mo ikaw lang, ah! Catch up with my friends at baka gabi na ako makauwi. You know, night out."
I made a face. "Nagpaalam ka ba sa husband mo?"
Natawa naman siya. "Of course...not! E, ikaw? Nagpaalam ka ba sa soon to be husband mo?"
Aber! Kailan ko pa naging soon to be husband 'yon.
"Why would I? He's not my boyfriend to ask permission..."
Umismid siya. "I don't like your friend. The way he looks at you, halatang may gusto sa'yo e. Mas boto ko kay Gray. Kaya magpaalam ka na hangga't maaga pa. Sige ka, ikaw rin!" nagbanta pa.
Inirapan ko lang siya. Sabay na kaming bumaba at nagkahiwalay lang ng sumakay na siya sa kotse niya at ako naman kay Weston.
Napapansin ko ang paninitig niya sa suot ko.
"Why?" nagtataka kong tanong.
Bumuntong hininga siya habang nagmamaneho.
"You look ten times hotter kahit simple lang."
Napasulyap ako sa suot kong maroon long sleeved, off shoulder crop top, loose hight waist denim shorts at strappy sandals. Uminit ang pisngi ko.
Sumulyap ako sa kaniya na nakasuot ng isang white shirt at dark maong pants. Ngayon ko lang napansin na mas lalong lumaki ang matipuno niyang pangangawan. Siguro madalas siya sa gym.
BINABASA MO ANG
Too Young to Love You (Young Love Series #1)
Teen FictionAllison Layne Salazar came from a well-known family. She's spoiled and rich but she's not happy because her dad is having an affair with someone she doesn't know. Kaya gano'n na lang ang galit niya para sa kaniyang ama. She started to have a boyfrie...