Nadamay si Sandy sa isang pangyayaring hindi nya inaasahan- kasama siyang nakidnap ng guwapo at mayamang sought-after bachelor na si Jidee Kwon.
Nabighani siya rito kung kaya't hindi niya masisisi ang sarili nang angkinin siya nito kahit nasa peligr...
Tiningnan niya ang kanyang kaibigan. Sa ekspresyon pa lamang ng mukha nito ay hindi na niya kailangang sagutin ang tanong na iyon. Nasa anyo na nito ang kombiksiyon sa sitwasyon.
“Diyan lang sa labas.” Gayunpaman ay sumagot pa rin siya.
Isang walang ganang pagtango ang ginawa nito bago siya sinenyasang lumabas.
Diretso ang mga hakbang niya sa public telephone booth. Ang iilang taong nasa labas pa nang mga sandaling iyong ay awtomatikong napadako sa kanya ang paningin.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Lamang sa karaniwang Pilipina ang kanyang taas. Tuwid ang kanyang buhok at natural ang kanyang kulay na tsokolate. Likas din ang pagiging makinis ng kanyang kutis. Maputi siya na masasabi mo talagang isa siyang mestiza.
Maganda si Sandy. Yaong uri ng ganda na matatalbugan ang mga celebrities.
Laman din siya ng mga parties ngunit sa halip na makipagsosyalan ay isa siya sa mga empleyadong tagasilbi sa mga ito.
Nagkunwa siyang hindi napansin ang mga nagmamasid sa kanya. Ang importante sa kanya ay matawagan ang taong nais niyang makausap.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Answering machine ang sumagot sa kanya. Hindi siya sumuko at isa pang numero ang idinayal niya.
Kinainipan niya ang maraming pag-ring ng panibagong linya ng kanyang tinawagan. At nang may sumagot doon ay halata sa boses nito na ayaw na maabala.
“Chris?” aniya.
Naulinigan niya ang pagkagulat ng nasa kabilang linya, ngunit maagap din iyong itinago.
“Sandy, I'm sorry. Nagkaproblema rito sa opisina. Hindi ako makaalis.”
“Chris—” Napahinto siya, hindi dahil sa sunod-sunod nang mga salita nito na nanghihingi ng paumanhin kundi sa ingay sa background nito.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Tinig iyon ng babae na tingin niya ay nangungulit na apurahin na ni Chris ang pakikipag-usap sa kanya na agad namang pinatay nito!
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Dahil sa gulat, tulala paring nakatingin si Sandy sa telephone booth. Hindi pa rin nag sink in sa kanyang isipan ang nangyari.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Isang minuto pa ang lumipas at pabalik na siya sa service entrance ng restaurant.
——————— (RESTAURANT)
“Saan ka nanggaling, Sandy?” tanong ni Nadia.
Gusto niyang matawa. Nagpalit lang ng puwesto ang mga kaibigan niya sa pagsita sa kanya.
Wala sa paligid si Dyovada. Marahil ay inayos na nito ang trabaho sapagka't matatapos na ang shift nila.
“Tinawagan ko si Chris,” sagot niya. Alam niyang kukulitin lang siya ng mga ito kaya hindi na siya nagdalawang-isip sa pagsagot.
“Hindi siya darating?” Higit na kompirmasyon ang tono nito kaysa tanong.
Nagkibit-balikat na lamang siya at nagkunwang bale-wala iyon.
Ngunit mahirap bale-walain iyon. Birthday niya nang araw na iyon at maliban sa mga kaibigan niya ay si Chris ang inaasahan niyang makasama sa araw na iyon.
Apat na buwan na silang mag-boyfriend nito. Masama ang loob niya, subalit hindi niya hinayaang makasira iyon sa malalabing oras ng kaarawan niya. At least, nasa tabi pa rin niya sina Dyovada at Nadia. Isa pa ay ipinasok niya sa isip ang paalala ni James.
Hindi nito tahasang tinutulan ang pakikipag-relasyon niya kay Chris, subalit madalas itong magpaalala sa kanya na huwag siyanf masyadong umasa.
Chris was a young executive. He was focused on taking himself to the top of the corporate ladder. At hindi naman ang pagkakataong iyon ang una at pangalawa na na-postpone ang paglabas nila dahil sa trabaho nito.
Ngunit noon din lang naman siya nagkaroon ng kutob na hindi trabaho ang dahilan kung kaya't hindi ito makasisipot sa usapan nila— the woman on the background. At iba ang kutob niya sa babaeng ito.