Barbie
Busyng-busy akong nag-i-scroll sa aking iPad nang mabasa ko ang viral issue ngayon.
Si Mommy! Buhat-buhat siya ng kanyang bodyguard!
Nagbasa agad ako ng mga comments sa baba. Teka, ang daming hipokrita. Kunwari pang concern pero sa totoo lang ay tuwang-tuwa sila. Mga inggetera!
Meron din namang mga bashers at fan theorists na nagsasabing baka buntis daw siya. Nagkalat din ang mga comments na may nosocomephobia raw ang aking Ina.
Pero comment ng isang Unknown ang nakaagaw talaga ng atensyon ko. Pucha!
'Ano kayang mararamdaman ng anak niya pag nalaman niyang magkakaroon na siya ng kapatid? Haha!'
Clinick ko ang 568 replies na nandito at talagang inisa-isa ko!
May mga nagcomment na schoolmate ko. Yung iba, tinatype ang pangalan ko. Hindi nila ako mamention e. Wala akong friends sakanila sa Fb. Followers lang.
'Sabi niya wala siyang anak, 'di ba?'
'Meron daw po sabi nung pinsan ko. Actually schoolmate pa nga raw po nila.'
'Ano raw pangalan?'
'Barbie ata?'
'Truly. Literal nga raw na Barbie.'
'Barbara true name niya'
'Barbara Santos Guevarra po'
'Sinearch ko sa Fb pero parang wala naman'
'Barbie Santos username niya'
'Wow. Ang ganda niya ha'
'Yan yung nakaaway namin nung minsan sa mall ah. Grabe. Ang pangit ng ugali. Maldita. Napakalayo kay Madame'
'Kung anak niya yan, bat Santos?'
'Yan gamit niya kasi family issue ata'
'Baka anak sa pagkadalaga ni Madame?'
'Si Barbie mismo nagsabi na mag-ina sila'
'Baka naman prank lang? Haha'
'Shrue. Maraming gustong maging anak nalang ni Madame'
'Kung biro lang niya yun, babatuhin ko siya ng kamatis sa mukha'
Marami pang mga sumunod na replies pero karamihan ay pang-iinsulto sa akin. Feelingera raw ako. Na imposible raw na may anak na siya sapagkat wala naman siyang nababanggit tungkol sa akin.
Kung alam lang nila ang tunay na dahilan kung bakit ayaw niyang magpunta sa ospital.
Kung alam lang nila na ayaw niya ron dahil natatakot siyang makita ng doktor at mga nurses ang napakalaking tahi niya sa tyan.
Oo, yun ang totoo.
Nagpa-undergo siya ng CS sapagkat malaki raw akong bulas, at ikamamatay naming dalawa kung magnonormal delivery siya.
At ang isa pang dahilan?
Well, tandang-tanda ko pa, Grade 5 ako nun at bagong lipat na naman kami ng tutuluyang bahay.
* Flashback *
"Mommy, nagtataka lang po ako. Bakit po wala akong mga toddler photos gaya ng ibang bata? Gaya po ng mga kaklase ko?" tanong ko habang nag-aayos kami ng mga gamit na ilalagay sa cabinet.
"Bakit anak? Bakit mo naitanong? Assignment nyo ba sa school?"
"Opo. Yun dahilan bat nakakuha ako ng zero. Wala kasi akong naidikit sa kwaderno ko."
"Nasunog kasi lahat nun anak, sa dati nating tinitirhang bahay," maikli naman nyang sabi. Ang kwento ni Lola, tatlong taon lang daw ako nun nang mangyari ang sunog. Dun din daw nasawi ang aking Daddy. Ang dahilan ng sunog? Hindi ko alam.
"Mommy... bakit po nasunog yung bahay natin noon?"
Saglit siyang napatigil at tumingin ng mariin sa akin.
"Basta, anak. Wag mo ng alamin," sagot nyang muli.
"Edi nung dinala po sa ospital si Dad, hindi ka sumama?" tanong ko pa dahil nga nalaman kong may phobia siya sa mga ospital.
"Bakit ba ang dami mong tanong?!" sigaw niya sabay balibag ng mga gamit na inaayos niya.
Nagulat ako sa inasal ni Mommy kung kaya't napaluha nalang ako.
"Gusto mong malaman? Gusto mong malaman kung bakit ko sinabing takot ako sa ospital? Yun ay dahil dun nag-umpisa ang mga kamalasan ko sa buhay! Nung araw na pinanganak kita, tumakbo ang nurse sa takot at---"
Nakatingin lamang ako sakanya habang umiiyak, naghihintay pa ng mga sasabihin nya nang maputol siya sa pananalita, nilapitan ako't niyakap.
" Hush, hush na anak. Mommy is so sorry to yell at you like that. "
* End of Flashback *
That was the day I cried very hard...
.. thinking that there is something wrong with me from the day I was born and I don't even have the slightest idea what is that.
BINABASA MO ANG
Beautiful Monster
Teen FictionShe got those hazel eyes of her mother. Pointed nose just like sculpted perfectly by an artist. Her cheeks are naturally rosy. Sweet smile that attracts anybody. She got everyone a girl could wish... She has a very white complexion and nice body. An...